Chapter 7 (The Temple)

38 5 0
                                    

Super saya ko today, thank you ng madami sainyo!

Sobrang mahal ko kayo💋

Enjoy Reading💛

CHAPTER 7

Hindi ko na binigyan ng pagkakataon ang utak ko na isipin pa 'yon nang maka-uwi na ako. Sira na ang umaga ko, pero hindi ang buong araw ko. Kaya mas mabuti pang libangin ko na lang ang sarili ko para makalimutan na ang nangyari kanina.

"Oh, bakit natagalan ka Hija? Madami ba ang namimili?" Bungad ni Mama nang makapasok na ako sa bahay.

"Opo Ma." Simpleng sagot ko bago ko dalhin sa kusina ang lahat ng napamili kanina.

Tinulungan ko na lang si Mama sa pagluluto kaysa pumunta sa kwarto at tumunganga, dahil sigurado akong hindi naman ako malilibang 'pag iyon ang ginawa ko.

May onting alam naman ako sa pagluluto pero mas masarap talagang magluto si Mama. So I was the one who cutted all the ingredients for her, para hindi na rin siya gaanong mapagod. Pagkatapos ko maghiwa ng mga ingredients, pinanuod ko na lang si Mama sa kaniyang pagluluto. I really love watching her, para kasing napakadali kapag siya yung gumagawa.

I really admire my Mom.

Maagang umuwi si Papa for the simple celebration. It's was really simple, kumain lang kami, then they congratulate me. We had our usual conversation, they only asked some random school things.

Nagkwento lang din si Papa tungkol sa business at sa possibility na ma-promote siya sa trabaho.

I offered to wash the dishes since alam kong napagod si Mama sa pagluluto, and like what I've said, ayokong magkaro'n ako ng time para isipin ang mga nangyari
kanina. Kaya mas okay na mapagod ako para mabilis akong makakatulog mamaya.

After washing the dishes, umakyat na ako papunta sa kwarto. I took a half bath, then do my usual night routine before going to bed. Nang makahiga ay agad ko nang pinikit ang aking mga mata sa pag-aakalang makakatulog na rin ako agad, ngunit nauwi ako sa pagtitig sa kisame sa kwarto ko.

I really don't want to think about it kaya kinuha ko ang phone ko to check my social media account. I climbed off my bed, then took a photo of it.

I posted it on my story with a caption 'Make me sleep'

Bumalik ulit ako sa pagkakahiga pagkatapos i-post ang picture ng kama ko. Nag-scroll na lang ako para antukin ng biglang may nagreply sa story ko.

@FA_Liborio: 'wag mo kasi akong masyadong isipin, hindi rin tuloy ako makatulog.

I coughed when I read his message.

You're self-confidence is that high, huh?

@AnnaEmilee: You probably don't know the word 'Insomnia' 'coz your too full of yourself. Might try asking Mr. Google 🙂

@FA_Liborio: Kailangan ko nga talaga mag-google.

Magre-reply na sana ako ng nagchat siya ulit

@FA_Liborio: Kailangan ko kasing i-translate 'yang reply mo🤧

@AnnaEmilee: Yeah, whatever makes you happy.

Yearned DreamWhere stories live. Discover now