DRESSED in a chic nude pink off-shoulder top and ripped jeans with a stylish sling bag hung over my shoulder, as I reached the ground floor, I spotted Mommy sitting in the living room with her back turned, reading a book.
Narinig niya yata ang pagpadyak ko kaya napatingin siya sa likod niya at tuluyan na akong nakita.
Her forehead creased. "Where are you going?"
"Magkikita po kami ni Kenzo. May gagawin lang."
Her book snapped shut, and she peered at me with a knowing smile playing on her lips. "Magkikita kayo as friends, or..."
"As friends, Mom, I promise," I stopped her, and she chuckled, nodding in approval.
"Alright, take care, you two. Don't be late, okay? Magagalit si daddy mo sa'yo, hindi ka nakapag-paalam ng personal sa kanya," aniya't tumango na lamang ako bago umalis.
Ilang segundo pa nang sinimulan ko nang imaneho ang sasakyan. Kenzo gave me his address yesterday before he left kahit labag sa kalooban niya. I was just glad I convinced him, after all, there was nothing wrong with helping each other out - a give and take, ika nga.
I didn't want to keep taking his help without giving back. I wanted to be able to contribute too, nakakahiyang ako lang ang nakikinabang, dapat siya rin, ayaw niya man, hindi ako papayag. And hearing him talk about it yesterday only fueled my desire to help him.
Marami na siyang napagdaanan, sa tingin ko, kailangan niya naman ngayon ng taong kayang suklian ang mga kabutihang ginagawa niya sa pamilya niya. And I'm willing to step into that role, even though it's not really my natural personality.
So the first thing I want to do is to go to the mall with his family. Hindi na ako nagdalawang-isip na gawin ito, besides, his family deserves this. 'Yung makapunta naman sa kung saan kahit mall lang, kain sa mga fastfoods. Sakto, I remember him mentioning he has a younger sibling. I know how soft-hearted kids can be - show them a bustling sceneries with beautiful sights, and they'll be all smiles. Kaya ko nga dinala sarili ko e.
Ilang minuto pa ang nakalipas at naririto na ako sa labas ng bahay nila. Itinabi ko na ang sasakyan at lumabas na kaya agad kong nakita ang tingin ng mga tao sa akin. May mga naglalaro ng basketball, may nagtitinda ng street foods, at may isang tindahan rin malapit sa bahay nila Kenzo, at may mga nagtsitsismisan na mga nanay na nakaupo roon.
Pero lahat sila napatigil nang nakita ako. Feeling ko tuloy, ngayon lang sila nakakita ng maganda.
Feeling the thoughts rush through my mind, I let my hair fall freely as I turned my gaze away, ngunit napatigil ako nang makita ko si Kenzo na papalapit, habang may hawak-hawak na timba at nakasuot lamang ng itim na apron at walang pang-itaas.
What the?! Bakit ganito kalaki katawan nito? So he really does have abs?!
I also noticed he was accompanied by a woman and a little boy effortlessly swaying his hips while walking by his side.
Siguro'y ayun na ang Mommy at kapatid niya. Magiliw silang naglalakad papalapit sa kinatatayuan ko nang hindi man lang ako binabalingan ng tingin. Nakatingin lamang siya sa mag-ina habang may sinasabi na ikinakatawa nila.
At makaraan ang ilang segundo, napasulyap siya sa kinatatayuan ko. At doon na siya napatigil. His mouth slightly opened, and a smile began to form on my lips. Bigla na lang siyang tumakbo sa akin at nang nasa harapan ko na, ibinaba niya ang timbang hawak niya at ipinagpag ang dalawang kamay sa apron.
Unti-unti siyang ngumingiti habang ginagawa iyon, habang nakatingin sa'kin.
"Nandito ka na pala. Sorry, ah? Nasaktuhang pauwi pa lang kami sa palengke e. Kanina ka pa?" wika niya. Tumango-tango ako.
BINABASA MO ANG
His Imperfect Halo (COMPLETED)
Teen FictionWhile he was that good guy, I was the bad girl - a twisted yin and yang for my so-called story to unfold.