Kabanata 5

11 3 0
                                    

Nagising nalang ako na wala na pala si James, baka umalis na pero diba sabi niya kagabi na sabay kaming papasok o di kaya nasa baba na siya? Hayyy! Makababa na nga!

Bago ako bumaba tinignan ko muna ang malaking wall clock na nakasabit sa pader. 5:15am na pala, ang aga pa para sa unang subject namin ngayong araw.

Pagkalabas ko ng kwarto may narinig akong tunog sa kusina alam ko kung sino ito pero 'di ko alam kung bakit ako nagmadali makababa.

Hindi nga ako nagkamli. Nadatnan ko sa kusina ang isang nilalang na taong gwapo este gago pala.

Wow! Mukhang naghahanda siya ng almusal namin. Marunong pala siyang mag-isip haha

Hindi niya yata napansin ang presensiya ko.

"G-good morning" bati ko sa kaniya habang papunta sa ref para kumuha ng tubig.

Ba't parang biglang nagbago ang mood niya? May pinaplano ba siya?

Kanina pagkababa ko pa may pa ngiti-ngiti pa siyang nalalaman habang nagluluto pero ngayon wala ng expression ang kaniyang mukha. Ang hirap namang basahin o intindihin nito!

"Good morning din Elle. Akala ko mamaya kapa gigising balak ko sanang i surprise ka sa pamamagitan ng paghahanda ng almusal." Sabi niya na parang nahihiya. Marunong din palang mahiya ang mga gago no?

"A-ang aga mo naman ata nagluto pwede naman din na mamaya na. 8am pa kaya pasok natin"

"Nakasanayan ko na kasi na maagang magluto" Aniya.

"Okay, sabi mo eh ikaw bahala akyat muna ako sa taas."

"Tatawagin nalang kita kapag naka handa na." Aniya

***

While on our way to school 'di ko talaga mapigilang isipin kung totoo ba ang nangyari kagabi.

Parang ayaw mag sink in sa utak ko na ang isang sikat at kilala sa school namin ay kasabay kong papasok ngayon at ang mas malupit pa ay nag s-stay siya sa bahay namin ngayon.

7:30 na nong nakarating kami sa unibersidad na pinapasukan namin. Mabuti nalang at 'di pa gaanong marami ang mga estudyante na nandon baka kasi pagkagulohan naman kagaya nong sa mall at ma chismihan pa ako ng kung ano-ano.

"Elle?"

"Bakit?" Sagot ko. Ang awkward naman nito pwede bang hindi na 'to mangyayari ulit urghhh! Nakakahiya at isa pa ayaw ko munang makisama sa kaniya hangga't wala pa akong maalala baka kasi isa siya sa mga importanteng tao para sa'kin noon.

"Ah wala 1ang. Ge mauna kanang pumasok aantayin ko pa mga pinsan ko"

"Okay." Bababa na sana ako sa sasakyan niya ngunit hinawakan niya ang braso ko para maging dahilan na hindi ko matuloy.

"Teka lang" Aniya.

Naghihintay lang ako kung ano ang sasabihan niya.

"A-ano kasi Elle umm...."

"Ano James? Dalian mo nga baka ma late tayo at isa pa nandiyan na mga pinsan mo oh" Sabay turo ko sa mga sasakyan na dumadating sa direksyon namin.

"S-sabay pa din tayo mamaya sa pag uwi ha? Sa inyo muna ako mag s-stay ng ilang araw." Hindi ko alam ano isasagot ko. Akala ko kasi na hindi na siya sa'min matutulog pero nagkamali ako sa akala ko.

"Umm hihintayin nalang kita mamaya sa labas ng gate" Pahabol nito.

'Di pa ako sumang-ayon pero parang wala akong magawa kasi siya ang nagsabi. Urghh! Ano ba 'tong nararamdam ko?!

"S-sige. Una na ako."

***

Naalala ko ang sinabi ni James sa'kin kaninang ugma at malapit ng matapos ang klase ko at palubog na din ang araw. Halos wala akong naintindihan sa lecture ni ma'am ngayon dahil 'di ko alam kung totoo ba talaga na aantayin niya ako sa labas ng gate mamaya pagkatapos ng klase.

"Any questions class? Kung wala pwede na kayong umuwi."

Minutes pass by walang nagtanong kaya ito pauwi na kami sa mga oras na 'to.

Nakaramdam ako ng gutom siguro dahil malapit na mag alas diyes ng gabi.

Palabas na ako ng gate at natatanaw ko na ang sasakyan ni James. Malapit na sana ako kaso may nakita akong babae sa loob ng sasakyan niya na hinahalikan niya.

Nagulat ako sa aking nakita syempre sino ba naman ang hindi magugulat kapag makakita ng sasakyan na may naghahalikan sa loob?! Bakit hindi niya pa ito ipa tinted para walang makakita?!

Nilagpasan ko nalang ang kotse niya. Hindi ko na sila inistorbo baka maabala ko pa siya. Malapit lang din naman bahay namin kaya ko namang maglakad mag-isa at isa pa 'di nga niya namalayan na dumaan ako sa tapat nila.

Ilang hakbang nalang makakarating na ako sa bahay, konting tiis nalang talaga Elle. Ngunit sa 'di ko inaasahan may mga lalaking naglalakad malapit sa'min na mga lasing.

Nasa tapat ko na ang gate namin, papasok na sana ako kaso biglang hinablot ng lalaki ang braso ko. Napasigaw ako ng wala sa oras, akala ko katapusan ko na wala kasi akong laban sa mga mokong na 'yon.

Dadapatan na sana ako ng lalaki kaya pinikit ko ang aking mga mata para 'diko masaksihan pero wala akong naramdam mukhang hindi na yata na tuloy, lalaban na sana ako kaso sa pagdilat ko sa'king mga mata naabotan ko kung paano lumaban si James sa kanila at batid nito sa mukha na nasasaktan na dahil may tama siya sa gilid ng labi.

James vs 5 unknown people.

Wala akong magawa dahil wala naman akong alam kung paano makipaglaban ng suntokan pero imbis na magalit ako sa kaniya dahil kanina kaso natabunan ito at napalitan ng pag-alala dahil sa pangyayari ngayon.

Napatumba ni James ang mga lalaki kaya nong babangon na sana sila akala ko lalaban pa pero nag kanya-kanyang takbohan sila. Mga duwag naman pala!

"Bakit ka umuwi mag-isa?! Alam mo ba na nag-alala ako sa'yo baka napano ka ha?! Anong oras na! Buti nalang pumunta ako dito dahil kung hindi baka ano na ang nangyari sa'yo! Fvck!"

Kung makapagsalita ang gago parang walang kasalanan din nagawa! Agad akong pumasok sa gate at isasara ko na sana kaso bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry baby, it's just.... I don't want to lose you again. Hindi ko na talaga mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari na naman sa iyo." Aniya.

I heavily sighed dahil siguro sa nangyari.

Ano kaya ang ibig sabihin niya? Hindi ko kasi maintindihan. Sino ka ba talaga James Monteverde? Ano ba kita dati?

It Has A ReasonWhere stories live. Discover now