Chapter 15

43 3 1
                                    

IT was already Sunday. And I was driving up to Kenzo's house 'cause I didn't get a chance to see them yesterday. May pinuntahan daw sila kahapon kaya wala sila sa bahay nila. Namasyal lang sigurong magkapamilya.

I was dressed in a stunning Petite Monochrome Pinstripe O-Ring Jumpsuit, paired with my stylish shades. Wala na akong makita kanina na mas gaganda pa rito kaya ito na lang ang pinili ko.

Nang nasa tapat na ng bahay nila ay agad ko nang binuksan ang pinto at bumaba. Pinakatitigan ko muna ang mga tao sa labas. As usual, may mga naglalaro na naman ng basketball at nagtsitsismisan. Tinanggal ko na ang shades ko at bumaling na sa bahay nila Kenzo. Naglakad na ako papunta roon, saktong nakabukas ang pinto kaya nakita ko kaagad si Nanay na naghahanda na ng pagkain. 

"Knock, knock..." pagtawag ko ng atensyon niya. Napatigil siya sa paglalagay ng mangkok at binaling sa akin ang tingin.

Isang ngiti ang sumilay sa labi nito, "Naku, naririyan ka na pala, Francine. Pasok ka," aya niya na nagpangiti sa akin. Bahagya muna akong yumuko bago tuluyang pumasok.

"Kumain ka na ba, hija?" tanong niya. Sunod-sunod akong tumango. "'Nak! Bilisan mo riyan at nandidito na si Francine!"

"'Nay naman! Huwag po kayong mag-aligaga, hindi po 'yan artista!" sigaw ni Kenzo sa loob ng kurtina.

"Upo ka muna rito, hija," aniya at itinuro ang sofa. Ngumiti muna ako bago umupo.

At sakto namang lumabas na si Kenzo sa kurtina habang may tuwalya sa balikat niya. Naka-puting T-shirt ito at short. Basa rin ang buhok nito, kakatapos lang siguro maligo.

Nang makita niya ako ay pinagtaasan niya ako ng dalawang kilay. "Kumain ka na?"

"Oo, sige lang, kain lang kayo," tango-tango kong saad. Tumango rin ito at pinunasan pa ang buhok niya gamit ang tuwalya bago dumiretso sa hapag-kainan.

Saktong may humawi na naman ng kurtina at iniluwa no'n si DJ na naka-sando na ng Black Widow, ganoon din ang tatak ng short niya. Nang makita ako ay gumuhit kaagad sa mukha nito ang isang ngiti.

"Ateng diyosa!" sigaw niya at tumakbo papalapit sa'kin.

And, yeah... I taught him what to call me.

Isang yakap agad ang ginawa niya pagkalapit kaya niyakap ko rin siya pabalik.

"Missed you po!"

My heart melted. "Aw, I missed you more," natatawa kong ani. Bumitaw na siya sa pagkakayakap at tinignan ako.

"Congratulations po pala. Sabi ko po sa inyo mananalo kayo e." aniya. I gave him my sweetest smile and pinched his cheek.

"Thank you! Paano mo naman nalamang nanalo ako?"

"Kinwento ko, siyempre."

Napatingin ako kay Kenzo na nakaupo sa harap ng lamesa, nakatalikod ito sa akin pero lumingon ito habang sinasabi iyon.

"Oo, hija. Nakwento sa'min ni Kenzo. Congrats nga pala. Deserve na deserve mo 'yun," nakangiting sambit ni Nanay habang nagsasandok ng kanin.

"Thank you po. Hindi ko po magagawa 'yun kung wala po ang suporta ninyong lahat," sinsero kong usal.

"Sayang nga po at hindi ko po kayo nakita," rinig ko ang pagkadismaya sa tono ni DJ kaya napabaling ulit ako sa kanya.

"Ano ka ba, ayos lang naman 'yun. Alam ko namang pinag-pray mo 'ko e."

"Pero sayang pa rin po," he said with a pout.

Confused, I furrowed my brows. "Bakit naman?" tanong ko habang marahang sinusuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri.

His Imperfect Halo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon