After 1 week, ORIENTATION DAY.
Heto na, sasayaw na kami, after 1 week ng preparation and practice, this is it!
Tapos na ang sayaw. At sa mga nakaraang araw na nagpraktis kami ay nabuo ang pagkakaibigan namin ni Zale.
At alam ko, nakakalimutan ko na din si Nikko. Kasi nahuhulog na loob ko kay Zale. Ambilis noh? Mabilis kasi ako mafall sa mga lalaking bibihira lang. Alam niyo yun, yung ang isip e pang forever na din yung magiging gf nya, loyal, faithful, joker, lagi ka papatawanin, sweet, magaling mag gitara, talented ba. Yung mga ganung personality. Kaya naman di nyo ako masisisi kung nagugustuhan ko na siya. Kaya lagi na kami magkasama. Kung hindi si Jen kasama ko, siya, minsan kaming taltlo. Kasi may sariling pinagkakaabalahan din sin Jen e. Si Ray. Hihi..
Habang tumatagal, nagiging close na section namin. Si Zale nagiging open na sa lahat, namamansin na ng ibang girl classmates namin, makulit na din siya sa iba. At meron akong kaklase na may pagka maharot sa boys. Pero sadyang ganun talaga ugali nya, na di nya naman siguro sadya? I think? Coz ganun na talaga siya. Siya si Lyncee. Sobrang touchy siya sa boys. Hanggang sa may hindi ako gusto makita, sobra niya harutin si Zale, may pag hampas hampas pa siya kay Zale, kung makatawa nakakainis. Kay ako? Ayun, dinedma ko hanggang sa kaya ko, pero di ko kinaya. Haha. Tinext ko si Zale..
To Zale:
Huy, wg m nga mxado dikit dikitan yan c Lyncee. Hinaharot ka lng nyan. D mo ba nppansin?? Hello? Gcng gcng Vlad Zale!
Nagreply naman siya, kaya napatingin ako sa knya, nakangiti siyang nakatingin sakin.
From Zale:
Don't worry. Lalayo n po ako sknya boss. :)
At lumaki ang singkit ko na mga mata sa nabasa ko. Tapos parang nag iinit ba yung mukha ko, na kinikilig ako na hindi ko mapigilan ang ngumiti.. Alam nyo yun??? Hihi.
After ilang minuto lumapit siya sakin at kinuhit kuhit. "Oh? Bakit?"
"Tampo ka ba? Lumayo na po ako oh?"
"Bat naman ako magagalit? Sinabihan lang kita, ampangit kasi tignan. Concern lang ako."
"Hihi.. Ok po.. Wag ka na sumimangot. Dito nalang akon sa tabi mo."
"Ikaw adik? Haha. Umayos ka nga. Wala naman ako sinabi na sa tabi ko ikaw pumunta. Ang sabi ko, layu-layuan mo lang naman si Lyncee. Kahit bahagya lang ganun. E hindi e. Parang nageenjoy ka pa."
"Hindi ah, mas enjoy ako sa tabi mo." At nakangiti siya na pacute habang sinasabi niya yun.
Aba e di ang lola niyo kinilig na. Haha. So napangiti na ko.
"Oo na nga. Tumigil ka na. Binobola mo lang ako. Siya siya layu-layo ng bahagya. Kung makadikit to parang bf kita eh."
"Ayaw mo ba???"
"Ha? Anong sabi mo?"
"Wala, wala, bingi ka sabi ko."
"Inaasar mo ba ako?"
"Hindi ah, sabi ko gusto kita Celestine."
"Ihh! Umayos. ka nga VLAD! It's Vin, not Celestine. So girly."
"E bakit tinatawag mo kong Vlad? Yung Zale nalang din."
"Kasi tinawag mo kong Celestine!"
"E kasi nga gusyo kita Vin.."
At nagulat ulit ako sa sinabi niya. Seryoso mukha nya na nakatingin sa akin. Hindi ko alam sasabihin ko. Iba to sa amin ni Nikko. Yung sa amin ni Nikko sa text lang. Ito personal na. Huhu. Anong sasabihin ko.
Tahimik lang ako at parang hinihintay nya yung sagot ko.
"Ano kasi Zale, parang ambilis mo naman ako nagustuhan. Baka nadadala ka lang ng emosyon mo kasi lagi tayo magkasama. Lam mo yun. Hehe."
"Mukha ba akong hindi seryoso Vin?"
Sa pangalawang pagkakataon seryoso talaga mukha niya.
