Kabanata 8

6 2 0
                                    

"Yes, that's why hindi ako madalas nakikipag ano sa mga tao dahil natatakot ako na baka pagsasamantalahan nila ang sitwasyon ko."

"Don't worry, you have us. And besides, we won't allow someone to hurt you. From now on, ikaw na ang prinsesa sa aming grupo." Mark said.

My jaw dropped dahil sa pagkamangha. May tinatagong bait at mamon na puso pala sila.

I smiled. "Thank you guys pero alam niyo ba gusto kong maalala lahat ang tungkol sa'kin dati kaso nong tinanong ko si James sabi niya hindi ko raw magugustohan kapag nalaman ko na ang lahat-lahat." Saad ko sa kanila. Hays.

"I agree with him, Elle." Ani ni Joseph.

"But bro, either she'll like or not may karapatan siya para malaman ang lahat!" Ani ni Vince. Sa wakas nagsalita din siya akala ko 'di siya makikisali sa pag-uusap namin hangga't wala pa si James.

"Huwag muna nating biglain. We'll take it slowly para maging maganda ang epekto." Saad naman ni Chris.

"Yeah, pero dapat alam 'to ni boss para walang mabubugbog sa atin." Natatawang sabi ni Mark.

Nakikinig lang ako sa kanila. May alam pala sila sa'kin baka isa sila sa makakatulong upang mabalik ko ang aking alaala.

"Huwag na kayong magtalo, okay na sa'kin na ganito muna. Baka bukas o sa makalawa maaalala ko na lahat. At gusto ko din na malaman ito mismo sa'king sarili."

James chuckled. "Basta Elle, nandito lang kami. Lalo na si James, one call away mo na 'yon" Aniya.

"Salamat sa inyo."

May naganap na konting kuwentohan pero nong palapit na si James ay nanamihik na agad sila. Ewan ko ba, takot ba sila kay James? Kung ganon susubukan ko na ako ang magtatanggol sa kanila kay James hehe baka gagana.

Umupo na si James sa tabi ko at inabutan ako ng dalawang sandwich at tubig.

Tahimik naman masyado makapagsalita nga!

"Alam niyo ba guys?" Tumingin silang lahat sa akin na parang nagtataka haha cute naman nila."Kinuwento sa'kin ni mommy kagabi tungkol sa inyo at kung paano ko kayong lahat nakilala kaso kahit anong pilit ko sa aking sarili na matandaan 'yon hindi talaga e."

"Kapag nakaalala ka na, sabihan mo agad kami ha?" Ani ni Joseph.

"Oo naman! Sa lahat nga ng tao dito maliban sa best friend ko sa inyo lang ako komportable din. Ang gaan ng loob ko sa inyo."

Ngumiti sila sa akin at kumain ulit pero si Joseph parang natulala.

"N-nasan nga pala si Lizell, Elle?" Tanong ni Joseph.

Asan nga ba? I sighed.

"Hindi ko alam e, sabi niya sa'kin sa text na nagkaroon raw ng emergency sa kanila pero may kutob ako na parang may mali talagang nagyayari sa buhay niya."

"Bakit naman Elle? Hindi ba siya nagsasabi ng mga problema niya?"

"Oo, tingin ko nga para akong walang kwentang kaibigan." I heavily sighed. "Siya kasi 'yong tipo ng tao na kinikimkim lahat ng sakit sa buhay at mas pinipili na walang pagsasabihan." Naluluha kong sabi. "Sa oras na may mangyari sa kaniya baka hindi ko mapatawad ang sarili ko, mahal na mahal ko ang best friend ko higit pa sa sarili ko." Basta usapang kaibigan naiiyak talaga ako.

"Bakit 'di mo puntahan bahay nila?" Ani ni Vince na para bang nag-aalala din.

"Ayaw niyang may pumupuntang ibang tao sa bahay nila at 'di ko din alam kung saang lugar siya nakatira."

"Bro, Joseph diba alam mo? Tanong ni Vince sa pinsan.

"Oo, alam ko." Matipid niyang sagot.

Paano niya kaya nalaman? Close din ba sila ni Lizelle?

It Has A ReasonWhere stories live. Discover now