Masarap pala sa feeling na yung alam mong may mga tao na nandyan para sayo. Di sapat ang salitang Thank You para mapasalamat ko yung mga taong nandyan para sakin. Those people that are always there for me, YOU GUYS THE REAL MVP 👏👏
Nag reply ako sa text ni Sedrick. At ang sabi ko;
"Aww. Thank you Sedrick ha? Di mo alam kung gano ka nagpapasalamat ako na may mga tao parin na tulad mo. Yung nandyan nakahanda para damayan ako. Salamat talaga. :)"
...
Nakatulog ako sa kakaisip kung pano ko sasabihin sa barkada ko na itigil na namin yung plano. Vibrate ng vibrate yung phone ko. Shemay. Calling sina Lara. Agad kong sinagot.
"Hooy. Alam na ni Mama at Papa. Wag na nating ituloy yung plano." Sabi ko agad. "Hoy Katherine Andrea Tamayo. Wag mo akong pinagloloko. Totoo ba yan?" Sagot sakin ni Lara, "Oo ba. Promise bes. Kahit text mo pa si Mama ngayon." Sagot ko naman.
"Yun naman pala eh. Nasabihan mo na yung pinsan mong si Ashley?" Tanong ni Harleigh. "Wala pa. Sasabihan ko pa lang. Thank you so much guys! Puntahan ko muna yun. Byebye." Agad akong nag end call.
...
Nag paalam ako kay Mama na pupunta muna ako kina Ashley. Binilisan ko yung lakad ko, mga tatlong bahay lang ang layo tapos bahay na nina Ashley.
Kumatok ako sa pinto nila. Nanay niya yung nag bukas ng pintuan, si Tita Irene. "Ay hello po tita. Si Ashley po?" Tanong ko. "Ay hello Andrea." Oo, Andrea tawag sakin pag Pamilya ko. Malalaman mo talaga eh noh? Hahaha
"Andun si Ashley sa kwarto. Pasok ka lang :)" Sabi sakin ni Tita. "Sige po."
...
Dumeretso ako sa kwarto niya. Nakalimutan kong kumatok, sa pagmamadali ba naman.
"AAAAAHHHHH!" Sumigaw si Ashley. "What theee!" Sigaw ko rin. Nagulat din ako. HAHAHA "Aatakihin ako sayo! Kumatok ka naman kasi!" Tumatawa na siya nung sinabi niya sakin yan.
Tumawa lang ako at umupo sa may dulo ng kama niya. "Ano pala ipinunta mo dito?" Dagdag niya.
"Hindi na natin itutuloy yung plano. Alam na ni Mama at Papa ang tungkol kay Kiann." Sabi ko. "Edi mabuti, ayokong makipagkita dun sa gagong yun baka masipa ko lang." Sagot niya. As if she was really disgusted 😂
"Huy. Naalala mo yung anak ni Tita Louise na lalake?" Tanong ko. Medyo excited, aaminin. Haha
"Wait. Si ano oh, Sedrick ba yun?" Sabi niya. "Oo, yun na!" "Ang gwapo nun ha." Tinawanan ko lang siya.
...
"Oy teka. Bakit mo tinanong? May gusto ka dun noh? Yiiieee 💕💕" Kiniliti pa ako, langya. Hahaha
"Manliligaw. Pero, di ko alam kung ready na to ulit." Tinuro ko yung puso ko.
"Give it a try. Pero, imo-monitor ko yan para sayo." Sabi ni Ashley.
BINABASA MO ANG
Ruined Love Story
Teen FictionEveryday I have nothing to do but mourn, and in a second it started to rain. It was a beautiful love story, that was never meant to be.