Alumni Homecoming

3 0 0
                                    

"Juju, gumaganda ka ah?"

Kinilig ako sa mga salitang iyon at napangiti. Sa tinatagal-tagal na hindi ko nakausap si Don, iyon pa ang unang bungad niya sa akin.

Pero pagkalingon ko mula sa tabi ng drinks table, hindi si Don ang nakita ko. Si Brian. At sa totoo lang, unang beses kong natameme sa kanya. Ang gwapo niya . . . Ang gwapo niya pala?

Ganoon ko na ba nakalimutan ang boses ni Don? Magkaboses ba sila ni Brian? O hindi lang talaga ako pamilyar sa boses ni Brian dahil hindi naman kami madalas mag-usap noong high school?

Sa dami ng tao na dumalo sa alumni homecoming sa bagong renovate na covered court, si Brian pa talaga ang una kong nakita at nakausap. O mas tamang sabihin na siya ang nakakita at unang kumausap sa akin.

"Brian," ngumiti ako para itago ang aking pagkagulat, "long time, no see! Um . . . ikaw naman . . . gumagwapo?"

"Parang hindi ka sure do'n ah?" napakamot sa batok si Brian, mukhang nahihiya. "Bagay sa 'yo 'yang blue hair, you look like a K-pop star," dagdag niya habang nakangiti na abot hanggang tainga.

"K-pop star?" pinagtaka ko, sabay pansin sa dala niyang instrumento sa balikat. "Eh mukhang ikaw ang performer eh. Gitara ba 'yan?"

"Bass," sabi niya. "Tutugtog kami nila Don. Didn't he tell you?"

Paano ko naman malalaman kung matagal na kaming hindi nag-uusap?

Ang Kwento ni JujuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon