After three subjects, we went to cafeteria to grab our meriendas.
They were talking loudly about random stuff while l was busy looking at Russco. I surely know that there's something wrong. He's been quiet for many days now and it isn't his usual behaviour. Maybe, i am just the only one who noticed na meron siyang pasa sa gilid ng labi.
I stood up and sit near him. He's busy eating with his food.
"Russco," l approached him.
"Hi, Yuqi." He somehow smiled.
I am just looking at him and when he noticed my stares he raised a brow at me.
"What's with that look? Crush mo na ko 'no?" Mapanuyang sabi niya. Ngumuti lang ako.
"Eh ano? May problema ka?" Concerned na tanong niya. Umiling ako. Siya dapat ang tanungin ko dahil alam kong may problema siya. Well, l have problems on my own but i'm slowly dealing with it.
"Baka ikaw ang may problema," sabi ko. He smiled sadly.
"I told you, it's nothing." Pero hindi pa rin ako kumbinsido. Kaibigan ko siya at gusto kong tulungan siya.
"Pasa ba ito?" Hinawakan ko ang gilid ng labi niya. Nabigla siya sa aking ginawa. Medyo nanlaki pa ang kaniyang mata. Ngumiti lang siya sa akin na hindi abot sa kaniyang mga mata. Sabi ko na nga ba.
Nabitawan ko ang pagkakahawak sa gilid ng labi niya ng may tumikhim.
Si Abaddon na kunwari'y nauubo at biglang tumingin kay Siobahn. Blanko lang ang mga mata niya at mukhang seryoso.
"I'll tell you when l'm ready to tell you, Yuqi. Just give me time." Muling napabaling ang tingin ko kay Russco. Ngumiti ako at tumango sa kaniya. Nagpatuloy nalang kami sa pagkain.
Bumalik na kami sa room dahil nag bell na. Nagsibalikan na kami sa upuan dahil maya- maya lang ay naandyan na ang next subject teacher namin.
Research time ay wala kaming ginagawa dahil wala ang teacher namin. May inaasikaso raw at manahimik nalang daw kami.
Magkasama sila Aevie, Pfiper, Abaddon at Ezra samantalang tahimik lang si Russco at busy sa cellphone niya. Tiningnan ko si Siobahn at naandon lang siya sa upuan niya, may sinusulat sa black na notebook. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa katabi niyang upuan.
"Hi, anong sinusulat mo?" Sumilip ako sa notebook niya pero agad niyang sinarado.
"Secret," nakangising anya.
"Ano nga 'yan?" Pangungulit ko. Umiling siya at kinurot ang ilong ko.
"Masakit!" Saway ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako.
"Lagi nalang ilong ko," nakanguso kong sabi. Hawak ko pa ang ilong ko na kinurot niya.
"Sige pisnge nalang," pagkasabi niya non ay kinurot niya naman ang pisngi ko.
"Aray! Nakakailan ka na!"
Ayaw niyang tigilan ang pisngi ko kaya kinurot ko rin ang magkabila niyang pisngi. Imbis na masaktan ay tumawa lang siya ng tawa. Pinakawalan niya ang pisngi ko kaya tinigilan ko rin ang kaniya. Tawa lang siya ng tawa kaya napagmamasdan ko ang dalawang biloy sa magkabila niyang pisngi. Ang aalon- alon niyang brown at kulot na buhok, makapal na kilay, singkit na mata dahil sa pagtawa, matangos na ilong at mapulang labi.
Nakatingin lang ako sa kaniya at 'di ko namalayang nakatingin na rin siya sa akin at may ngisi sa labi.
"Pogi ko ba?"
Bigla akong napaiwas ng tingin dahil pakiramdam ko ay namumula ang aking pisngi.
"Kapal," yun na lamang ang nasabi ko. Pagkatapos ay tumingin nalang ako sa kaniya at inirapan siya.
BINABASA MO ANG
RECTIFYING YOU (ON HOLD)
Teen FictionON HOLD Life for her is perfect even tho she doesn't have much friends, she's pretty cool with it because she have both her parents. She's living like a fairytale where her father is the king and her mother is the queen and she is the princess. That...