Written by: AshLevintone"Ikaw nanaman, Santilian?" salubong ang kilay ng Dean habang kaharap ako. Naka kuyom din ang mga kamao niya at galit na galit talaga siya. '
Sino ba naman kasi ang hindi magagalit sa nagawa ko? HAHAHA!
Nilampaso ko lang naman ang Lampang Nerd na yun' kilalanin niya kong sino ang binabangga niya.
"Hindi kaba nahihiya sa sarili mo? o sadyang wala kalang talagang hiya" birada ng Dean. Napangisi ako' ano bang alam niya sakin? Tsk!
"Wala kang alam, Dean." kinunotan niya lang ako ng noo, at bahagya siyang pumalakpak.
"Nakakahiya ka Clave. Sobrang ikaw ang pabigat sa School na ito' sayang ka kong tutuosin, pero hindi mo ginagamit yang talino mo."
"Gusto kong makausap ang mga parents mo." dagdag niya'
Tsk. As if naman na makikipag usap ang magulang ko sakanya, eh ikinahihiya nila ako.
"Hindi na. Kong kilangan niyo akong i kick out' gawin niyo na. Walang pakialam ang magulang ko sakin' for sure, papabayaan nila ako. At mas matutuwa pa sila' dahil wala na silang pag aaralin." sagot ko.
Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Tanda' kaagad na akong nag walk out.
Kaagad kong pinaandar ng napakabilis ang kotse ko. Pakiramdam ko boung mundo, kinamumuhian ako. Nakita ko ding tatlong kotse ang sumusunod sa likuran ko' panigurado ang tatlo kong ugok na kaibigan ang mga iyon.
Tumigil ako sa isang napaka sikat na computer shop sa lugar namin. Naka aircon ito, at napakalaki talaga. Dito ko balak ibuhos lahat lahat ng galit ko.
Kasama ko din' maglaro ang tatlo kong kaibigan. Mabuti nalang anjan sila para damayan ako, panigurado makikick out na ako sa school, dahil sinagot sagot ko ang Dean.
Pagkatapos namin maglaro, dumiretso agad kami sa isang bar. Gusto ko dito ko nanaman ilunod ang sarili ko.
Alas dose na ng gabi. Halos hilong hilo na ako' tinanong ako nila Miguel kong wala ba daw akong balak umuwi, inilingan ko nalang sila.
Wala naman akong mauuwian.
24hours kasing bukas ang bar na ito, kaya pwedi namang dito nalang muna ako magpalipas ng gabi. Nagpaalam na sina Miguel, Brent, at Kenneth sakin, uuwi na daw sila. Niyakap pa nga nila ako bago sila umalis.
Pag gising ko nasa bar padin pala ako. Kaya naman dumiretso ako sa isang simpleng lugawan. Medyo masakit din ang ulo ko dahil sa hang over.
"Lumi, pakidalian" maangas na tugon ko sa tindera. Panigurado ka edad ko lang siya. Medyo pandak at wala sa ayos ang damit niya.
"Opo, sir" kaagad siyang kumilos para ipaghanda ako ng makakain. Chineck ko ang phone ko, naka ilang text na pala sakin si papa.
Maya maya dumating na si Lumi girl, naka apron sa ng pink, na hindi naman bagay sakanya. Ansagwa tingnan.
"Dalian mo, umalis kana sa harap ko. Panget mo"
Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat. Napahiya din siya. "S-sorry sir." aniya. Kaagad siyang tumakbo papunta sa kusina kong saan siya nagluluto. Tsk!
Dapat naman talaga na sa kusina lang siya. Doon naman talaga siya bagay'
Panget niya kaya. Badoy pa'
Napangiti nalang ako sa isip isip ko. Ang ganda niya paasahin ah? kawawang Lumi girl' siya ang susunod kong biktima.
"Hey, Lumi Girl" tinawag ko siya. Pinaupo ko siya sa table ko, kita ko ang panginginig ng mga kamay niya.
"Dont be afraid. Sorry kanina"
Halos masuka ako' ano nga ba ulit ang sinabi ko? nag sorry ako! HAHAHAHA.
Habang naiimagine ko ang mga pwedi kong gawin sakanya, natatawa nalang ako.
"Po,?" aniya. Bingi ba siya?
"I said.. sorry" malumanay kong tugon. Malumanay kunwari, para sincere.
"Wala po iyon. Okay lang po"
Bakit ba siya 'po' ng 'po' sakin eh. Mukhang magka age lang kami ah. Nakakairita siya, bukod sa panget na, anghel anghelan pa ang ugali. Alam kong babae siya' at katulad din siya ng mama ko.
Lahat ng babae, pareho lang. Porket babae sila gusto nila sila na palagi ang tama. Eh paano naman kaming mga lakaki?
"Fine! Fine!" iritado kong sagot. "I'm Clave Santilian" inabot ko pa ang kamay ko sakanya para makipag kamay.
Nakatitig lang siya dito at matagal pa niya bago abutin din ang mga kamay ko.
Ng maka pag shakehand siya sakin kaagad akong kumuha ng alcohol at ginawa ko un sa harap niya' nakakadiri kaya siya.
Napayuko siya. Kita ko din ang pamumula niya. Napalunok nalang ako'
"Aalis na ako. Keep the change" inilapag ko ang bayad sa lamesa, ng hindi tumitingin sa mga mata niya. Nakayuko parin siya. Pagpasok ko sa kotse ko, lumingon padin ako sakanya. Nakita ko kong paano niya punasan ang mga luhang tumutulo sa mata niya.
She's hurt.
Ilang araw na din simula ng maka encounter ko ang babaeng yun' pero bakit hindi siya matangal sa isip ko. Buo parin ang desisyon kong, pag tripan siya. Ang lukuhin at paasahin, panigurado kapag nakasakit ako ng babae, magiging masaya na ako.
BINABASA MO ANG
Mistake's Change Everything
RomanceKong isang pagkakamali lang ang makakapagpabago ng kapalaran ko? mas gugustuhin kong itama nalang lahat ng bagay na ginagawa ko.