Month of May.
3 days before birthday nya.
"Vee, maghahanda kami sa birthday ko. Gaganapin sa resto bar na malapit sa amin. Pupunta ka ha. Papakilala na din kita sa family ko."
Yes. Oo tama kayo. Ngayon palang ako dadalhin sa kanila para ipakilala. Pero sabi naman niya nababanggit naman na daw niya ko sa mama niya, daddy nya? Hindi nya kasama sa kanila, pero he knows where he is. Di nga lang sila nagkikita. At hindi sila close. May family na daw na iba yung dad nya. May ate siya. Magkaiba sila ng daddy. Pero close sila nung ate niya.
"Ahh, o sige. Pupunta ko Zee."
"Dapat lang. Ikaw ang hindi dapat mawawala sa party ko. I love you."
"Okie okie. I love you too."
After our conversation, umuwi na din siya agad kasi pinapauwi siya ng maaga ng mom niya. Baka may mga aasikasuhin for his birthday. Ako naman tinake yung opportunity para bumili ng gift. So nagpunta ako sa mall. Nagiisip ako ng gift habang papunta ako sa mall. Wala ako maisip kaya tinawagan ko Jen. Bakit hindi ko tinatawagan ang dalawang best friends ko? Dahil may pasok sila, at hindi ko pa din sila nakikita kasi conflict ang schedules namin. Baka next school year, kasi college na si Renz. Si Dan na alang hihintayin ko. :)
CALLING JEN.
"Jen! Hello? Help naman oh."
"Oh Vin, why o why?"
"Magbibirthday na kasi si Zee, ano kaya pwedeng gift dun?"
"My gosh Vin, ako pa talaga tinanong mo, e NBSB pa ako. Haha. Pero let me see. Wallet, short, brief? Pants? Tees? Socks? Gosh Vin wala na ako maisip. Haha."
"Wala bang iba? Yung hindi masyado common? Alam mo yun."
"Letter nalang Vin. Haha. Ang hirap naman kasi regaluhan mga lalaki. O kaya mug, may mukha nya. Haha. Parang pulitiko lang. Haha."
"Nako bahala na nga. Haha. Nababaliw ako sa mga suggestions mo e. Hehe. Sige sige salamat Jen!"
"Oki! Ingat. Chikahan mo ko later!"
Toot toot toot.
At naputol na linya.
Back to pag iisip. Nakarating ako sa Section sa department store kung saan madaming mga unan. Bumili ako ng plain white na unan. Tapos umuwi ako sa amin. Nagpunta ako sa palengke para bumili ng plain white na tela, at after nagpunta ako sa mananahi para magpatahi ng punda ng unan. Binalikan ko kinabukasan. After nun nagpunta ako sa mga printing shop at nagpaprint ako sa punda ng mga pictures namin.. Yung collage na pictures namin. And tada! Yun na gift ko. Bumili ako ng malaking paper bag at dun ko nilagay yung gift ko. Effort naman di ba? Kaya ok na yun. :)
Tinext ko siya para kamustahin, pero hindi pa din siya nagrereply. So hinayaan ko na lang baka busy siya.
Birthday na ni Zee! So ayun, nagpunta na ako sa kanila. Alam ko yung house nila kasi one time nung pupunta kami sa fiestahan, sa bahay ng classmate namin, madadaanan pla yung house nila so naturo niya na, tabing kalsada lang kaya makikita agad. Hindi makakapunta yung mga classmates namin kaya ako lang mag isa nagpunta. Nakarating na ko sa kanila. Tinext ko siya para abangan ako sa labas ng house nila, at nakita ko naman siya agad.
"Hi Vee!"
"Hello Zee! Happy Birthday!" And I kiss him sa cheeks.
Nagtatanong ba kayo kung nagkiss na kami sa lips? Oh yes! Nangyari to sa bahay namin.
FLASHBACK
1 week pa lang kaming mag-on nun nung naggawa kami ng project sa bahay namin. Kasama namin yung ibang classmate namin. Hindi pa namin sinasabi na kami. Hinahayaan lang namin sila magtanong at kung anu man isipin nila samin. Hindi pa naman kasi kami showy nun. Like holding hands or akbay nung mga 1 week na yun. Syempre ako nahihiya pa nun. Hihi.
After we finished our project, naguwian na mga kaklase namin, kasi kumukulimlim na nun. Nagbabadya ang ulan. Pero siya hindi pa umuwi. Nagkwentuhan pa kami ng iba't ibang bagay, tapos tumugtog pa siya ng gitara. Madalas kasi may dalang gitara yun. May banda pala siya, kasama niya sa band ung mga kaklase nyung nung highschool. Lead guitarist siya dun. So ayun na nga, while playing his guitar, nakikikanta naman ako. Marunong naman ako kumanta. So ayun, after that song, bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan. Kami andun sa likod ng bahay namin. Parang garahe siya na bodega. Dun kasi may malaking space. Kaya dun kami gumawa ng project. E hindi na kami umalis ni Zale dun. Habang bumubuhos ang malakas na ulan, at natapos na ang kanta na tinutugtog niya, magkalapit kami nun sa upuan. Humarap siya sa akin, ako naman napatingin sa kanya, dahan dahan na siya lumapit sa mukha ko na ikinagulat ko. Hindi na ko nakakilos, at lumapat ang labi niya sa labi ko. Saglit lang yun.
Nagulat ako nung nag salita siya pagkahiwalay ng labi namin.
"Sorry, baka magalit ka. Sorry talaga."
"Ah, hindi, ok lang. Wag ka magsorry. (with a smile)"
At ngumiti siya sa akin, at humirit pa ng isa. Mabilis lang as in, bigla lang siya nagnakaw ng isa pang halik. Loko din eh.
At yun ang nagyari sa 1st kiss ko, namin..
END OF FLASHBACK
So ayun, pagkadating ko sa kanila, pumasok kami sa bahay at pinakilala ako sa mom niya.
"Ma, si Vin po, girlfriend ko. Siya po yung nakkwento ko sa inyo."
Ako,
"Hello po. :)"
"Ah siya ba yan, sige, upo ka muna dyan ha. Kumain ka na ba iha? Kain muna."
"Ah, sige po, ok lang po. Mamaya nalang po ako kakain."
"O sige, Zale anak, pumunta na kayo sa restobar at puntahan mo na yung ibang mga bisita. Susunod na lang ako dun, at may inaayos pa ako."
Si Zale, "Opo ma, Vee, tena?"
At sumama na ako sa kanya.
Andami, andaming bisita! Andami niyang relatives. Andun mga kapatid ng mom niya, mga clasmate from highschool, barkada, kapit bahay, ka-dance troop niya sa bayan nila. Andami. Halos mapunonyung mini resto bar. So ako umupo ako sa may gilid ng stage. Emcee yung vocalist daw nila sa band. Magaling magsalita ih. So after ilang minuto, sinimulan nila yung program. Yung gift ko pala? Iniwan na namin sa room niya sa bahay.
Si Migz, siya yung vocalist/emcee.
"Gandang tanghali sa inyo ladies and gentlemen. Nandito tayo para icelebrate ang birthday ng aking kaibigan na si Vlad Zale! Maaari ko ba maanyayahan sa itaas ng entabladong ito ang birthday boy? Zale? Come up here!"
So nagpunta si Zale sa stage. Ako? Naiwan sa mesa. Kasama ko yung ibang kaklase niya. Pero di ko sila kakilala. Ang kilala ko lang yung members ng band niya. Kasi naisama niya na ako one time sa jamming nila. Praktis ng banda. Kasama ko si Rovic (rhythm guitarist), Zeke (bass guitarist) at si Nathe (drummer). Nahihiya ako kasi naoout of place ako. Alam nyo yun. Parang ang ackward ng feeling.
BINABASA MO ANG
unexpected true love
RomanceYung hindi mo alam na yung lagi mo lang nakakasalubong noon pero hindi mo naman lubos na kilala e siya na pala ung One True Love mo? Yung hindi mo aakalain na siya na pala yun? Paano mo malalaman at masisigurado na siya na talaga si True Love. Lalo...