Chapter 15 - Revenge, Yes or No? Pt. 1

67 1 0
                                    

Lahat naman siguro tayo nasaktan na kahit pa-paano. Dumadating pa nga sa point na parang takot na tayo mag mahal ng tao. But always remember, SOMEDAY, SOMEONE WILL PROVE TO YOU THAT FOREVER EXISTS.

"Punta ako kay Ashley, Ma." Nagpaalam ako kay Mama. "Okay. Ingat ha."

...

Pag dating ko sa bahay nina Ashley, nandun yung baby niyang kapatid. "Achiiieee!" Sabi ni Kurt, nakababatang kapatid ni Ashley. Ngumiti lang ako at dumeretso kay Ashley.

"Uy, ano man?" Sabi ni Ashley sakin. "Tuloy natin yung plano ha." Tahimik lang si Ashley. Kinabahan ako, baka di to pumayag. Siya kasi yung mag papanggap para ma pa-fall niya si Kiann.

"Simulan ko mamaya. Bigay mo number sakin, ite-text ko." Sabi niya sakin. Binigay ko agad number ni Kiann, sa galit ko ba naman. Mapipigil pa? Hahaha

...

Ashley's POV

Nag text ako sa lalakeng gago na yun. "Hi Kiann 😊" yan yung sabi ko sa text. Tagal mag reply, grabe. Nag ayos na lang muna ako ng gamit ko sa kwarto.

Lumipas na yata ang dalawang oras, tumunug na yung phone ko. I checked my phone, nag reply na yung gago. "Hello. Sino po to?" Hintay ka lang Kiann ka. Parating na KARMA mo.

...

Binigay ko na kay Ashley yung number ni Kiann. Deep down, I'm kinda scared of what this would lead up to. Gawd help

Nag conference call nanaman kame ng mga barkada ko. "Beeess. Okay na ang Plano?" Tanong ni Mary. "Oo, nakausap ko na pinsan ko." Sagot ko. "Shemay. I can feel it. Magiging maayos talaga to." Sabi ni Harleigh, "Oo nga bes. Basta ha. Ikaw din, kaibiganin mo si Girl ha. Hahaha" sabi naman ni Lara.

Napaisip ako bigla...

Pano pag nag break na sila nung babaeng yun? Mas malaki gulo. Lord ano ba 'tong pinasukan ko? 😞

"Bes, pano pag nag break na pala sila?" Tanong ko, "Tuloy pa rin. Mas maganda nga yun. Para isipin nung babae na kaya nakipag break sakanya si Kiann dahil nakahanap ng bago. Tapos aminin mo na rin sa babae yung totoo. Tignan mo, satin yan mag panig yung girl." Sagot ni Lara. "Wala namang kasalanan yung babae eh, gagamiting lang natin siyang CONDIMENT, you know." Patawang sinabi ni Mary.

"Correct. DAPAT LANG YAN SA MGA LALAKENG KATULAD NIYA." Yan yung huling sinabi ni Harleigh bago nag end yung call.

Ruined Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon