Hindi nagtagal, nagpaalam na din sakin sina Brent at Kenneth, alas onse na din ng gabi kaya,pinauwi ko na sila ayaw pa nga sana nila' kasi gusto daw nila matapos ang birthday ko hanggang alas dose, pero itinaboy ko na sila. Oras naman para sa sarili ko' ang mga taong katulad kong walang kwenta ay hindi naman talaga deserve sumaya.
Naalala ba nila mama at papa ang birthday ko?
Sana naman, maalala din nila kahit kaunti. Para maalala nila ang pagsilang ng isang Mark Joushua Clave Santillian.
Isang taong kinalimutan ng mismong pamilya niya. Kong wala ang tatlo kong kaibigan panigurado' ang lungkot ng birthday ko. Well hindi naman ako masaya pero atleast kahit papaano ay may kasama ako.
Naninikip na ang dibdib ko. Puro sakit at pighati nalang ang nasa dibdib ko. Nagsimula na ding kumawala ang mga luhang itinago ko sa mga tao. Hindi ako umiiyak kahit kanino' ganinto ako. Umiiyak mag isa at wala ng tao.
Ang Clave na nakikita nila sa panlabas, ay marunong din umiyak. At marunong din masaktan'
Nandidilim na ang paningin, lango na din ako sa alak. Sinindihan ko pa ang yosi at kaagad na sinupsup iyon.
Napatingin ako sa wrist watch ko. Mag aalas dose na, patapos na din ang birthday ko. Pero kahit isang tao galing sa magulang ko ay walang makakaalala. Napangiti nalang ako sa kawalan' at wala sa sariling pinagsusuntok ang pader. Sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ko, ay halos mabasag na ang mga kamao ko. Dumadaloy na din ang dugo sa bawat sementong tatamaan ng kamao ko.
"AN SAKIT SAKIT NA!!!!! TAMA NA ANG PAMBABALEWALA NIYO...!!!"
"NASASAKTAN DIN AKO!!!!".
"WALA KAYONG KWENTANG MAGULANG. SARILI NIYONG ANAK KINALIMUTAN NIYO!!".
"SANA HINDI NA AKO NABUHAY!!".
Sa bawat sigaw ko, ay ang pagtama ng kamao ko sa pader. Halos mabasag na din ang mga kamao ko, sa sobrang lakas ng suntok ko. Hindi ko na maramdaman ang sakit ng kamao ko. Ang tanging nararamdaman ko ay ang sakit na binibinigay sakin ng mundo.
"CLAVEEEEEEE!!!!!!".
Halos mabingi ako sa boses na nanggagaling saaking likuran. Nanginginig na ang mga kamay ko'
"Clave, tama na."
Dahan dahan akong lumingon sa aking likuran. Nakita ko si Akirah, na umiiyak at nanginginig ang mga kamay, may dala dala siyang cake pero kaagad niya yung nabitawan ng makita ang kamao ko na nag sisiagos na ang dugo.
Tumakbo siya palapit sakin, at niyakap ako. Umiiyak siya sa dibdib ko'
"Wag mong saktan ang sarili mo Clave. Kasi nasasaktan din ako." paghikbi niya.
"Clave, tama na ang pananakit mo sa sarili mo. Kong ayaw sayo ng mundo, nandito ako. Tatanggapin kita' kahit ikaw pa ang pinakamasamang tao sa mundo. Nandito ako".
Patuloy lang sa pagiyak si Akirah, habang yakap yakap ako. Para naman akong na istatwa ngayon' dahil hindi ko akalaing yayakapin niya ako.
Pero dahil sa sobrang galit ko. Kaagad akong kumawala kay Akirah at itinulak siya, tumama pa nga ang tuhod niya sa malaking tipak ng bato. Napasigaw pa nga siya' sa sobrang sakit. Dumadaloy na din ang mga dugo galing sa kaniyang tuhod.
"Wag mo akong bilugin. Babae ka din, at panigurado na kapag nag sawa kana sakin. Iiwan mo din ako, katulad ka din ng nanay ko."
"Babae kalang Akirah. At hinding hindi ako maniniwala sayo' dahil wala naman talaga akong pakialam sa nararamdaman mo. Babae ka lang!".
"Layuan mo na ako. Lumayo kana sakin' hindi kita kailangan." nakita ko sa mga mata ni Akirah ang takot' at alam ko sa mga oras na ito ay lalayo siyang tuluyan sakin. Ganun naman talaga diba? Kapag may nakitang hindi ka gusto gusto sa ugali mo lalayuan ko.
Katulad din siya ng mama ko' katulad din siya ni Xandra. Katulad din siya ng ibang babae, iiwan niya din ako.
"Lumayo ka sa harapan ko. Lumayas ka sa Condo ko' at itong cake na ito, walang kwenta to. Katulad mong walang kwenta Akirah." saad ko, itinapon ko ang Cake sa lupa dahilan para mas lalong mapa iyak si Akirah. Hindi ko na alintana, kong umiiyak pa siya o dumudugo pa ang tuhod niya.
Wala akong paki alam. She is just a girl.
Nanlilisik ang mga mata ni Akirah. At kahit medyo hirap siyang tumayo ay pinilit niya. Pinahid din niya, ang mga luhang kumakawala sakanyang mga mata. At matalim na tumitig sakin.
Dahan dahan siyang lumapit sa harapan ko. At tumingin ng deristo saking mga mata. Hindi nagtagal, tumama ang pinaka malakas na sampal niya sa mukha ko' dahilan para matauhan ako.
Ansakit ng pagkakasampal niya.
Mas malakas pa sa malakas.
Pagkasampal niya sakin, walang lumabas na tinig mula sakanya. Bagkus ay tinalikuran niya ako at binaybay ang daa papalabas.
Masakit ang mukha ko. Pero mas masakit ang nararamdaman niya. Gusto ko sana siyang habulin tapos humingi ng tawad pero napako ang mga paa ko.
Nag aagaw nanaman ang aking dalawang ugali, kong magiging mabuti ba ako o masama nalang ulit.
Alam kong iiwasan na ako ni Akirah, kaya dapat ihanda ko na ang aking sarili. Dahil panigurado pag gising ko kinabukasan, magbabago nanaman ang ikot ng mundo ko.
I'm sorry Akirah, I hope naririnig mo ako.
BINABASA MO ANG
Mistake's Change Everything
RomanceKong isang pagkakamali lang ang makakapagpabago ng kapalaran ko? mas gugustuhin kong itama nalang lahat ng bagay na ginagawa ko.