Alas otso ng umaga ako nagising. Naghilamos muna ako at bumaba na para magbreakfast. Nakita ko si Manang Selya na inaayos ang lamesa.
"Magandang umaga, iha! Gising ka na pala, kumusta ang tulog mo?
"Goodmorning din po, Manang. Ayos naman po, medyo na- late lang ng tulog kasi po nagbasa pa ako."
"Ganun ba? Edi sana mamaya ka na bumangon at natulog ulit, pwede ka namang hatiran ng makakain sa kwarto mo."
"Hindi na po Manang, sapat na po sa akin yung tulog ko tsaka may gagawin pa po akong homework."
"O siya, sige. Maupo ka na diyan at kumain. Nagluto ako ng paborito mong adobo. "
" Salamat po, Manang. "
Umupo na ako at nagsimulang kumain. Maya-maya bumaba na si Daddy at umupo sa may harap ko.
"Goodmorning, sweetheart."
Tumango lang ako sa kaniya habang nakatingin sa pagkain ko.
Simula ng mangyari ang aksidente, lagi ng umuuwi si Daddy. Minsan, nakikita ko siya na abala sa harap ng laptop niya at mga papeles sa trabaho. Pagnakikita niya ako, kakausapin niya ako pero minsan iniiwasan ko lang siya. Hindi parin nagbabago hanggang ngayon ang pakikitungo ko sa kaniya.
" I bought you some buko pies. I went to Los Baños yesterday to see some of our clients. Ipinatabi ko yun kay Manang, baka gusto mong tikman. "
" Later, Dad."
" Mamaya pang 12 pasok mo, right? Gusto mo bang ihatid kita? Wala naman akong mahalagang gagawin sa ngayon. I can drive you to school. "
"Wag na po, may dadaanan pa po ako tsaka mas gusto kong mag -commute."
" Pero ana-"
" Tapos na po ako kumain. Tataas na ako, may gagawin pa po ako. " Hindi ko na hinintay na matapos ang sasabihin ni Daddy dahil alam ko namang kokontra siya sa sa pagko- commute ko dahil may driver naman daw kami. Malapit lang naman ang school sa bahay kaya mas gusto kong mag- commute nalang para natututo ako.
Umakyat na ako sa kwarto at inilabas ko ang notebook ko para gumawa ng homework. Sinagutan ko ang mga tanong . Pagkatapos, inilagay ko na ulit sa loob ng bag at naghanda para mimiya.
Bago ako pumunta sa sementeryo, dumaan muna ako sa 'Lazy as Daisy Flower shop' para bumili ng white flowers. Suki na ako ng shop na'to. Daisy daw ang pangalan ng owner nitong shop at may pagkatamad pero sobrang hilig sa mga bulaklak kaya pinangalan nito.
I went inside. Some of the staffs asked me what kind of flower l will buy.
" I want those white roses." I said as l point out those beautiful white roses my mommy loves.
Lumapit na ako sa counter at nagbayad. Pagkalingon ko, nakita ko si Siobahn na nasa may gilid at bored na bored na nakatingin sa mga bulaklak. Naka basketball short at white na t-shirt lang siya, medyo magulo pa ang buhok.
"Miss, na ito na po ang sukli. Thank you for choosing our shop, come again!" The staff smiled at me.
I nodded at her and decided to leave the shop. Pagkalingon ko ulit, nagkatingn na siya sa akin. Bumaba ang mata niya sa dala kong mga bulaklak. Hindi ko nalang yun pinansin at tsaka umalis.
Pagka sakay ko ng sasakyan, nagpababa na ako sa sementeryo. Inilagay ko sa puntod ni Mommy yung binili kong mga rosas. Tahimik akong umusal ng panalangin at sinimulan siyang kamustahin.
After 2 hours of staying, umalis na ako at nagtungo ng school.
Pagpasok ko sa room, nakita ko si Aevie. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
RECTIFYING YOU (ON HOLD)
Teen FictionON HOLD Life for her is perfect even tho she doesn't have much friends, she's pretty cool with it because she have both her parents. She's living like a fairytale where her father is the king and her mother is the queen and she is the princess. That...