Chapter 40 - Agustus Waters

41 1 0
                                    

Andito parin ako sa bahay nina Ashley. Nanonood kame ng 'If I Stay' ng biglang vibrate ng vibrate yung phone ko. Di ko pinansin, wala ako sa mood.

"Ano nga pala yung nangyari sa CR?" Tanong ni Ashley sakin, "Umamin si Mary sakin." I answered blandly.

"Na ano? Paputol-putol explanation mo. Bagsak ka sa essay, promise." Sinubukan niyang magpatawa. Di parin ako makangiti.

"Huy ngumiti ka naman. Nakakamiss yung napakasikat na ngiti ni Katherine Andrea Villegas Tamayo." Okay, dun. Napangiti na ako.

"Ayaaaaaan!" Tumatawang sinabi ni Ashley. "Oh so ano nga? Anong inamin niya?" She asked with anticipation.

"Inamin niya na may gusto siya kay Kiann." Sabi ko.

...

Tinitignan lang ako ni Ashley.

...

Don't get me wrong, siguro nakatingin siya sakin with wide eyes for 2 minutes I guess. Yes, ganun din yung gusto ko sanang maging reaction. Pero, wala. Luha yung lumabas.

...

"OMG. Totoo? Eh, diba may rule kayo? And yun lang talaga yung only rule niyo." Tanong ni Ashley, still in shock.

"Nagulat nga rin ako eh." Sagot ko, pero yung mata ko nakatingin parin sa screen ng TV.

...

Natapos yung If I Stay, nanood naman kame ng The Fault in our Stars.

"Sana boyfriend ko si Agustus Waters. Shemay. Buhay libro na lang sana 'to. HAHAHAHA." Pabirong sinabi ni Ashley.

"Oo nga nu. Pero sakin si Chase. Omg mortal instruments 5ever." Nagkakatuwaan na kame. Yung phone ko seryoso, vibrate ng vibrate. Pero di ko lang pinapansin.

...

Matapos yung movie, hinatid ako ni Ashley pauwi sa bahay namin.

"Thank you Ash. Ingat ka." Sabi ko. "Walang ano man. Ingat ka rin, Kath." Sagot niya. Sinimulan niya na yung paglalakad.

Ng sinara ko yung pintuan ng bahay, hinihintay pala ako ni Mama.

"Kamusta lakad, anak?" Tanong ni Mama habang hawak yung plato na may cheesecake.

"Okay lang po. Taas na ako ma, magpapahinga na po ako." Sabi ko habang pataas ng hagdan.

"Osige anak. Tataas na rin ako sa kwarto matapos kong kainin 'tong cheesecake na dala ni Sedrick kanina." Sagot ni Mama.

...

Ughhh 😞 I had too much in one day. I best be off to sleep. Tulog lang katapat nito.

Ruined Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon