nine

12 0 0
                                    

Nag usap kami ni Zale about sa mga nangyari. Bibigyan niya daw ako ng isa pang chance. Na sa sarili ko e sobrang kinasama ng loob ko. Bakit?

Wow! At siya pa talaga nagbigay sa akin ng 2nd chance. Pero compare sa nagawa niya sa akin, yung tungkol sa ex nya, mas malala pa nga yun sa ginawa ko. Ako iniwasan ko lang na mag away kami dahil sa walang kakwenta kwentang bagay. Pero ang pagbibigay niya sa akin ng 2nd chance e parang pinagtaksilan ko siya, which is under na ginawa niya sa akin hindi ba? Sabihin at hindi ko din naman kasi sabihin sa kanya na katext ko si Niq, magagalit at magagalit pa din siya. Nagkataon lang talaga na nahuli niya lang ako. Haaay. Ilang libonh patak ng luha nanaman ang nabilang ko dahil sa pangyayaring yun. Naaawa na ako sa sarili ko. Kahit si Jen simasabihan na ako na nagkamali ako ng lalaking minahal. Nabulag ba ko sa paniniwalang hindi niya ako sasaktan? Na pareho kami ng pananaw na forever you and I? Against all odds? Haaay.

Kahit si Dan at si Renz. Daig pa nanay ko kung pagalitan ako dahil lagi nila nakikita ang napakagandang mugto ng mata ko. Si mama? Hindi nakikialam sa akin yun. Gusto niya matuto ako sa sarili kong pagkakamali. Nagtatanong siya. Pero hindi ko masyadong pinapaliwanag maigi. Kasi napakababaw na dahilan, at baka magalit pa siya kay Zale. Kahit alam ko, ramdam ko na ayaw na ni ina kay Zale, pero hindi niya lang sinasabi.

Kahit mga professors ko sa school. Nakikita nila ang sakripisyo ko kay Zale. Minsan nahuhuli nalang nila ako na pinapakopya ko si Zale sa quizzes. Natungo na lang ako. Buti nalang mabait mga proffesors ko, hindi nalang ako pinapahiya. Pero after the exam, kinakausap nila ako. Nagiging saksi din sila sa pag wowalk out ni Zale sakin, kahit ang pagiyak ko. Kaya minsan sinasabi sakin ng mga prof ko.

"Vin, hindi siya karapat dapat sayo. Makipaghiwalay ka na. Naaawa kami para sa iyo. You don' deserve him. Maganda ka at makakahanap ka pa ng nararapat para sa iyo."

Ngumingiti na lang ako ng mapait pag nakakarinig ako ng mga ganung komento sa akin. Mahal ko siya. Gusto ko siya na forever ko. At hindi ko siya susukuan.

November...

Ambilis ng time frame ko. Hehe.

Smooth na ang relasyon namin ni Zee.

Habang nasa mall kami ni Zee, namamasyal, arcade. Tumunog cellphone ko.

GRUGRUGRU GRUGRUGRU (message alert tone ko yan)

Binuksan ko ang message at from unknown number ito.

From +63918444****

    Hi ate! Good pm. Si Chin po ito. Pamangkin ni kuya Zale.

To +63918444****

     Oh, hello chin. Kamusta na? Bakit ka pala napatext?

From Chin:

      Wala namn po ate, gusto lang kita mkatxt. Ok lang po ba? Hihi

To Chin:

       Sure no prob.

At kung anu anu na napagkwentuhan namin. Sinabi ko naman kay Zale na nagtext yung pamangkin niya. Ok lang sa kanya. Babae naman kasi tapos pamangkin niya pa.

2nd year highschool na si Chin. We're in the same province pero iba yung bayan niya. Malayo sa bayan namin. Sa city siya nakatira. Sweet siya, mahilig siya sa mga endearment. "Sisq" ang tawagan namin, which is siya ang may gusto. Pinagbigyan ko nalang.  So yun. Madami ako nalaman sa kanya, na vocalist pala siya ng banda. Nagtataekwando din siya, sumasayaw, matalino. Talented kumbaga. Chinita siya same ni Zale. Lahi ata nila singkit, halos lahat kasi ng Ramos clan ganun. Hindi ko nga lang alam ano lahi nila.

Nalaman ko din na nagkakatext din si Chin at si Zee. Ok lang naman sa akin.

Lumipas ang Christmas, New year at Valentine's pero walang kakaibang nangyari. Normal lang.

Birthday niya, wala ng malaking celebration. Kaya ayun, kain lang din kami ulit sa labas. Summer e. So walang pasok. Kaya yun. After uwi na.

June. Pasukan na ulit. 3rd year college na kami. Hooh! Nakakausad na kami. At malapit na din kami mag 2 years ni Zee. Akalain nyo yun. Ganun talaga. Mahal e.

Si Niq? Wala na. Tumigil na siya. Hindi na din siya nagtetext sa akin. Pag nagkakasalubong, nagpapansinan kami. Batian, parang walang aminan na nangyari. Friends pa din. Si Nikko? Ayun, wala na yung mga eatery sa loob ng school. Pinaalis na ng university, kasi yung pwesto nila gagawin ng classroom. Kaya wala na silang pwesto. Kaya wala na ako balita sa kanya, hindi ko na din siya nakikita. Hindi pa naman ako mahilig sa facebook.

July, anniversary namin. Wala ulit nangyari. Tag-gipit ulit kami. Pancit canton lang kami sa school. May pasok kasi kami. At may exam pa. Kaya hindi muna kami nagdate. Anu oras na din kasi uwi namin. 3rd year na kaya gang 6 p.m. na class namin nun. Ok lang naman. Sanay na din ako na ganun lang pag anniversary. Di na nga din kami masyado nagsecelebrate ng monthsary. Bumabati lang, ganun.

August. Oh yes! Magdedebut na ko. Yehey. But Nohey pala. Wala akong party. Busy ang mom ko sa work. And wala naman ako relatives na mag aasikaso ng party ko. So lilibre ko nalang sana sila sa kung saan. Pero sabi ni ina, si Uncle George daw magluluto ng spaghetti ko, sakto kasi intramurals namin sa school sa birthday ko, kaya walang klase at nakiusap ako sa prof ko kung pwede pagdausan ng debut ko yung isang aircon na room at pumayag naman siya. Wala namang program. Basta makapagpakain lang ako sa classmates ko at maidaos lang tong debut na ito eh ok na ok na ako..

unexpected true loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon