Chapter 6

11 0 0
                                    

Written by : AshLevintone

Sapol.

Sapol sa mukha ni Miguel ang malalakas kong suntok, hindi na rin maawat sa pagdugo ang nabasag niyang kilay at labi. Ngumingisi pa ang loko'

"Anong nakain mo at nakialam ka ha!!!!?"  kaagad kong hinawakan ang kwelyo ng damit niya at kinorner siya sa pader, kahit bugbog sarado na siya nakuha niya paring ngumisi.

"Come on, Clave. How you like that? How to be you!" tumawa pa ito.

Yung mga katulong naman sa likuran ko eh' nagmamakaawa na tumigil na ako. Pwedi ko itong ikapahamak pero wala na akong pakialam, mas naawa ako sa sitwasyon ni Akirah.

"Bakit? Ilalaglag mo ako sa mga pulis tas kay Akirah MoOo--" ngumisi pa ito. "oh, come on Santilian! Kasalanan mo ito kong bakit nangyari sakanya" ngisi niya.

"At paano ko naging kasalanan huh?" anggil ko.

"Remember Xandra? Binugbog mo lang naman yung nerd niyang boyfriend. Si Alexandra ang nagplano nito' at hindi siya titigil hanggat hindi ka nasisira." ngumiti pa si Miguel.

Nanginginig at nangangatog na ako sa sobrang galit' kong pwedi lang pumatay ginawa ko na. Para tumahimik ang kaibigan kong Ahas na ito.

"Tinulungan lang naman kita eh. Diba' balak mong pagtripan si Akirah? Dapat magpasalamat kapa sakin Santilian"

Magsasalita pa sana ulit si Miguel kaso kaagad na nag init ang kamao ko at yun' tumama sa buo niyang mukha. Tulog!

"Kamusta ang pakiramdam mo?"  bahagyang iginala ni Akirah ang mga mata niya.

"Kailangan ko nang umuwi. Baka nag aantay na sakin si Itay" dali dali siyang bumangon at aligagang kinuha ang bag niya sa sofa.

"Wait. Okay! Ihahatid na kita" dali dali kong kinuha ang susi tsaka inalayan si Akirah palabas.

Pagdating namin sa bahay nila, naabutan namin si Tay Ben na nanghihina bakas din siguro ng labis na pag aalala kay Akirah. Dali daling kumuha ng makakain si Akirah tsaka sinubuan ang matanda, samantalang ako nakastatwa lang na nakatingin sakanila.

Nang maging maayos na ang lagay ni Tay ben, lumapit na sakin si Akirah. Nakatingin lang siya sakin'

"Ahhh! May maitutulong ba ako?" tanong ko. Para naman kahit papaano magsalita siya'

"Hindi ako nagnakaw sa shop, huhuliin na ako ng mga pulis kagabi kaya naman tumakbo na ako' kawawa naman ang tatay ko kapag nakulong ako, dahil lang sa maling akala." tuloy na tuloy ni Akirah, kasabay nun ang tuloy tuloy na pag agos na mga luha sakaniyang mga mata.

"Wala na akong nanay. Ang tatay ko naman ay maysakit' ako nalang ang maasahan niya. Mahirap lang kami, pero hindi ako magnanakaw" dagdag pa niya.

Parang may biglang kumurot sa puso ko. Ang makita si Akirah na umiiyak, ang nagpapahina sa puso ko, sa hindi maipaliwanag na dahilan. Alam kong, ako ang may kasalanan nito sakanya.

"Hayaan mo Akirah, nandito na ako. Hindi kana mag iisa, hindi kana iiyak. I will protect, I promise" bahagya ko siyang nginitian.

Sumilay din naman ang mga ngiti sa labi ni Akirah.

"Promise yan ah?" aniya. Tumango ako.

"Promise Akirah"

Hindi ko maintindihan kong bakit biglaang nanlalambot ang puso ko. Ako to eh si Clave, pero ngaun matatawag ko ang sarili kong marupok  na Clave, ito na siguro ang sinasabi nilang.

'love'

"What? Nag away kayo ni Miguel?" gulat na gulat na saad ni Brent. Nandito kami ngayon sa lagi naming tinatambayan na bar. Bigla kasing nag aya ng inom tong si Brent kaya hindi na ako tumanggi.

"Yes. Pagsabihan mo yang kaibigan mo' na kong gulo ko is wag na niya pakialaman. Dadagdag pa siya sa problema ng ibang tao eh" naiinis na wika ko.

Napa hawak nalang si Brent sa noo niya. "Wait bro. I cant understand" aniya.

"Wag mong sabihin na nahuhulog kana sa Lomi Girl na yun ah" siniko pa nga ako ni Brent at bahagyang ngumiti. Mga ngiting nang aasar.

"Hell, no" inirapan ko siya at kaagad na lumaklak ng beer.

"Hindi ako maiinlove sa cheap na yun" sabad ko pa.

"Well, sabagay. Pero mas masakit kapag karma na ang gumati bro" nang aasar na tugon ni Brent. "By the way, ayusin niyo ang gusot niyo ni Migs, naku! parang magkakapatid na tayo tas mag aaway away pa".

Hindi na ako kumibo pa. Alam kong mapapagkatiwalaan si Migs, at hindi siya basta basta nagdedesiyun, ano naman kaya ang motibo niya?






Pagkalipas nga ng nangyaring trahedya kay Akirah, natapos din lahat ang mga kasong ibinibintang sakanya, tinulungan ko din siyang malinis ang pangalan niya. Yun nga lang, naghanap na ulit ng bagong mapapagtrabahuan si Akirah, isa iyong carenderia, at kahit papaano medyo nagiging okay naman na siya.

"Thankyou, Clave" napalingon naman ako kay Akirah.

'Nandito kami ngayon sa tabing dagat kong saan una ko siyang idinala. Palubog na ang araw, at alon nalang ng dagat ang maririnig mong ingay. Dilaw na dilaw ang kalangitan.

Ngumiti ako. "Wala yun, Akirah." hindi ko alam ang sasabihin dahil ang lakas ng tibok ng puso ko. Marinig ko lamang ang pasasalamat niya, feeling ko may mabuti na akong nagawa.

Kailangan ko din siyang tulungan. Dahil simula nung dumating ako sakanya, unti unting nagulo ang tahimik niyang mundo.

"Ang ganda ng sunset. Namiss ko tuloy si mama" aniya.

Bigla akong na curious. Kaya hindi ko na napigilan magtanong' ewan ko ba kong anong klase itong si Akirah kong bakit niya kinakaya ang lahat ng dagok na dumating sakanya.

"Nakita mo ba ang nanay mo? nakasama mo ba siya." tanong ko.

Kita ko ang pagbagsak ng mukha niya. Kaagad siyang nalungkot' gusto kong ibahin nalang ang usapan pero humigit muna siya ng napakalalim na hininga. Sa mga oras na yun, kitang kita ko ang pagiging malakas niya.

"Hindi ko na nakita ang mama ko. Pero may picture naman akong naitago, namatay siya bago niya ako ipanganak."

Kinuha ni Akirah ang picture sakaniyang nakaipit na wallet at inabot yun sakin. 'Isang baby at isang nanay na akala mo talaga magkakaroon ng magandang ala ala.

"Nakaka proud ang mama ko. Kasi kahit hirap na siya, gumawa siya ng paraan para mabuhay ako. Nagpakalakas siya para sakin, at hinding hindi ko sasayangin ang bawat sakripisyong ibinigay niya sakin."

"Simula nung nawala ang mama ko. Lagi ng malungkot ang tatay ko, napakasakit na, dahil sakin is mawawala ang babaeng pinakamamahal ni tatay. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na aalagaan ko ang tatay ko' isasakripisyo ko din ang sarili kong buhay para sakaniya. Alang alang sa sakripisyong ginawa ni mama"

Habang nakatingin ako kay Akirah. I see a beautiful girl, with a beautiful heart. She is gifted, hindi man siya siya nagkaroon ng isang buong pamilya, napaka gifted niya naman sa lakas ng loob.

Ngumiti siya habang nakatingin sa palubog na araw. Tapos dahan dahan siyang pumikit, pero kahit isang patak ng luha sakaniyang mata ay wala akong nakita.

"Kaya ikaw? Wag ka magtanim ng sama ng loob sa magulang mo, Clave. May kaniya kaniya tayong tadhana, nangyayari ang lahat dahil may rason."

"I think dapat mo na din palayain ang sarili mo sa nakaraan Clave. Kasi hinding hindi ka makakausad kong makukulong ka sa isang kahapon"

"Tingnan mo yang araw na yan. Kapag lumubog yan, magbibigay yan kinabukasan ng napakagandang pag asa, kinabukasan."



















Mistake's Change Everything Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon