RY 15

14 6 0
                                    

"Finally, tapos na!" Kalalabas lang namin ng room dahil tapos na kami ng exam. Second day ngayon at last day na ito. Alas kuwatro palang ay pinalabas na kami dahil test lang naman at wala ng klase.

"San tayo ngayon?" Tanong ni Russco.

"Pass muna ngayon, lods. May pupuntahan kami ni Pipa." Sagot ni Abaddon. Inulan naman ng tukso ang dalawa.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Aevie na katabi ngayon si Ezra.

"Secret!"

"Oh, kayo?" Turo ni Russco kila Aevie at Ezra. "Mayroon din kayong lakad?"

"Meron,"

"Saan?" Tanong ni Pfiper kay Ezra.

"I promised Lolita that l'll bring Aevie with me. Magbe- bake sila ngayon." Pagpapaliwanag ni Ezra. Siguro ang Lolita na tinutukoy niya ay ang Lola niya. Balita ko ay iyon ang nagpalaki sa kaniya dahil namatay ang mommy niya nung ipinanganak siya at yung daddy niya naman ay nasa tunay na pamilya. Pero kahit ganun ay sustentado siya ng daddy niya.

"You'll come?" Tanong ni Pfiper kay Aevie. Tumango ito sa kaniya.

"Kayo, Yuqi at Siobahn? Any plans? Sanay naman ako mag- isa, no worries." Wala naman akong pupuntahan at kung may mga gagawin sila ay uuwi nalang ako sa bahay.

"Wala-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil inunahan na ako ni Siobahn.

"She'll come with me..." Napatingin ako sa kanya at nakatingin din siya sa akin. Nginitian niya ako na parang sinasabing umoo ako.

"Edi uuwi nalang pala ako! Kahiya naman sa inyo, wala akong partner!" Kunwari'y nagtatampong anya ni Russco. Inasar tuloy siya ni Abaddon.

"Ihahanap kita, gusto mo?" Tanong nito.

"Wag na, no! Uuwi nalang ako."

Umuna ng umalis si Russco dahil solo lang naman daw siya, nagpaalam muna siya sa aming aalis na. Kasunod na umalis sila Aevie at Ezra kasabay si Pfiper at Abaddon. Nagpaalam muna kami sa isa't isa. Ngayon ay kami nalang dalawa ni Siobahn ng naiiwan.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya. Nagsimula na kaming maglakad.

"Sa garden." Sagot niya sa akin.

"Garden?" Saang garden ang tinutukoy niya?

"Oo...sa may samin." Napansin ko na ang direksyong tinatahak namin ay papunta sa flower shop na lagi kong binibilhan ng bulaklak. Tumigil kami sa mismong harap non. Pumasok si Siobahn sa shop kaya sumunod ako. Napansin ko ang ilang pagbati sa kaniya mula sa mga staffs. Inilagay niya sa may bandang dulo ang bag niya at humarap sa akin.

"Dun tayo sa may likod." Hinawakan niya ang kamay ko kaya nagpatianod nalang ako. Lumabas kami sa pinto ng shop at pumunta sa may likod nito. Akala ko kung ano ang gagawin namin dito pero ito pala iyong tinutukoy niyang garden. The garden isn't that big pero hindi rin ganun kaliitan. Maganda ang pagkakaayos ng mga halaman at bulalaklak, siguro'y alagang- alaga. Mayroong maliit na puno ng mangga sa gilid pero pwede ng pahingahan. Mayroon ding iba't ibang uri ng bulaklak at iba't ibang kulay. Parang ansarap pitasin. Kung titinggnan mula sa harap ng flowershop ay hindi ito mapapansin dahil tago ito.

"Did you like it?" Tanong ni Siobahn sa may tabi ko.

"Yes," tumango- tango ako. Lumakad siya papunta sa may puno ng mangga. Umupo siya roon sa may lilim kaya umupo rin ako.

"Kayo ba ang may- ari nito?" Tanong ko sa kaniya. Hindi siguro kami papayagang makapasok dito kung hindi sila ang may- ari.

"What do you think?" So tama nga ako. Kaya siguro nakita ko siya noon na nasa loob ng shop.

RECTIFYING YOU (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon