Kabanata 6

5 2 0
                                    

Ayaw mag sink in sa utak ko ang mga sinabi niya sa akin kanina.

"I'm sorry baby, it's just.... I don't want to lose you again. Hindi ko na talaga mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari na naman sa iyo."

"I'm sorry baby, it's just.... I don't want to lose you again. Hindi ko na talaga mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari na naman sa iyo."

"I'm sorry baby, it's just.... I don't want to lose you again. Hindi ko na talaga mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari na naman sa iyo."

Parang nag e-echo sa isip ko at ayaw itong kalimutan.

May alam kaya siya sa nangyari sa'kin dati? Ba't hindi binanggit ni mommy? At isa pa kung may alam siya bakit hindi siya nagsasabi?

Nandito na kami sa loob ng bahay at parating na din sila mommy at tito. Ewana ko ba dito kay James! Okay lang naman ako kaso tinawagan niya pa din si mommy! Baka ma istorbo pa siya sa kaniyang pagtatrabaho.

Ang tahimik naman namin masyado parang may anghel ata dito. Mas mabuti siguro kung kakausapin ko siya hangga't wala pa sila mommy.

"Hoy! Ba't mo tinawagan si mommy?! Alam mo ba na may trabaho siya ha?! Kaya sana hindi mo nalang siya tinawagan!"

Tinitigan niya lang ako at binalewala! Aba! Bwst!

"Hoy James! Sumagot ka nga!"

"Bakit 'di ko tatawagan? Baka ako pa nga ang mapagalitan dahil alam nila na dapat kasama kita." Kalmado niyang sagot.

"Ikaw talaga dapat ang pagalitan! Kasalanan ko bang naghahalikan kayo ng lintek na babae mo sa sasakyan mo kaya 'di ako nakasabay ha?!" Inis kong sabi.

Ay gagi! Tama paba mga sinabi ko? Ba't ko 'yon nasabi eh wala naman akong pake kung anong gagawin niya sa buhay niya! Bahala siya!

Nagulat siya sa mga nabitawan kong salita, kahit ako nga nagulat din para kasing nagseselos ako kahit hindi naman. "So nakita mo 'yon?" Aniya.

"Malamang may dalawang mata ako eh! Hindi ako bulag no para hindi ko 'yon makita!"

Bigla siyang tumawa. Kainis! Ano bang nakakatawa don? Totoo naman ah! Parang gago lang kung makatawa bakit 'di ba totoo?!

"Anong klaseng sagot 'yan? Ba't ka tumatawa? Wala namang nakakatawa!"

Tawa pa rin siya ng tawa. Hooo! Calm down Elle! Baka ano pa magawa mo sa lalaking 'to!

"Hindi kasi ako 'yon magkapareho lang ang kulay ng sasakyan namin at isa pa pinsan ko 'yong may kahalikan." Natatawa niyang sabi.

Wehhh? Hindi nga? Basta siya 'yong nakita ko! Periodt.

"Kung natatandaan mo may naka park pa na sasakyan sa likod non at ako 'yon" He sighed. "Nakita kitang lumagpas sa sasakyan ng pinsan ko kaya sabi ko sa sarili na alam mo na kung ano ang sasakyan ko kaso linagpasan mo lang at parang malungkot ang 'yong mga mata. Kaya imbis na kulitin kita, sumunod nalang ako para 'di mo mahalata." Aniya.

Okay-okay. Naiintindihan ko na. Kasalanan ko pala. Ba't hindi ko naman kasi tinignan kung siya ba talaga 'yon? Hays! Ayan tuloy!

"K-kung sakaling nagkasabay tayo papunta dito kanina, hindi ba dadating 'yong limang tao?" Tanong ko.

"Hindi ko din alam, Elle pero pangako ko sa'yo na sa susunod hindi na kita hahayaang mag-isa. Nandito lang ako palagi. I'm only one call away basta ikaw."

Wow! Paano ko naman siya ma tatawagan? Ni isang numero ng number niya ay wala ako.

May inabot siya sa'king maliit na papel. "Ito number ko, text at tawag ka lang kapag may kailangan ka."

Mind reader yata 'to ba't parang alam niya mga nasa isip ko.

Sasagot na sana ako sa kaniya kaso biglang dumating na sila mommy at kinuha ko nalang ang papel na inabot niya sa akin.

