❤two❤

29 0 0
                                    

Here I am! 1st year college na ako. Ambilis noh. Hihi. Dito tatakbo ang love story ko. College life...

Okey, general pa sectioning namin, so halo halo pa kung nga iba't ibang major ng engineering. May kaklase ako na electrical, electronics, mechanical, at civil. Kaklase ko din ngayon yung isang kaklase ko nung highschool, si Jen. Kaya kami ang magkabuddy buddy ngayon. Wala kasi ako masyado kaclose nung highschool, si Jen naman, may barkada nung highschool, pero ok lang naman kami, we're in good terms naman, kaya kami ngayon ang magbestie sa university na ito.

First day of school, nagkita kami ni Jen sa may gate ng school para sabay kami papasok, nung nakita ko siya, tinawag ko siya, "Jen! Dito!", at nakita naman niya ako, sabay kami nagpunta ng engineering building at nagkwentuhan ng mga inaasahan namin sa mga darating na araw, kung anu-ano kaya mga klase ng mga kaklase meron kami, yung schedule kung maganda ba. Mga ganung bagay.

Nagpunta kami sa bulletin board ng building at kinuha namin ang schedule namin. Alright! 7:30am first subject. Gang 1:45pm ang klase namin. M-W-F. Tapos pag T-TH naman gang 2:45pm. Ok! Tapos may Saturday class kami, CWTS.

Ok na din naman. Maaga uwian. Wala pa masyadong nangyari. Nagpunta lang kami sa room. Di masyado kinakausap mga kaklase kasi nagkakahiyaan pa. Wala pa teachers na napunta siguro e may mga inaayos pa din yung mga professors.

Kinabukasan, getting to know each other portion na. Dumating na si Mam Villaflor.

HUMANITIES. Yan yung subject. Pero siyempre nagpakilala na kami, si Jen na,

"Hi, my name is Jenny Xyrene Rodriguez, 16 years old, and please be nice to me. Thank you.", nagpalakpakan naman mga classmates namin. Kalimitan ganun nangyayari, pumapalakpak. Next e ako na, pumunta ako sa harapan, "Magandang umaga, my name is Vine Celestine Reyes, you can call me Vin for short, 16. Thank you." Nagpalakpakan sila at umupo na ko sa pwesto ko. Temporary seats palang kami kasi for sure my seating arrangement yan. At sa tingin ko e alphabetical yan.

Next is may isang lalaki na napansin ko nung wala pa yung teacher na naka cap, tinanggal nya yung cap nung dumating na yung teacher. Medyo tahimik lang siya, misteryoso para sa akin, so napansin ko nung tumayo na siya sa harapan, di ko masyado nakilala kasi di na siya nkacap. Semi kalbo siya. "My name is Vlad Zale Ramos, call me Zale, 17, single". Nagpalakpakan naman yung mga kaklase namin. Sa isip isip ko. Kailangan pa ba sabihin yung single? Pero may mga kaklase kami na narinig ko na naghagikgikan, kasi siya yung nag umpisa na lagyan ng single sa pagpapakilala session, ayun, nagsigayahan na yung iba. After ng pagpapakilala, tahimik lang siya. Lalo ko siya pinagmasdan dahil cool cool lang siya, di nagsasalita, at minsan nakatanaw lang sa malayo. Markado na siya sa akin. Hehe..

Kinabukasan. Pinagkwentuhan namin ni Jen si Zale, "Vin! Napansin mo ba yung Zale? Ang pogi nuh, ang cool nya pa. Parang may pagkamisteryoso ang datingan. Medyo may pagkarocker pa pormahan." Inalala ko naman yung porma nya, di ko kasi masyado napapansin yun, pero oo nga, napagtanto ko na ganun nga siya, may bracelet na black, naka cap pa tapos basta iba dating niya. Sabi ko kay Jen, "hmmmm, pogi ba? Hindi ko masyado pansin, basta napansin ko, kalbo siya, at parang masyado siyang cool. Kakakilabot lalo na yung sinabi niya bigla sa pagpapakilala niya na single siya. Hambs din e.", si Jen, "Hambs? Anu yun?", haha. Napatawa naman ako, "hambs, hambog, ganun, may pagkamayabang na hindi ko maintindihan."

At siya naman ang tumawa. "Hambog agad? Ikaw talaga." After nun, nagsisimula na kami makipagkwentuhan sa ibang kaklase. Pinagbubuo kami ng dance group ng proffesor namin na mag iintermission number sa orientation for freshmen students sa isang linggo.

E di namili, ako gusto ko sumali, kasi namimiss ko na sumayaw, so hinila ko din si Jen, sumali kami dalawa. My classmate kasi kami na nagkochoreograph ng sayaw. So ayun, siya bumuo, eh nagkataon na si Ray (yung choreographer na classmate namin) at si Zale magkakilala na? How come?? Narinig ko sabi ni Ray kay Zale, "Zale, brad, kasali ka din ha. Parang dati lang!", so si Zale tumingin kay Ray, antagal nga sumagot, tapos nakita ko pa siya tumingin sakin, "Sige brad."

unexpected true loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon