"WHAT?! May amnesia siya?!" hindi makapaniwalang sigaw ni Ashley habang paikot-ikot sa harapan ko.
Nakaupo't nakasandal ako ngayon sa kama ko at sinusubukan pa ring tawagan si Kenzo. Kanina ko pa siya tinatawagan pero wala man lang sumasagot hanggang ngayon na malapit na kaming umalis.
Kakatapos lang mag-swimming ni Ashley at nakabalot na siya ngayon. Habang nakatutok sa tenga ko ang cellphone ay bagot akong tumango sa kanya.
"Ayun ang sinabi niya," usal ko. Ibinaba ko na ang cellphone nang cannot be reached na naman.
"That explains why he had a painful headache last night," patango-tangong sambit niya. Kita ko bigla ang paglaki ng mga mata niya at ang mabilis niyang pag-upo sa tabi ko. "Oh, my gosh... I've seen that kind of scenario in movies about a person who has amnesia."
"What do you mean?"
"I think... his memories are now back."
Napatigil ako. Tinignan ko siya ng ilang segundo dahil walang salitang lumalabas sa bibig ko, pinoproseso pa ng isip ko ang sinabi niya. Pero kalaunan ay sunod-sunod akong umiling. Hindi. Hindi pwedeng mangyari 'yon.
"He also said that it's a permanent one. So there's no chance." Ibinaling ko na sa iba ang paningin.
"Just..." Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang sunod-sunod niyang pag-iling. "Just don't come near him again, okay?"
Agad akong tumango. "I promise."
I tried calling Kenzo over and over again after that, but as expected, but as expected, he didn't answer. What happened to him? Why did he leave so many missed calls? Nag-aalala na ako. Pinapa-atat lang ako nitong umalis na.
Napabuntong-hininga ako at itinigil muna ang pagtitipa sa cellphone. Pumunta ako sa cabinet at isa-isa nang inilalagay ang mga damit sa bag ko. Nagpaalam si Ashley kanina na pupunta muna siyang room niya at mag-aayos na rin, saktong tumawag kanina sa kanya si Avery pagkalabas nito kaya hindi na ako nakabati pa.
Kasalukuyan ako ngayong nagtutupi na ng mga damit ko nang makita ko ang isang puting tuwalya. It was Lance's towel - the one he lent me yesterday.
Problemado kong tinignan ang tuwalya habang iniisip kung paano ko ito ibibigay sa kanya. Or should I just leave it here? That way, there'd be no reason for us to meet again.
Gano'n na lang siguro.
Iiwan ko na lang 'to rito. There was no way I was going to take it home with me.
Itatabi ko na sana sa gilid ng kama ang tuwalya nang biglang may sunod-sunod na kumatok. Binaling ko ang paningin sa pinto at unti-unting tumayo habang patuloy pa rin ang pagkatok nito.
And when I was in front of the door, I slightly turned the doorknob, "Ash—" My voice trailed off when I thought it was Ashley, but to my surprise, it was him, Lance, his hopeful eyes locked onto mine.
"A-Ah... are you here for the towel?" I asked, but it seemed like he didn't hear me. Nakatingin pa rin siya sa'kin. Ibinaling ko sa iba ang mga mata ko dahil sa ilang na nararamdaman.
"Saglit... kukuhanin ko lang—" Tatalikod na sana ako ng tingin, pero napatigil ako nang bigla niyang higitin ang kamay ko papalapit sa kanya, hanggang sa bigla ko na lamang naramdaman ang bisig niyang mahigpit na kinukulong ang katawan ko.
"No... I came here to see you."
His voice trembled with longing, and at that moment, I realized that Ashley was right. Ramdam na ramdam at rinig na rinig ko sa boses niyang nakakaalala na siya sa mga pagkakataong ito.
BINABASA MO ANG
His Imperfect Halo (COMPLETED)
Teen FictionWhile he was that good guy, I was the bad girl - a twisted yin and yang for my so-called story to unfold.