"Ihh, di ko alam kung ano isasagot ko. Ayoko magpadalos dalos. Natatakot ako masaktan, mabigo at magkamali ulit. Ayoko ng umasa na magiging happily ever after ito. Baka maudlot lang ulit. Nakakatakot na."
"Hindi ako ganun Vin. Seryoso ako, at sa tingin ko mahal na kita. Di ka mahirap mahalin Vin. Lahat ng gusto ko sa babae nakita ko sayo. Hindi kita sasaktan, hindi kita bibiguin. Di pa ba sapat lahat ng kwento ko para mapatunayan ko na hindi ako katulad ng ibang lalaki."
"Hmmm... Sige. Subukan natin. Sana hindi ako magkamali sayo Zale. Sana huwag mo ko sasaktan at lolokohin. Sana tayo na yung forever. Pero ok lang ba yun? Hindi mo na ko niligawan ah."
"Hehe. Ok lang yun. Pede naman kita ligawan kahit tayo na. Isa pa, ang mahalaga dun. Gusto natin isa't isa. Bakit patatagalin pa."
At ayun. Kami na nga. July 10 nung naging kami. Ambilis noh? Gusto nyo ba malaman papanaw ko sa love life? Ako kasi yung tipo ng babae na hindi hard to get, basta gusto ko siya at ayoko palipasin yung pagkakataon na maging akin siya. Ayoko magsisisi pagdating ng panahon na nawala na siya. Basta I considered lahat ng gusto ko sa lalaki. Kung nasa kanya ba halos lahat. At nakita ko kay Zale yun.
Hindi ko naman pinagsisihan na wala ng ligawan na nangyari. Legal kami sa amin. Dinala ko siya sa bahay at pinakilala kay ina. Ok naman kay mama. Supportive naman na mommy siya so walang problema. Sa uncle ko naman basta ok kay mama ok na din sa kanya.
And it all went well. We had our monthsaries, minsan nagkakatampuhan kasi may pagkaseloso pala siya, at ganun din ako. Ganun talaga pag bago pa. Minsan pag di siya agad nakakapagtext pag nasa kanila siya nagtatampo ako, pero nagpapaliwanag naman siya, kasi may business sila sa bahay nila so tumutulong siya sa kanila, kaya inintndi ko na lang. Mga ganung bagay. Christmas, magkasama kami. Hindi ko siya nakasama sa pagsimba kasi ayaw nya pumasok sa church. Hindi ko alam kung bakit. Pero pareho naman kami ng religion. Kaya after that, kumain nalang kami, saka arcade sa mall. Pasyal lang. He gave me a stuffed toy teddy bear as a gift. Ganun lang.
New year na. Di ko siya nakasama kasi busy business nila pag new year sa bahay. Di na din ako nagpunta sa kanila kasi alam ko makakaistorbo ako. Ambilis ng panahon. Parang kahapon lang kakasimula ko lang sa college tapos ngayon new year na. Walang masyadong nangyari, well alam nyo ba na madalas na ako umiyak dahil sa kanya?? Iyakin kasi ako at madamdamin. Hmmm.. Bakit ako umiiyak madalas?
Kasi sobra pala siya magselos. Imagine. Kakausapin ko lang ung isang boy classmate namin dahil sa project, antagal ko daw kausapin yun, parang naiichipwera ko na daw siya? What the!
Tapos hindi agad siya nakakapagtext na may gagawin na siya, so ako intay intay sa pagtetext niya, hanggang sa nakatulog na siya, ako dilat mata kakaintay sa text nya pero wala, tapos magtatampo ako sa kanya, siya pa galit dahil di daw ako makaintindi.. See? Tapos pag ako naman nagseselos pag kinukulit niya ibang girl CLASSMATES namin, nagagalit siya dahil wala naman daw siyang ginagawang masama, at mga kaibigan naman daw namin yun sila kaya wag daw ako magselos. See again?
Kapag sinasabi ko sa kanya yung maling side niya, may sagot lagi siyang pangontra. Hindi niya na tinatanggap na may pagkakamali siya. Hindi na niya ako sinusuyo. Sa simula lang pala yung ganun siya. Pero mahal ko pa din siya. Kaya hindi ako susuko. Baka naman magbago pa siya. I hope so.
BINABASA MO ANG
unexpected true love
RomanceYung hindi mo alam na yung lagi mo lang nakakasalubong noon pero hindi mo naman lubos na kilala e siya na pala ung One True Love mo? Yung hindi mo aakalain na siya na pala yun? Paano mo malalaman at masisigurado na siya na talaga si True Love. Lalo...