Hindi ko na namalayan ang paglipas ng mga taon, graduate na kami ng kolehiyo. At halos wala akong balita kay Don.
Uso na noon ang social media pero wala naman siyang masyadong pino-post. Paisa-isang litrato lang nila ng kanyang girlfriend na sobrang ganda—mahaba ang buhok, laging naka-floral dress, ang kinis ng legs. Gusto ko rin 'yung shades ng lipstick niya. Ano kayang brand? Bagay din kaya sa akin?
Ilang buwan pagkatapos ng graduation, nagsimula na akong magtrabaho sa isang publishing company bilang editor. Events coordinator ang una kong in-apply-an pero sa editorial department ang binigay na job offer. Tinanggap ko rin naman.
Naalala ko ang magazines na ibinigay ni Don sa akin dati. Naitago ko pa rin sila noong mga panahong iyon. Naisip ko tuloy, parang na-predict niya kung ano ang magiging trabaho ko pagtanda. Astig talaga!
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ni Juju
RomanceDahil sa maiksing buhok ni Juju, bigla na lang siyang inasar ng kaklase niyang si Don na "pogi." Mula sa pang-aasar na iyon, nagsimula ang pagkakaibigang hindi inaasahan ni Juju. Saan kaya mapupunta ang pagkakaibigan nila? Sa pag-ibig kaya? *** Ang...