Dumating ang graduating year, mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa ni Don. Sabay na kaming kumakain kapag recess at lunch break. Kapag pupunta ako ng library, sasama rin siya kahit minsan matutulog lang siya. Sabay din kaming naglalakad pauwi.
Kapag may bagong kanta, banda, o concert, sinasabi niya agad sa 'kin. Pinapahiram niya rin ako ng mga CD. Madalas niya akong niyayaya sa mga gig, pero hindi talaga ako pinapayagan ng mga magulang ko na pumunta. Hindi rin naman niya pinipilit kung hindi talaga pwede.
Noon pang Christmas party ng section namin, kumanta kaming dalawa ng "In the End." Siya si Chester Bennington at ako si Mike Shinoda. Bongga!
Ang daming nang-aasar sa amin na may relasyon daw kami, pero deadma lang kami sa kanila. Talagang magkaibigan kami ni Don. Walang labis, walang kulang.
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ni Juju
RomansaDahil sa maiksing buhok ni Juju, bigla na lang siyang inasar ng kaklase niyang si Don na "pogi." Mula sa pang-aasar na iyon, nagsimula ang pagkakaibigang hindi inaasahan ni Juju. Saan kaya mapupunta ang pagkakaibigan nila? Sa pag-ibig kaya? *** Ang...