Chapter 45 - All for One

32 2 0
                                    

Nasa cr pa rin ako siguro mga 5 minutes na akong nandito.

"Balik na muna ako sa room Katherine ha? Mag ingat ka. :)" Ngumingiting sinabi ni Claryn sakin.

"Osige Cla. Thank you talaga." Sabi ko at humarap na ako sa salamin.

...

Lara's POV

Di namin mahanap si Katherine. Habang naglalakad kame ni Harleigh, may nagkabanggan kame ni Claryn.

"Ay halah. Sorry Lars." Sabi niya sakin. "Okay lang. Nga pala, nakita mo ba si Kath?" Tanong ko.

"Ah si Katherine ba? Nandun sa CR. I think kailangan nya kayo right now. You better go check on her." Sagot niya sakin.

"Ah. Sige, salamat Cla. Una na kame." Sagot ni Harleigh.

...

Biglang bumukas yung pintuan ng CR. Nagulat naman ako, hingal na hingal si Lara at Harleigh eh.

"My god. Anong nangyari sainyo? Para kayong tumakbo ng 300 meter race." Sinubukan kong magpatawa.

"Hindi to joke time Katherine. Manahimik ka." Sabi ni Lara.

"Napakawalang hiya ng Marylisa na yan! Siya pa yung gumawa ng rules. Siya pa yung unang mag be-break ng mismo niyang rule." Galit na sabi ni Harleigh.

"Alam niyo, as long as tayong tatlo walang iwanan, walang lokohan. Matatag 'tong pagkakaibigan natin guys." Sabi ko, to lighten the mood.

"One for All?" Sabi ni Lara.

"All for One!!" Sabay na sagot namin ni Harleigh.

Ruined Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon