Chapter 57 - Regional Meet

35 2 0
                                    

Sedrick has been the best and forever will be the best. It's been 3 days since our 4th monthsarry.

...

Regional Meet na. Wala talaga akong magagawa kundi sumama sa tatay ko. Referee siya eh. "Sasama ka talaga?" Tanong ni Ashley sakin habang inaayos niya yung sapatos na gagamitin ko.

"May choice ba ako? Wala naman diba?" Sabi ko. "Nga naman. Sige bilisan mo na, naghihintay si Tito sayo sa baba."

...

Bumaba na ako, sumakay nako ng sasakyan. "All set?" Papa asked, "No." I whispered to myself. "Ano?" Sabi ni Papa, "Wala po. Let's go."

...

Dumating kame sa school nina Kiann. Nandun na yung mga players. Gawd this is the last place I wanna be. "Hi Katherine." May nagsabi.

Tumalikod ako, "Oy! Hi Kenjie! Kamusta na?" Sabi ko sabay apir. "Okay lang. Ikaw?" Sasagot na sana ako, "Nabalitaan ko yung tungkol sa nangyari sainyo ni Kiann. Ang gago niya talaga ano?" Tumatawa niyang sinabi.

"Pabayaan mo na." Sabi ko, "Ayan oh. Tinitignan ka nanaman. Wag mo na lang pansinin. Matapos ang pitong araw naghiwalay na sila nung girlfriend niya, nakita daw niyang may kasamang iba eh." Sabi niya sakin. Di ako makasagot. "Sige Kath. Dito na ako. Warm up pa'ko eh." Sabi ni Kenjie.

"Sige. Goodluck! :)"

I used to be happy being around this kind of environment. Dati, pumupunta ako dito ng walang ibang iniisip. Talaga ngang nagbabago ang lahat.

Ruined Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon