Kabanata 4

14 4 0
                                    

James' POV

First day of school.

When I saw her keeping herself busy doing cellphone at our classroom.

Kabisadong kabisado ko na ang school kaya hindi ako nahihirapan hanapin kung saan ang first subject ko.

Well, tadhana na siguro ang nagdesisyon na magkikita kami ulit matapos ang mahigit tatlong taon na lumipas.

And here I am, iniisip na sana naalala pa niya ako.

Elementary palang ako nong nakilala ko siya dahil sa mga magulang namin.

Naging matalik ko siyang kaibigan hanggang sa naging kami nong high school pero mga pinsan ko lang ang nakakaalam tungkol sa aming dalawa.

Tinago namin dahil ayaw ko siyang masaktan kaso isang araw nagkamali ako at naaksidente siya.

Simula non hindi ko na siya nakakausap at nalalapitan kahit iisang school lang ang pinapasukan namin.

Ayaw ko rin na makita siyang nasasaktan dahil sa akin kaya hindi ko na siya ginulo.

Kahit mga pinsan ko 'di magawang makalapit sa kaniya dahil mukha daw siyang nagbago.

Bahala na basta isa lang ang alam ko.

Mahal na mahal ko siya at para sa akin walang makakapantay sa kaniya.

***

Pumasok na ang prof namin kaya agad naman natahimik ang buong silid.

"Class kindly introduce yourself first para magkaliwanagan tayo kung ano ang mga pangalan niyo at para 'di ako malito". Sabi ng prof namin.

Sinimulan na nila pero sa iisang babae lang talaga naagaw ang attensyon ko.

Akala ko dati na 'di ko siya magiging kaklase sa ibang subjects pag college pero mali pala ang akala ko.

"Good day everyone! I'm Danielle Espinosa. Elle for short. 18 years of age."

Ang ikli naman ng pag introduce niya dapat sinamahan niya ng "soon to be Mrs. Dela Cruz" charot.

Tinignan ko siya ng mabuti. Hindi pa rin talaga siya nagbago para sa akin.

Sana bumalik ang dating tayo Elle, miss na miss na kitang makasama.

***

Nandito ako ngayon sa mall nag text kasi si mommy na may ipapabili siya at sakto din naman na kakatapos lang ng klase ko.

Habang naglalakad ako nakita ko si Elle sa 'di kalayuan.

Maybitbit siyang fruit shake at halatang inuuhaw dahil ang bilis niyang makahigop haha

Dahil sa katitig ko sa kaniya hindi ko namalayan na nabangga niya ako at natapunan pa ng shake niya pero okay lang hehe mahal ko naman.

May konting bangayan na naganap at nag suggest ako na bilhan niya ako ng bagong damit at pumayag naman. Bait talaga nito.

Pero bakit parang 'di niya ako kilala?

Kinalimutan na niya ba talaga ako?

Nong palapit na kami sa men's shirt biglang dinumog ako ng mga babae dahil sa kagwapohan ko pero joke lang haha.

Sikat talaga ako dahil sa pamilya ko. May business kasi kami at kilala sa buong Pilipinas pati mga tito at tita ko may business din kaya sikat kaming magpipinsan sa school namin.

Pagkatapos kong makatakas sa mga grupo ng babae na 'di ko naman kakilala, nagmadali akong balikan si Elle baka kasi mawala na naman siya sa'kin.

Pagbalik ko sa kaniya tinanong ko siya kung okay lang ba siya at sinabi ko na din sa kaniya buong pangalan ko baka kapag sinabi ko maalala na ako.

It Has A ReasonWhere stories live. Discover now