We just walked until we reach the cemetery. Hindi mainit kaya ayos lang maglakad. Isa pa ay parang exercise na rin ito.
Tinanggal ko ang tuyot na bulaklak at itinapon sa basurahan tsaka ko ipinalit ang bulaklak na binili ko. Nakaupo kaming dalawa ni Siobahn habang nakaharap sa puntod ni Mommy. Tahimik lang siya habang nakikipag- usap ako kay Mommy.
"Hi, Mom! I'm with my friend again. You knew him because he's been here with me before. Sinamahan niya ako and pupunta kami mamaya kila Russco, kaibigan din namin. May gagawin lang kaming Research papers."
"Kumusta ka na diyan, Mommy? Namimiss mo ba ako? Kasi ako sobrang namimiss ka. Pero hindi na naman ako ganun kalungkot kasi alam kong naandyan ka lang at ginagabayan ako kahit hindi kita nakikita. Tsaka l have my friends with me kaya masaya ako Mommy." Nginitian ko si Siobahn nang makitang nakatingin lang siya sa akin.
"I'm doing good sa school and uhm...si Daddy ay busy sa trabaho niya pero nakakasabay ko naman siya kumain minsan tsaka kapag wala siyang trabaho ay nasa bahay siya, naandon din si B-bry, uh... inaalagaan niya ang k-kapatid ko."
Naikwento ko na kay Mommy ang tungkol kay Bry noong araw din na dinala siya ni Dad sa bahay.
"Uh... he's big now and he's so cute. Kamukha ni Daddy." Alam naman ni Siobahn ang tungkol sa kapatid ko dahil naikwento ko sa kaniya ang tungkol sa buhay ko kaya okay lang sa akin na marinig niya kung ano man ang sinasabi ko.
Kinukwento ko kay Mommy ang mga bagay na tungkol sa akin, ang mga nangyayari sa school, sa pag-aaral ko, sa bahay, maging kay Manang. Alam kong miss na rin kasi ni Manang si Mommy.
Ngayon ay tahimik lamang ako habang hinihimas ang lapida ni Mommy. Halos nasabi ko na sa kaniya lahat. Presko ang hangin at naririnig ko ang huni ng ibon. Masarap sa pakiramdam.
"Alam mo bang hindi ako lumaki sa Mama ko?" Maya- maya ay sabi ni Siobahn. Napaangat ako sa kaniya ng tingin.
"You mean, iba ang nag- alaga sa iyo nung maliit ka pa?" Tumango siya.
"Kaibigan ni Mama ang nag- alaga sa akin."
"Huh? Bakit?"
"Ayaw kasi ni Lola kay Papa. Nung pinagbuntis ni Mama si Ate Daisy, pinaglayo sila ni Papa. Nagalit nun si Lola kay Mama pero wala siyang nagawa kasi buntis na si Mama noon. Edi, tinanggap nalang siya ni Lola tsaka ang kapatid ko. May komunikasyon pa rin naman sila ni Papa pero palihim lang.
"Mga ilang taon ang lumipas akala ni Lola, wala ng relasyon si Mama at Papa pero nalaman nalang ni Lola na buntis ulit si Mama at ako ang pinagbubuntis niya. Mas nagalit si Lola at ang gusto ay ipalaglag daw ako pero ang ginawa ni Mama, umalis sila ni Ate sa poder ni Lola at sa kaibigan niya sila nanatili muna. Walang balita si Mama kay Papa, nag- alala siya na baka kung ano ang ginawa ni Lola. Nang ipinanganak ako, mas gumulo. Naiwan ako kay Nanay, tapos si Mama at Ate kinuha ni Lola at dinala sa ibang bansa."
"Pero kasama mo na sila ngayon, diba?"
"Oo. Nang mawala si Lola, naging malaya na sila Mama at Ate. Umuwi sila dito sa Pilipinas at hinanap ako, kinuha nila ako kay Nanay. Kaya ang nagyari, binibisita na lang ako ni Nanay sa bahay namin."
"Anong nangyari sa Papa mo? Nasaan siya?"
"Nagpakita si Papa sa amin nila Mama, akala nga ni Mama ay wala na si Papa. Yun pala, pinalayo siya ni Lola at tinakot na kapag hindi siya sumunod ay hindi niya bibigyan ng pagkakataon na makita kami. Tapos nalaman nalang ni Papa na nasa ibang bansa na sila Mama, akala niya rin ay kasama ako. Ngayon, maayos na kami. Magkakasama na sa bahay."
"How about your Nanay? Nalungkot ba siya nung kinuha ka ng totoo mong Mama?"
"Siyempre, pero katulad nga ng sinabi ko. Dumadalaw siya sa bahay para bisitahin ako tapos minsan ako naman ang dumadalaw sa bahay niya, nilalaro ko yung anak niyang lalaki na mag- iisang taon na."
BINABASA MO ANG
RECTIFYING YOU (ON HOLD)
Teen FictionON HOLD Life for her is perfect even tho she doesn't have much friends, she's pretty cool with it because she have both her parents. She's living like a fairytale where her father is the king and her mother is the queen and she is the princess. That...