"Anak! Okay ka lang ba?"

"Hindi ka ba nasaktan?"

"Kilala mo ba ang mga taong 'yon?"

"Anong kailangan raw nila sa'yo?"

"Tatawag ako ng pulis para ma imbestigahan."

Si mommy naman oh parang praning, wala nga akong galos eh.

"Teka lang mommy! Isa-isa lang po, mahina kalaban hehe"

***

Tinignan niya muna kung nasaan naroroon si James at bumaling ulit siya sa akin.

Kinuwento ko kasi sa kanya ang nangyari kanina kaya nag-alala na din siya para kay James baka balikan daw ulit kami dahil lumaban si James.

Nag kuwento din si mommy sa akin tungkol sa amin ni James noon. 'Di ko talaga ma imagine na isa pala siya sa mga naging malapit na kaibigan ko noon.

"James, salamat ha kung hindi ka dumating baka napano na 'tong unica hija namin." Sabi ni tito sa kaniya. Swerte ko talaga na siya ang naging stepfather ko dahil sa kaniya ko nararanasan kung ano ang pakiramdam ng may ama sa tabi palagi.

"Walang anoman po" Ngumiti lang si James at tumingin sa direksyon namin ni mommy.

Naghahanda kami ni mommy ngayon para sa haponan at pagkatapos namin kumain, aalis din raw agad sila mommy dahil may kailangan pa siyang gawin sa opisina.

"Kain na raw po tayo tito at James"

Tumango lang silang dalawa sa akin at tumayo na din patungo sa hapag kainan.

"Hijo, ano nga ulit ang pangalan mo?"

"James Dela Cruz po sir."

"Diba may second name ka pa hijo? At isa pa huwag mo ng tawagin ang asawa ko na sir, tito nalang itawag mo sa kaniya." Ngiting sabi ng ina ko. Buti pa sila close na samantalang kami hindi dahil minsan umaandar pagkagago ni James.

"Opo tita. Actually, James Clark Dela Cruz po talaga kaso ayaw ko kasing banggitin ang Clark dahil may isang tao lang akong gusto na tumawag sa'kin niyan." Sino kaya? At bakit 'di niya sinabi sa akin ang second name niya?

"Kung sino man ang tao 'yan ay napakaswerte niya sa'yo." Ani ni tito.

Nag kwentohan lang kami hanggang sa matapos na kaming kumain at nagpasya na din sila mommy na umalis na.

"Mag-ingat kayo dito anak ha? James? Ikaw na bahala sa anak ko" Bilin sa amin ni mama.

"Okay po tita, paki sabi na din po kay mama na miss ko na siya"

***

Nanonood kami ng movie ngayon sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit 'di ko mapigilan na tumitig kay James. Ang gwapo niya pala.

"Don't look at me like that kasi naiisip ko na nakahubad ako sa harap mo kaya titig na titig ka." Pang-aasar niya.

Whatever James! Hindi kaya kita type kaya wala akong dapat ikabahala.

Magtatanong na sana ako sa kaniya pero bigla niya akong tinignan. "May sasabihin kaba, Elle?"

"Oo sana pero baka hindi mo masagot kaya huwag nalang." Mahina kong tugon.

"Itanong mo na, huwag kang mahiya baka masasagot ko 'yan malay mo dba?"

Sige na nga, mapilit ka kasi.

"Ka ano-ano kita dati James? M-may alam ka ba tungkol sa'kin bago ako naaksidente? At bakit mo'ko tinawag na b-baby kanina?" Pag-alinlangan kong tanong.

Tama ba ang mga tinanong ko sa kan'ya? Baka magalit siya o 'di kaya ma awkward.

He sighed. Ba't parang ang lungkot niya sa tinanong ko? "May alam ako na tungkol sa'yo dati pero 'di na 'yon importante dahil ang mahalaga ngayon ay okay ka na at siguro hindi mo din magugustohan kapag nalaman mo lahat-lahat." Aniya at ngumiti siya ng matipid sa'kin.

Bakit 'di ko naman magugustohan? Ewan ko ba sa taong 'to! Ang gulo kausap! Bakit? Siya ba ako ha? Makapagsalita parang alam na alam niya talaga kung sino ako.

It Has A ReasonWhere stories live. Discover now