Chapter 3

12 1 0
                                    


Written By: Ashlevintone

Tulad ng inaasahan' kick out na nga ako. Pinalayas din ako ni papa, pero kahit papaano pinatira niya ako sa condo unit niya. May sapat parin akong pera dahil suportado parin ako ng magaling kong ama.

Magpakasaya na siya, dahil makakasama niya na ang bago niyang pamilya.

Sa sobra kong boring gusto kong makapantrip, gusto kong pag tripan ang Lumi Girl na yun' humanda handa na siya sakin, dahil papaiyakin ko nanaman siya ngayon.

Tulad ng inaasahan, nasa kusina nanaman siya. Ng makita niya ako, nagulat siya' pero dahil no choice siya at baka mapagalitan siya ng boss niya ay pinaghandaan parin niya ako.

"Upo ka." lumingon ito sakin.

"Hindi na sir. Baka magalit po ang boss ko" aniya.

"Its okay, nakausap ko na siya. Nagbayad ako ng malaki para lang makausap ka" tugon ko. Totoo naman eh' kailangan ko pa talagang magbayad sa boss niya para lang makausap siya, kaya wag na siya magpa chossy jan. Ganda siya? Tsk!

"Po, bakit niyo naman po ako gustong makausap?"

Kong makipag usap siya sakin ay parang anghel. Pero the way na ganun ang pakikipag usap niya sakin, mas lalo lang akong naiinis. Naiinis ako sa mga babaeng, nagtatago ng totoo nilang pagkatao.

"Simple lang. Para maging akin ka" tugon ko. Clave naririnig mo ba ang sinasabi mo? Sure ka jan. Tsk!

"Po.?" gulat na gulat ito. Nung nagtama ang mga kulay brown niyang mga mata sakin ay kaagad akong nag iwas ng tingin. Ngaun ko lang napansin na hindi nga maganda ang suot niya' pero ang ganda naman ng mga mata niya.

"Hindi pa ba malinaw sayo, na gusto kitang ligawan? At isa pa, wag kana mag 'po' sakin, same age lang tayo. Then soon magiging boyfriend mo din ako" saad ko.

Oo na, oo na.. alam kong may pagka assumero ang dating ko dun' pero bakit ba? gusto kong pagtripan ang Lumi Girl na ito.

Tsaka kong ako sakanya' wag na siya mag pa chossy pa jan. Atsaka, hindi naman siya ang tipo kong babae no' panget niya kaya.

"Boyfriend? Ligawan? magiging tayo? Sir, sorry po ah. Pero marami po akong kailangang i prioritize sa buhay. Tsaka, hindi po ako kagandahan maraming iba jan. Sila nalang po' wag na ako" sinamaan ko siya ng tingin, aba! ang lakas ng loob niyang tanggihan ako.

"Ah basta, gusto kita. Wala kang magagawa dun".

"By the way I'm Clave, ano na nga name mo?"

Natatandaan ko kasi na nagpakilala na ako sakanya. Kaso yun nga lang hindi ko naitanong dahil mas inuna ko pang mag lagay ng alcohol sa kamay. Kaasar!

"Kirah.."

Pagkarinig ko' hindi ko alam kong anong meron sa dibdib ko. Anlakas ng tibok' kaagad akong tumikhim ng tubig. Halata sa mukha ni Lumi Girl na naguguluhan siya sa nangyayari.

"Okay Kirah.. manliligaw mo na ako simula ngayon. Bawal ka na sa iba" kinindatan ko pa siya.

Ewan ko nalang kong hindi siya kiligin.

Pagkatapos ko ubusin ang Lumi na binili ko kaagad akong lumapit sa kinauupuan niya. Yumuko pa ako para lang mahalikan ang noo niya. Kaagad nanlaki ang mga mata niya. Ngumisi lang ako at iniwan kong blangko ang utak niyo.

Tulad ng dati' pagsakay ko ng kotse lumingon muna ako sakanya. Nakahawak siya sa noo niya, habang nakatingin sa kotse ko. Tawang tawa ako sa isip ko' akala talaga niya eh magugustuhan ko siya eh, panget niya kaya.

"What? nililigawan mo yan?" ani Kenneth, nandito kami sa Lumihan isinama ko sila para naman hindi ako ma op. Silang tatlo ay gulat na gulat'

"Kilala natin yan si Clave. Hindi ang mga babaeng ganyan ang tipo niya." natatawang tugon ni Miguel.

Mistake's Change Everything Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon