Nagkakwentuhan kami ni Brian habang pauwi. Sobrang daldal niya, hindi pa maubos ang kwento niya sa Europe simula noong homecoming. Napatingin ako sa labas ng bintana at hindi ko napigilan ang paghikab ko.
"Naku, antok ka na ba?" sabi ni Brian. "Are my stories boring? Really sorry, madaldal ako kapag gusto kong magising. Inaantok na rin ako, but I have to drive you home safely."
"No, don't worry," sabi ko naman. "Tita hits, my friend! Saka hindi ka pa yata kasi naka-adjust since you just came from Europe."
"No, it's fine," sabi niya, "it's been days already."
"Mag-coffee kaya tayo somewhere, may bukas pa yatang shop? Libre ko!"
"Juju, it's OK. Let's have coffee next time."
"All right. Next time?"
"Next time. I'll bring you home muna para makapagpahinga ka na."
Nang makarating na kami sa bahay, isang cute na envelope ang iniabot sa akin ni Brian bago ako bumaba.
"I think it's time that I give this to you," sabi ni Brian. "It's really nice to see you again after so many years, Juju. Just read it in the morning. No rush. Rest well first."
"Ano naman 'to?" gulat kong tanong. "Kinabahan naman ako bigla!"
"Basta, read it," sabi lang niya nang nakangiti.
"OK, bye, Brian! Thanks for the ride!"
"Yup. Coffee soon?"
"Sure, coffee soon! See you!"
Nang makarating ako sa kwarto ko, binuksan ko agad ang ibinigay ni Brian. Isa itong sulat. At ang ganda ng penmanship niya!
Hindi ko mapigilang maluha nang mabasa ko ang sulat. Laman nito ang pagbubukas ni Brian ng kanyang puso—inamin niya na matagal siyang naghintay sa tamang pagkakataon upang masabi ang kanyang nararamdaman sa 'kin.
Kaya pala panay ang lingon niya sa 'kin habang kinakanta ang "Magbalik." Lumipas na ang kolehiyo, nagpunta na siyang Europe, pero nang malaman niyang single na ako ulit at ikinasal na si Don, agad siyang nagdesisyon na bumalik. Hindi raw siya umaasa na bibigyan ko siya agad ng pagkakataon. Pero sana raw ay hayaan naming kilalanin pa ang bawat isa kahit bilang magkaibigan.
Tuluyan nang tumulo ang luha mula sa mga mata ko, ngunit hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa tuwa at sa pasasalamat. Hindi ko akalain na may isang tao pang gaya ni Brian. Hindi ko akalain na may tao pang kaya akong hintayin at mahalin nang ganito.
Totoo nga siguro na dumarating ang mga pagkakataon kapag handa na tayo. Kapag malaya na tayo. Kapag alam na natin kung paano magmahal sa sarili.
Sumisilip na ang araw nang magising ako. Nakatulog pala ako nang yakap ang sulat ni Brian. Bumangon ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Magulo man ang buhok ko at mukhang bagong gising, ngumiti pa rin ako. At nang makita ko ang kakaiba kong ngiti sa salamin, alam ko na.
Kinuha ko ang aking smartphone at tinext ang number ni Brian na nakalagay sa dulo ng sulat.
"Hi, Brian. Juju here. Kailan na tayo magco-coffee?"
WAKAS.
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ni Juju
RomanceDahil sa maiksing buhok ni Juju, bigla na lang siyang inasar ng kaklase niyang si Don na "pogi." Mula sa pang-aasar na iyon, nagsimula ang pagkakaibigang hindi inaasahan ni Juju. Saan kaya mapupunta ang pagkakaibigan nila? Sa pag-ibig kaya? *** Ang...