I.
"Isang caramel frappe," sabi ko sa barista.
Hays, overtime na naman ako. Kailangan ko ng kape dahil hindi ko alam kung anong oras ako makakapag-report kay Sir mamaya.
Kakaunti na lang tao rito sa coffee shop. Most of them are from our building and some students na tahimik na nagbabasa. Oh, how I miss those kind of college days. Iilang kape ang dumadaloy sa lalamunan ko every week. Alam ko naman na magpa-palpitate ako after ko uminom pero hindi ko talaga maiwasan dahil iyon lang naman ang bumubuhay sa antukin kong pagkatao.
"Syd," tawag ng barista. Pumunta na agad ako sa counter para kunin. "Bibigyan na talaga kita ng loyalty card."
"Isang beses sa isang linggo lang naman. Hindi naman ako gaano mahilig sa frappe," sabi ko. Medyo kakilala ko na rin ang barista sa coffee shop na ito.
"Red velvet, hindi mo o-orderin?"
"Hindi na. Pauwi na rin naman ako."
Nagpaalam na ako dahil baka hinahanap na ako ni Sir sa taas.
"Syd! After work karaoke daw tayo sabi nila Mona. Gora ka?" Tanong ng ka-opisina kong si Gab nang makalabas ako sa elevator. Agad akong umiling sa kaniya.
"Hindi pa tapos si Sir. Kailangan ko pa siyang hintayin."
"Edi sunod kana lang, baks!"
"Gusto ko na magpahinga. Galing kaming Pasig, 'di ba?" Umupo ako sa cubicle ko.
"Sayang naman!"
Sayang talaga. Kung hindi ba naman matagal 'yong meeting ni Sir sa loob at hindi ako pagod ay panigurado naman na makakasama ako kina Gab.
Hay, nabawasan na night life ko simula noong nagtrabaho ako rito. Well, minsan I do have nights out pero isa sa isang buwan na lang yata. Not like before no'ng hindi pa ako nagta-trabaho rito.
Ilang oras na 'yong meeting ni Sir sa opisina niya kasama 'yong parents niya. Madami na naman kasing bali-balitang kumakalat tungkol sa pamilya niya. These past few weeks, his family and other relatives are receiving death threats. Mas humigpit pa nga 'yong mga convoy kay Sir every time na may out of town siyang bussiness na kailangan niyang puntahan.
Hindi na rin ako magtataka dahil malaki naman talaga ang pamilya niya. Politicians are most of them.
Wala ako ginagawa sa ngayon dahil tapos na ang office hours ko and hinihintay ko lang talaga si Sir na matapos. Alam ko naman na hahanapin niya ako... because he needs an update every the end of the day.
"Syd, kailan ang off mo?"
"Sa susunod na araw pa. Bakit?"
"Set up na tayo para makasama ka namin ulit sa Bar near BGC! Nakakamiss kaya mag-party doon ng kasama ka kasi ang dami mong kakilala roon!"
Totoo 'yon. Halos college days ko, meron akong night life and luckily, I graduated without any problem in my grades. Doon ko halos nakikita ang mga bar and club buddy ko during college days.
Hindi rin naman ako pinagbabawalan since alam naman nila na kaya kong i-balanse ang buhay ko.
"Sige. Sasabihan ko kayo agad kapag nagkataon na maayos ang schedule ko kinabukasan."
BINABASA MO ANG
His Fake Fiancee (Completed)
RomansaWARNING R18 Note: 1st published at Dreame with 11k reads. Taglish. "Anniesyd is a fine lady and a hard-working secretary to the hottest bachelor of town. She's working with him for almost a year and to be honest, she's the only one who made it a yea...