Kabanata 11

6 3 0
                                    

Ringing....

"Hello! Good morning. This is officer Jace, how may I help you?"

Ghad! Paano ba ako manghihingi ng tulong? Ah bahala na nga basta ang importante ay  tumawag ako.

"M-morning too officer. C-can you send some of your men?" Nanginginig pa ang boses ko dahil sa takot.

"Is there something wrong ma'am?" Pagtatanong niya. Malamang meron! Tatawag ba ako kung wala ha?!

"Actually yes, and I'm hoping that you can help us here at our house sir."

"Why? What happened?" Nagtataka niyang tanong.

"May nanloob kasi sa amin officer at baka masaktan ang mga kasama ko sa bahay." Sagot ko.

"Okay ma'am. Give me your exact location please and we'll be there in 10 minutes."

After I gave our location, I hanged up the call immediately.

Gusto kong tignan kung ano na ang nangyari sa labas baka napano na ang lima pero naalala ko ang sinabi ni James sa'kin na huwag muna akong lumabas hangga't wala pa siya. Kaso nag-alala na talaga ako sa kanila.

Ilang minuto na ang nakalipas pero 'di pa siya bumabalik at ngayon may narinig na akong tunog ng baril.

Tumingin ako sa baba sa may bintana at nakita ko na nandito na pala ang mga pulis. I felt relieved nang makita ko silang pumasok isa-isa sa bahay.

Pa lakad-lakad lang ako sa kwarto habang hinihintay si James. Ngunit may narinig akong mga hakbang magtatago na sana ako kaso pagbukas ng pinto agad iniluwa nito si Mark.

Bakit si Mark? Asan si James?

"Bumaba ka raw sabi ni boss kailangan ang pahayag mo." Aniya.

Dali-dali akong bumaba at agad kong natanaw si James sa sala na nakaupo pero may sugat siya sa braso dahil nasamiran ng kutsilyo.

Nahagip din sa aking mga mata ang mga lalaking nakahiga malapit sa pintuan na walang malay.

Nagulat ako nong lumapit ako para tignan kung sino ang mga iyon. Kumunot ang noo ko. Sila ang umatake sa'kin nong nakaraang araw! Ano kaya ang kailangan nila? At may kasalanan ba ako sa kanila?

Tumingin silang lahat sa akin pero si James lang ang tinignan ko at batid sa kaniyang mukha ang pag-alala. Alam na niya siguro ang iniisip ko.

He smiled while looking at me too. Nagawa pa niya talagang ngumiti kahit nasugatan na siya at may ganitong pangyayari. Aba! Lakas ata fighting spirit nito!

"Halika, upo ka rito." Utos niya.

Sumunod naman ako na parang aso. At nasa bandang likod ko naman ang apat.

"May ilang itatanong ang mga pulis sa'yo." Aniya.

Tinignan niya ang isang pulis na nakatayo sa harap ko. Siguro nasa mga 30's na siya pero 'di naman halata dahil ang lakas ng dating niya.

"Go ahead tito." Ani ni James.

Wait, what?! Tito? So ibig sabihin magkakilala sila?

Tumingin muna siya sa akin bago nagsalita. "Good morning hija. I'm officer Jace at baka nagtataka ka kung bakit tito ang tawag ni James sa akin." Sabi niya. "Mga pamangkin ko silang lahat in case hindi mo alam."

My jaw dropped dahil sa gulat. Kaya pala! I just smiled at him para kahit papaano hindi halata na kinakabahan ako sa maaaring itanong niya ngayon sa akin.

Ngumiti din siya pabalik. "Nabanggit sa amin ni James na itong mga taong 'to ang nakalaban niya nong nakaraang araw dito sa tapat ng bahay niyo. Tama ba, hija?" Ani nito.

I guess wala na akong dapat pang sabihin dahil na explain na ata lahat ni James sa kanila.

Tinignan ko muna ang apat bago sumagot pero blanko lang ang ekspresyon ng kanilang mga mukha.

"Opo sir." Pormal kong sagot.

"Tito nalang." Ngumiti siya at ganoon din ang ginawa ko. "May alam ka ba kung ano ang maaaring motibo nila para pagtangkaan ang buhay mo?" Tanong niya.

Ano nga ba? Wala akong clue.

"Wala po akong alam t-tito."

"Kung ganoon bakit kaya? May nakaaway kaba hija? O di kaya may gustong mawala ka?"

"Wala naman po akong kaaway at maliban sa mga pamangkin niyo ang best friend ko lang din ang nakakausap at nakakasama ko." Sagot ko.

"Okay hija, maraming salamat. Babalik kami dito kapag may nalaman kami tungkol sa mga gumawa nito sa iyo."

"Salamat po t-tito."

***

Alas kuwatro y media na ng madaling araw 'at di na ako makabalik sa pagtulog dahil sa nangyari.

"Matulog ka muna Elle. Gigisingin nalang kita kapag nakapaghanda na kami." Aniya.

"Hindi ako makabalik ng tulog James. 'Di mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Wala naman akong kaaway, alam mo 'yon diba?" Naiiyak kong sabi.

"At isa pa hindi ako malapit sa ibang tao sa inyo lang at kay Lizelle."

Lumapit agad siya sa akin at niyakap ako. Agad naman akong napahagulhol. Hindi ko talaga mapigilan ang mga luha ko.

"Shhh baby... Everything will be alright. We will investigate this one too." Aniya.

Gumaan ang loob ko sa sina niya. Sana pag maumpisahan na ang pag imbestiga may lead kaagad kung sino ang taong walang puso sa likod nito.

Laking pasalamat ko na nandito silang lima lalo na kay James baka kung wala sila napano na ako.

Yakap na yakap pa din niya ako hanggang sa 'di ko namalayan na nakatulog ako sa gapos ng kaniyang mga kamay sa akin.

Kinaumagahan nagising ako dahil sa lakas ng tawa nila sa baba kaya agad akong bumangon at naligo para makababa ako ng maayos ang mukha.

"Oy Elle! Gising ka na pala!" Sabi ni Joseph.

"Good morning!" Bati ko sa kanila.

Ngumiti silang apat sa akin. Pero ba't wala si James?

"Kung si James ang hinahanap mo nandon siya sa may garden kausap ang mommy mo sa cellphone." Ani ni Mark.

"Huwag ka na din mag abala na mag-ayos patungong school Elle dahil excuse tayo ngayon." Dagdag niya.

Hindi pa ako nakasagot ay agad nagsalita si Vince. "Nabalitaan ng school ang tungkol kanina at nagpaalam din si James kung pwede tayong excuse buong araw at pumayag sila."

"First week pa lang din naman ng klase at bukas Sabado na din." Ani ni Chris.

Paano kaya napapayag ni James na ma excuse kami?

"O-okay. Salamat. Pupuntuhan ko muna siya." Sagot ko sa kanila at tumango lang sila.

Bilis naman ng panahon akalain mo bukas sabado na.

Tinignan ko kung nasaan siya at olang hakbang nalang ay malapit na ako sa kinaroroonan niya.

"Yes tita, huwag po kayong mag-alala. Ako na po ang bahala sa kaniya."

"Okay tita. See you soon. Ingat po kayo diyan."

At tuloyan na niyang binaba ang tawag.

Papasok na sana siya ngunit nagulat ko yata siya sa presensya ko at mas lalo pa siyang nagulat dahil umiyak ako niyakap ko siya.

Kapag kayakap ko siya, gumagaan talaga ang pakiramdam ko.

"Okay ka lang ba Elle? May masama ba sa'yo? Sabihin mo lang." Sabi niya at hinaplos ang aking buhok.

I heavily sighed.

I'm out of words James. Gusto ko lang umiyak na kayakap ka.

Sana hindi ako mahulog sa'yo James ang hirap pa naman magpigil ng damdamin.

It Has A ReasonWhere stories live. Discover now