Kabanata 7

5 2 0
                                    

Matapos ang mga kaganapan kagabi 'di pa rin mawala sa isipan ko kung ano ang alam ni James tungkol sa'kin. Gusto ko kasing malaman ang lahat-lahat kaso bago kami natulog sinabihan niya ako na babalik din ang alaala ko sa tamang panahon.

Kailan pa kaya? Atat na atat na akong malaman kung ano at sino ako dati. Ano kaya ang buhay ko ngayon kung hindi ako naaksidente? May jowa ba ako dati?

*Flashback*

"Nasan ako?"

"Nasa hospital tayo, Elle." Ani ng isang babae na kasing edad ko.

"Sino ka? Nasaan ang mga magulang ko?

"Binilin ka sa akin ni tita nagka problema raw kasi sa kompanya niyo kaya ako muna ang magbabantay sayo." Aniya.

May business pala pamilya ko? Pero bakit nasa hospital ako ngayon? Anong nangyari sa'kin? Ba't wala akong natatandaan?

"O-okay. Sino ka ba?"

Ngumiti siya sa akin. "Hindi mo ba talaga ako naalala? O baka trip mo na naman 'yan na wala kang maaalala"

"Hindi ko 'to trip. Sino ba may gusto na kahit isa walang maalala?"

"Ikaw. Dba gusto mong makalimutan si Ja--" May biglang kumatok sa pintuan.

"Excuse me ma'am, pinabibigay po nong lalaki" Ani ni kuyang guard.

"Naku! Baka nagkamali ka lang po kuya sa pagkakaalam ko kasi walang lalaki na bibisita sa kaniya."

"Pero ma'am pangalan niya po ang nakalagay. Tignan mo ma'am."

Inabot ni kuyang guard sa babae ang maliit na papel.

Binasa niya ito at nakompirma na para sa'kin talaga ang bulaklak na 'to. Sobrang bango naman nito, sino kaya ang nagpabigay?

"Teka lang kuya, kanino po ba 'to galing?" Tanong ko.

"Hindi po nagsabi ng pangalan ma'am pasensya na po. Mauna na po ako."

Tinignan ko ulit ang bulaklak na ngayon ay nasa aking harapan at may isa pang maliit na papel ito at binasa ko kung ano ang nakasulat.

"Hey! Get well soon love. I love you always. Bati na tayo please :( Bibisita ako mamaya." 'Yan ang nakasulat.

Kaaway ko ba 'to? Pero bakit siya nag I love you? Ewan ko ba, bakit wala akong matandaan huhu ang hirap naman nito.

-

Kinuwento ni Lizelle sa'kin lahat tungkol sa pagkakaibigan namin at tungkol sa aking pamilya kaya ngayon medyo may naalala na ako pero konti lang naman.

Lizelle Mae Cuanco pala ang pangalan niya at Grade 9 na daw kami. Buti nalang Christmas Vacation ngayon makakapag-adjust pa ako.

Dumating na din sila mommy kasama ang boyfriend niya. Si Tito Edward, tito lang ang tawag ko sa kaniya, hindi sila makasal ni mommy dahil kasal sila ng daddy ko na ngayon ay nasa ibang bansa nagtatrabaho at may ibang pamilya na din.

It Has A ReasonWhere stories live. Discover now