Unang Kaarawan

5 0 0
                                    

Simple lang ang kaarawan ko taun-taon. Umaga pa lang, magluluto na si Mama ng paborito kong palabok. Iyon na ang almusal at baon kong tanghalian. Nagbaon pa ako ng dagdag para mabigyan ko si Don.

"Happy birthday, Linkin Park!" bati ni Don sa akin pagkaupo ko sa desk ko, sabay abot ng isang CD.

Pagkabasa ko sa album art, kinilig ako dahil CD iyon ng Slapshock. "Wow! Para sa 'kin 'to?"

"Especially for you!" sabay ngisi na naman siya. "Pinoy pride ngayong birthday mo. Sorry, hindi ko kayang ibigay sa 'yo 'yung LP. Signed 'yon eh."

"Okay lang. Sana talaga makanood din ako ng concert ng LP sa August. Pero ayaw talaga akong payagan eh. Ihiyaw at ipalakpak mo na lang ako. Salamat dito ha? Ito na ang sunod kong papakinggan kapag nagre-review."

Niyakap ko ang CD bago ilagay sa bag ko.

"Alam mo sa tingin ko, hindi ko makakalimutan ang birthday mo," sunod na sabi ni Don.

"Huh? Bakit naman?"

"Kasi kasabay ng anniversary ng parents ko."

Ang Kwento ni JujuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon