Chapter One

215 6 2
                                    

"Magiging si Mr. Right ka lang if you will arrive at the right place at the right time with the right age! Yan...right na right na yan. PERO wag ma SAD because that Moment will perfectly arrive."

-----------------------------

Riinnnnngggggggggggggggggggggggggggggg!!!!

Tunog yan ng mahabang bell tuwing malapit na kong makatulog sa Physics class. Ewan ko ba... tuwing napapahaba ang explanation ni sir sa major Laws of Physics inaatake na'ko ng antok... relativity...motion...gravity...energy... kasunod nyan yung muntik na pagtulo ng laway ko sa libro.

"Montemayor! Do not leave yet!"

Bakit naman kaya ako pinapaiwan ni sir?

" You seem too sleepy in my class lately? You haven't submitted your ISN for this quarter! Let me remind you iho... I have already spared your first quarter! Do not expect me to show some mercy for you this time ha?!"

" Yes Sir."

Yun lang naman...balik lahat ng hilo ko.

Minsan gusto kong maniwala na ibabagsak ako ni sir, pero tuwing submission, habang lahat hindi bumababa sa ground tuwing breaktime para tapusin yung mga latest entries ng ISN, nsa covered court naman ako nagpapapawis.

Yung tunog ng bell after breaktime ang pinaka epic sa lahat, makikita mo lahat ng classmates ko namamatay sa pag akyat sa room kasi nandyan na si sir.

"Ayan na si Sir Chavez" yan ang maririnig mo sa mga studious na girls.

"bilis! Andiyan na yung epal!" yan naman yung mga trying hard makapoints na girls.

Pero yung mga kapwa ko lalaki...malalaki lang ang hakbang na may halong talon...kampanteng kampante ---" tabi...baka abutan ako ni panot!"

Yan yung araw araw na nagpapakwela ng araw ko.... Pagpasok ko sa room hindi ko pa nalalapag yung gamit ko, ready na lahat mag pray. Ayos. Simula na....simula na naman ng mala epikong paglalakbay ng diwa sa klase.

"So class tell me...what relationship does the First law of Thermodynamics demonstrates?"

Panira ng moment ko yang starter question ni sir... aliw na aliw akong pagmasdan yung grupo ng mga babaeng nsa tapat ng room namin na masayang nakikipag usap sa English teacher naming si Mrs. Yap habang walang sawang lumingon lingon sa amin.

" Yes Montemayor? You got the answer?"

Ako? Ako pa talaga? Oh common!

Alam n'yo na siguro kung ano ang kasunod...

"The door is wide open...you are free to go! I'll be expecting your mother tomorrow or find another Physics class to attend!"

Mula nung araw na 'yon ---- napamahal na sya sakin!

Mr. Mario L. Chavez, binuo mo ang araw ko! Yari na naman ako sa mama ko nito...

" Drix....uy 'tol! Badtrip ka 'ba?"

Nakalimutan ko na tuloy na may lakad kami ni Paul sa kakaisip ko kung paano ko ii-intro kay mama na "bring mother" ako...tsk tsk.

" 'tol, di ako makakasama...kayo na lang muna."

Alam ko ipipilit pa din ni Paul na sumama ko..kilalang kilala ko yan...Ikaw na ang magkaron ng kaklaseng kapitbahay since birth!

" Labo mo naman 'tol! Panu na yung napag usapan? Ano? Backout na? eh wag ganun 'tol...hihintayin ka ni Mariz!"

Si Mariz. Akalain mo... ganun kagrabe effect ni Mr. Chavez pati yung winowork out kong si Mariz nakalimutan ko din...

" 'lam mo kasi 'tol badtrip si sir Chavez, 'bring mother' ako, 'pag sumama ko sa inyo hindi ako makakakuha ng tiyempo kay mama...bukas pag gising ko nakaalis na 'yun..."

The Right Kind of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon