Kabanata 13

2 1 0
                                    

May halong saya, excitement, at pagtataka ang eskpresyon ng apat sa sinabi ni James. Kahit ako ganoon din ang nararamdaman sa kung anong clue ang iniisip niya.

Sa pagsabi ni Chris kanina tungkol sa codename 'di na ito mawala sa aking isipan dahil possibleng nakita ko na 'to ngunit hindi ko lang matandaan kung saan at kailan.

"Sino boss?" Tanong agad ni Chris.

Tinignan ko si James pero walang pinapakitang kahit isang eskpresyon ang mukha niya. Ano pa ba ang dapat kong e-expect sa kaniya? Ganiyan naman talaga siya.

Habang naghihintay ng sagot niya, gusto ko sanang pumunta sa kusina para uminom ng tubig ngunit agad akong na estatwa sa binigay niyang sagot sa tanong ni Chris. Ilang sandali muna ang lumipas bago nag proseso sa aking utak ang tungkol sa sinabi niya.

I rolled my eyes at him pero he just smirked! Agad akong lumingon sa direksyon niya. Urghhh! Ba't ganiyan siya?!!

Wala na akong magawa kung 'di ang sumang-ayon sa plano na gusto niya. Iinom na sana ako ng tubig kaso na agaw na naman ang attensyon ko sa sinabi ni Joseph.

Tumingin muna siya sa akin na parang may gusto siyang itanong.

"Correct me if I'm wrong, ang mga taong nanloob kaninang madaling araw ay kabisado nila ang daan at kung anong mga bagay na nasa loob ng bahay na 'to." Panimula niya.

"Narinig ko ang isa sa kanila na may kausap sa phone. Noong binaba na niya ang tawag, agad niyang nilapitan ang isa sa mga kasamahan niya at sinabi niya na ang daan patungo sa kwarto ni Elle." He sighed. "Una, akala ko mga guni-guni ko lang 'yon dahil madaling araw pa ngunit hindi ko akalain nong narinig kong may pinaplano silang masama kay Elle at utos raw ito ni ED." Aniya.

Natahimik kaming lahat. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nila 'di naman ako mind reader and besides si Lizelle, Mommy, Tito at sila lang ang may alam kung ano ang nasa loob ng bahay.

Impossible naman na isa sa kanila ang may balak na patayin ako. Hindi naman din silang lima at mas lalong hindi sina Mommy at Lizelle.

"Bukod sa amin Elle, sino pa ba ang nakapasok sa bahay na 'to?" Tanong ni James.

"Sina Mommy, Tito at Lizelle lang."

"Kung ganoon, siguro may isang tao na may blueprint sa bahay niyo." Sagot niya.

Sino kaya? At bakit kailangan niya akong patayin? Wala naman akong kaaway o may utang na loob sa ibang tao.

"Ano kaya ang possibleng motibo ng ED na 'yan boss?" Tanong ni Vince kay James.

Napatahimik ng ilang segundo si James tila bang iniisip kung ano nga.

"Sa ngayon 'di ko alam pero siguro ang taong 'to ay malapit kay Elle." Aniya.

Natahimik ako sa sinabi niya pero patuloy pa rin sila sa pag-uusap.

Ang mga taong malapit sa akin ay mabibilang lamang kung ilan gamit ang aking sampung darili. Hindi kasi ako 'yung tipo ng tao na maraming kakilala o kaibigan dahil mas pinipili kong iilan lang para tahimik ang buhay.

Habang nag-uusap pa sila nagtungo muna ako sa kusina. Sa wakas, makakainom na rin ako ng tubig.

Pabalik na sana ako kaso nakita ko si James sa may lamesa na nakaupo hindi tuloy ako mapakali dahil sa sinabi niya sa akin kanina.

Lumingon siya sa direksyon ko na naka kunot ang kaniyang noo.

"May pag-uusapan tayo mamaya." Aniya.

Matapos niyang sabihin 'yon, tumayo agad siya at bumalik sa sala. Sumunod na din ako baka ano na naman ang iisipin ng apat.

Sa pagbalik namin ni James sa sala napagdesisyonan na pala ng apat na maghahanda na para sa haponan ngayong gabi. Hindi pa ako nakaupo ay tumayo na sila papuntang kusina para makapaghanda.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It Has A ReasonWhere stories live. Discover now