Ang Kasintahan

5 0 0
                                    

Natapos ang masasayang araw nang dumating ang ikatlong taon namin sa kolehiyo. Nalaman kong . . .

May girlfriend na si Don—may girlfriend na siya sa wakas! Kasi sabi niya minsan sa text, hanapan ko siya ng maliligawan sa mga kaklase ko. Hindi ko naman magawa kasi nga hirap akong makipagkaibigan sa iba. O baka ayaw ko talagang hanapan siya kasi . . .

At dahil may girlfriend na siya, naging madalang na ang text messages. Ayaw ko naman siyang gambalain lagi dahil kailangan ko ring ituon ang atensyon ko sa pag-aaral. Hindi dapat mawala ang scholarship ko.

Pero hindi ko maitago ang sakit. Mas masakit ito noong inasar niya akong "pogi." Ganito pala ang pakiramdam ng brokenhearted. Kapag napili ang iba kaysa sa 'yo. Kapag iba ang minamahal, hindi ikaw.

Ang sakit pala talaga. Sana alam iyon ni Don.


Ang Kwento ni JujuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon