❤seven❤

9 0 0
                                    

June na. Pasukan na.. Pumasok na ako sa school. Nakita ko si Jen. Si Renz naman dun din nag-aral. Nursing nga lang siya. Pero magkatabi lang yung building namin kaya nagkita kami saglit at nagkwentuhan.

Nung time na para pumasok sa classroom, nakita ko siya sa 1st floor. Nilapitan niya ako. Mangiyak ngiyak ako. Kinausap niya ako.

"Vee, la pa mga teachers. Usap muna tayo."

"Anong paguusapan natin?"

"Yung mga nangyari. Please."

"Para saan pa? Ok na yun. Yaan mo na.."

"No Vee, let's talk."

At hinila niya ako sa may study shed sa malapit sa puno. Dahil walang studyante pa na natambay doon.

"Vee, may icoconfess ako sayo. Wag ka muna magrereact. At patapusin mo ako sa sasabihin ko."

Hindi ako nagsalita. Pero kinakabahan na ako sa mga sasabihin niya. Nanlalamig at nangangatog nanaman ako sa kaba. Pero nanatili akong tahimik at maghihintay sa mga sasabihin niya.

"Vee, nung gabi nung birthday ko, di ba andun si Jill. Nung mga oras na hindi ako nakakapagtext sayo. Nagusap kami ni Jill. Sinabi niya sa akin na mahal niya pa ako. Tinanong niya ako kung pwede pa ba maging kami. May hindi pa ako nasasabi sayo. Bago pa man maging tayo, may sinabi ako sa sarili ko. Kung hindi babalik si Jill sakin hanggang December last year, wala na talaga. Ikaw na talaga mamahalin ko. Hindi siya bumalik. Huli na ang lahat. Kaya sinabi ko sa kanya na hindi na pwede. Dahil andito ka na Vee. Sinabi ko sa kanya na mahal na kita, at mas nahigitan mo na siya Vee. Alam mo naman na andun padin yung love ko sa kanya, kasi maganda break up namin. Walang hindi magandang nangyari. Parehas namin ginusto na bigyan ng time ang isa't isa. Pero Vee, kaya ko sinasabi ang lahat ng ito, dahil ikaw ang pinipili ko. Sorry. Sorry kung ngayob ko lang sinabi ang lahat ng ito."

Paksyet. Alam nyo ba yun? Parang dinurog  yung puso ko. Yung luha ko tumulo na. Pero tumatawa ako sa inis, sa sakit, sa galit! Hindi ko alam kung ano una ko sasabihin sa kanya.

"Zale, mukhang ako pa yata nakakahadlang sa pag iibigan nyo. Kaya ko naman magparaya. Mabuti ng mas maaga, habang di pa tayo tumutuntong ng anniversary natin maghiwalay na tayo. Mahal mo pa siya? Nahigitan ko lang siya? Hahaha. Zale! Ayoko yung may kahati ako dyan sa puso mo. Kung siya, siya lang, kung ako, ako lang. Kasi ako, ikaw lang mahal ko. Hahaha.. Nakakatawa. Antagal ko nagpakatanga sayo. Akala ko ako lang?  Ano yung mga sinasabi mo na ako lang? Na mahal na mahal mo ko? Na ako na yung gusto mo pakasalan? Na tayo forever? Pero dalawa pala kami dyan sa puso mo? July naging tayo. Ibig sabihin hanggang December hinihintay mo pa siya? Paano kung bumalik siya dun, paano ko? Iiwan mo nalang basta? Anong dahilan? Dahil mahal mo si Jill? Walang kwenta pala lahat ng mga sinabi mo noon. Bakit ako naniwala sayo. Ngayon pa. Kung kelan binigay ko na lahat sayo Zale. Grabe ka."

At humagulgol na ko sa iyak. Sobra na ko umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko. Parang biniyak yung puso ko.

"Vin. Sinabi ko to dahil ikaw pinili ko. Ngayon kung mamasamain mo, ikaw bahala. Sige na, tumigil ka na sa pag iyak. Ikaw pinili ko tandaan mo yan. Mahirap tanggalin yung love ko kay Jill kasi wala akong ibang dahilan na hindi maganda para mtulungan na mawala yung love ko sa kanya. Sana maintindihan mo yun."

At iniwan niya ako sa shed mag-isa. Nakakaloka. Nasasaktan ako lalo sa kanya. Hindi ako nakipag break. Pinakalma niya lang ako. Ako? E di si tanga. Pinatawad siya. Pero markado na siya sakin. Nasira na din yung tiwala ko sa kanya. Pero still, magkasama pa din kami dalawa.

Makalipas ng ilang linggo, madalas na kami mag away dahil sa pagdududa ko sa kanya. Masisisi niyo ba ako??

Isang beses, nung kakain kami ng tanghalian, nagpunta kami sa bagong nakakuha ng stall sa loob ng school namin. At sa hindi inaasahang pagkakataon, family ni Nikko ang may ari. At nakita ko si Nikko na tumutulong sa parents niya sa eatery nila. Nagtanguan kami, ngumiti ako sa kanya.

Iba, iba pa din talaga pakiramdam ko kay Nikko. Iba talaga ang first love. Yes I still love him, pero hindi na in a romantic way. Maybe as a friend that I want to treasure. Siguro katulad ni Zale, kung nung bago bago pa kami ni Zale at dumating si Nikko, baka, baka sakali na iwanan ko si Zale para sa kanya. Ngayon, naiintindihan ko na si Zee. Pero mali pa din na nagsinungaling siya sa akin noon.

Gusto ko kausapin si Nikko nun. Parang namiss ko siya, pero ayoko kumilos ng hindi maganda dahil seloso nga pla itong kasama ko. Kaya dedma nalang ako. Ayoko mag away kami nanaman dahil sa walang kwentang bagay.

July 10, anniversary namin. Walang kakaibang nangyari. Kumain lang kami sa labas. Gift niya? Bumili siya ng couple ring. Nakaengrave yung name namin pareho at yung date ng anniversary namin sa loob ng ring. Sweet? Yes. Always naman. Maliban nalang talaga pag nag aaway kami.

Nabanggit ko na ba na ang sectioning namin ngayon e by major na? Si Zale electrical dati, pero dahil electronics ako, nagshift siya ng electronics for me. Para magkaklase pa din kami. Hihi.

unexpected true loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon