Chapter 10

0 0 0
                                    

Hindi ko naman masisisi ang mga tao kong ayaw nila sakin. Ikaw ba naman ang gawan ng masama sa tingin mo hindi ka lalayo sa taong yun? Sa lahat ng lalaki ako na siguro ang pinaka walang kwenta.

Walang kwentang anak.

Walang kwentang lalaki.

Walang kwentang kaibigan.

So bakit pa ako nabuhay? kong puro failures lang ang ipaparanas sakin ng mundo? Nakakawalang gana'

Isama mo pa yung pakiramdam mong palaging mag isa ka. Dahil bukod sa sustento lang ang nakukuha ko sa aking magulang, salat din ako sa pagmamahal.

Nakasulyap ako ngayon sa pinto nila Akirah, kanina pa ako pabalik balik. Kakatok ba ako o hindi? ewan ko ba kong bakit dito ako idinala ng mga paa ko. Basta ang alam ko, gusto ko lang humingi ng tawad sa nagawa ko kay Akirah. Gusto ko itanong kong okay ba siya, o kamusta na ang tatay niya.

Oo na, hays!

Namimiss ko nga si Akirah. At hindi lang basta pagkamiss, nakakaramdam din ako ng konsensiya.

Nasa harap na ako ng pinto nila Akirah, akmang kakatok na sana ako kaso' pinapangunahan ako ng konsensiya at kaba. Hindi naman kasi biro ang nagawa ko sakanya.

Nasaktan ko siya.

I hurt a woman who did nothing wrong to me.

"Clave?..."

napako ako sa pagkakatayo. Para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig. Napako ako nung bumukas ang pinto at iluwa nito ang isang napakagandang binibini saking mga mata.

"Ahmmm!"

"Anong ginagawa mo dito, Clave." saad niya' napakahalina parin ng boses niya. Hindi ba siya galit sakin? napatingin din ako sa may tuhod niya, may benda iyon' at hindi parin siya tuwid tumayo.

"Ahhhh?" napakamot ako sa batok ko.

"Ahhh, syempre nandito ako para sana......"

"Para ano?" dagdag pa niya.

"Nandito ako para makita yung babaeng, bumubuo ng mundo ko." banat ko'

Imbes na si Akirah ang mamula, ako ata ang tinamaan sa sarili kong banat. Kaagad naman akong napaiwas ng pagkakatingin, ang corny ko ba?

"Hay naku Mr. Santillian, wala ka paring ipinagbago." pang aasar ni Akirah. Kaagad na napangiti ako' halatang walang bakas na kahit anumang galit ang meron si Akirah sakin,

Maya maya pa, inaya na ako ni Akirah na pumasok sa bahay nila. Syempre aba, alangan naman na sa labas lang kami mag usap magdamag' syempre kapag may bisita ka dapat mong papasukin sa loob, diba?

Ang pogi pogi ko, kaya dapat lang na pinapaupo ako. Nakakangalay din kayang tumayo sa labas.

Si tay Ben naman ay himbing sa pagtulog. Mas pumayat pa ang kaawa awang matanda, parang noon lang' ang lakas lakas pa niya.

"Malakas yan si tatay".

Napalingon nalang ako kay Akirah, napansin niya siguro na kanina pa ako titig na titig sa tatay niya. Naglapag din siya ng tubig sa mesa, at nakiupo na din siya malapit sa tabi ko.

Ngumiti siya sakin. "Ayaw na ayaw ni tatay ang tinititigan siya ng ganyan. Sige ka, baka isipin niya, naawa ka sakanya." ani Kirah

"Yeah, you'll right. He is strong enough".

"And I wish na may tatay din akong ganyan" dagdag ko. Umiling lang si Kirah sakin, tas bahagayang huminga.

"You know what Clave. Kailangan mo ng tanggapin ang lahat at mag move on na. Mahirap, pero yun ang tamang gagawin, hindi ka kasi makakausad kong magpapakulong ka sa past mo' every heartbreak it gives a lot of lessons in our lives."

"You must accept and move on. May mga taong pinagtagpo pero hindi itinadhana. At kabilang ang magulang mo dun".

"Thats the very saddest reality in life." dagdag pa ni Kirah.

It is difficult to be alone, but it is more difficult to grow up lacking in family love. It is difficult to live with pure judgment, and it is even more difficult for me to forgive my parents just because of their mistakes. Hindi madaling maging ako' hindi madaling maging Clave,























Mistake's Change Everything Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon