I'm in fourth year highschool. 2 months nalang graduation na. I'm in the process of moving on kay Nikko. He's my first ever anu nga yun?? Love? Na naudlot? Na umasa ako na magiging kami? Pero ano? Nga-nga napala ako. Pinaasa ako? Oo? Tapos malalaman ko may jowa na. Agad agad. Eh parang kelan lang valentine's day, binigyan mo pa ako ng stuff toy na baboy, akala ko love nya talaga ako. Hay naku. Gusto nyo malaman storya??
Pero bago ang lahat, hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako si Vine Celestine Reyes. Graduating ng high school. They call me Vin. I want it that way kasi I'm not that girly thingy, that's why I want it read by Vin not Vine. Anyway, my mom is a civil engineer and my dad? Nevermind, hindi ko pa siya nakikilala. Iniwan kami when I was 2 years old I think. Unica iha ako. I am together with my mom and my uncle (kapatid ni ina) sa house. Wala kami masyadong relatives here in Laguna, coz my family from mother's side is from Northern Luzon. My dad? Sa Laguna un, pero di ko kilala relatives nya. Ayun, so know nyo na ko. I have my best friends, si Dan and Renz. Well, girl sila ha. Medyo boyish lang talaga names nila.
Ayun, back to story, enough for the intro, yung story sa first ever love ko? Ayun, nga-nga nga ako. It is started when I was in 3rd year high school. Syempre crush ko siya. I saw him one time with a blue jansport bag. Yun kasi yung bag nya sa school. Kaya ang itinawag ko sa knya ay the guy with the blue bag. Ang gwapo naman niya kasi. Matangkad, tama lang pangangatawan, maputi, singkit. Haay, yun bang masarap titigan sa araw araw. Kaya nagkacrush ako sa kanya. 1 year ko siya kinilala, inalam yung room, section, year at siyempre pangalan. Gang dun lang yun. Ahead ako sa knya ng isang taon, but it doesn't matter anyway. Hehe.. after a year. So ngayon 4th year highschool na ako, mga July yun, we had this overnyt math camp, hindi ko alam na kasama siya. Nalaman ko nalang kinabukasan nung nag-grouping kami for treasure hunting. Ito yung game na may mga station station na may ipapagawa o itatanong sa inyo ung nasa station, tapos pag nagawa o nasagot niyo, next station ulit. Kung sino unang matapos n group, yun ang winner. So ayun nga, nalaman ko na white team siya. Eh ang masaklap yellow team ako, so ginawa ko? Nakipagpalit ako dun sa classmate ko ng team, ayun mabait naman, nakipagpalit siya, so magkagroup na kami. And siyempre as a senior, assistant leader ako dun sa isang classmate ko, kami namuno kasi kami ang 4th year dun, e di getting to know each other pa peg namin. Nagkilanlan kami, and its my chance to be close to him na. So ayun. Entertain entertain ibang groupmates, siyempre shy shy type pa ko nun. Shy type naman talaga ako ng bahagya. Haha. After nun, nung nagsisimula na kami maglakad lakad, nagkachance na magkausap kami, wala lang usap usap about tasks, hanggang sa bigla nalang, lagi na kami magkasama, nagkkwentuhan na kami, nagkakuhanan n ng number. Siyempre after nun, nagkatext, umamin na dati nya pa daw ako napapansin, taz crush nya ko, hanggang sa nanligaw siya, hinahatid ako sa sakayan ng jeep. Hanggang! Hanggang birthday ko. August 17. Wala naman siyang gift, wala atang ipon, di alam kasi sa kanila na nililigawan nya ko, masama daw loob nya kasi wala siya gift so ako naman ok lang kako, basta kasama ko siya, ok na gift na yun. Pero bakas sa mukha nya ang pagkadismaya sa sarili nya na nauunawaan ko naman. Umuwi na kami after namin magpunta ng church. Kinabukasan, field trip namin. Manunuod ng play, hindi nya ako tinetext, di nya ko pinansin, as in, nagpakita ako sa knya, ngumiti pero parang hindi nya ko nakita, ayun. Di ko alam dahilan, hanggang sa tumagal, wala ako narinig na mula sa knya. Until Christmas, nagtext siya, gamit ibang number. Sa nanay ata, binati nya ako ng Merry Christmas, sabi ko sknya himala at nagtext siya, I ask him why now lang siya nagparamdam, anu nangyari. Ang sagot niya? Kinuha daw ng parents nya ung phone nya kasi nagkaproblem siya sa studies, tapos nahihiya na siya sakin kaya di niya na ako kinikita at kinokontak, nagkaproblem din daw sila financially. So sige, inintindi ko, pero masama loob ko. For almost 4 months wala ako narinig mula sa knya. Ang masama pa dun nagsorry siya, anu pa sinabi niya? Eto... "Hindi ko man napapakita at napaparamdam sayo nitong mga nakaraan, pero mahal na mahal talaga kita, sorry sa lahat, ingat ka palagi, and Merry Christmas ulit! God bless."
Ayan ayan. Sino hindi aasa sa ganyang text? Ako naman kasi iniitay ko lang na magtanong siya ng "will you be my girlfriend, o kaya be my girl" sasagutin ko na agad. Kaso wala naman e. Ayan talon na tayo ng February. Valentine' day. Akala ko wala na ko marereceive mula sa kanya na gift, ayun. Pinadala pa sa kaklase, almost 5pm na ata yun nung pinadala, un nga yung stufftoy na baboy. E di umasa nanaman ako na mahal talaga niya ako. Eto na ang masaklap ng pangyayari.
After 1 week, nagyon na yun! Nalaman ko jowa nya na yung niloloko sa knya ng mga kaklase nya na muse nila sa klase na di mapagkakailang laking ganda ko sa knya, (escort kasi si Nikko sa klase). Ayun, sila na. Nalaman ko sa friend ko na clasmate niya. Ayun, e di umiyak iyakan ako. Nasaktan ako, as in, kasi umasa ako, akala ko magiging kami. Sa tagal tagal ko umasa at nag intay na babalik siya,.waley, nga-nga. Drum ng luha ang naipon ko. Kaya ayun.. I'm in the process of moving on. 2 months nalang naman aalis na ko sa school na ito at makakalimutan ko na din siya pagkaalis ko sa paaralang ito.
After 2 months.
Graduate na ko, Yung best friends ko? Magkaiba kami ng school ni Dan, ahead ako ng 2 years dun. Si Renz? Ahead din ako ng 1 year naman dun. So hindi ko sila kasabay gumraduate. Summer na. And nag entrance exam na ko sa university na papasukan ko, and pasa ako, I'm taking electronics engineering na sana e kayanin ko. So wala naman masyado nagyari sa summer ko maliban sa patuloy pa rin ang pag limot ko dito kay Nikko. Haaay love...
BINABASA MO ANG
unexpected true love
RomanceYung hindi mo alam na yung lagi mo lang nakakasalubong noon pero hindi mo naman lubos na kilala e siya na pala ung One True Love mo? Yung hindi mo aakalain na siya na pala yun? Paano mo malalaman at masisigurado na siya na talaga si True Love. Lalo...