Chapter 1

6K 128 12
                                    

The Montenegro's Mansion

Justine's Pov

Unang kita ko palang sa bahay na pag tratrabahuan ni nanay ay namangha na ako, isang napaka laking mansion ala palasyo sa ganda, at alam kung mag babago na ang buhay namin ni nanay, ang tanging dalangin ko lang ay maging mabait ang aming magiging amo.

Napag usapan narin namin ni nanay na ipag papatuloy ko na ang aking pag aaral dahil sa malaki laki rin naman ang sweldo niya dito sobrang saya ko dahil makaka pag aral na ulit ako.

Wow grabe nay, ang laki ng bahay, dito ba talaga tayo titira?

Oo nak, dito na tayo titira kasama na ito sa mga kasunduan sa trabaho ko, kaya behave ka , kailang pag maganda behave always. okay ba? sabi ni nanay Minda

Oo naman nay, ako pa. sagot ko naman dito

Marami ang nag sasabi sa akin na hindi dapat ako naging lalaki, dahil sa hugis ng aking mukha maging ang aking pangangatawan, para akong nagdadalaga sa aking anyo, sabayan pa ng mahaba kung buhok at sa natural kung maputing balat.

Pinaglihi daw ako ni nanay sa snow, ambishoya talaga si nanay, nakakatuwang isipin na ipinag lihi ako sa nyebe na wala namang winter season sa pilipinas. Nung pinagbubuntis pa daw ako ni nanay ay nawili siya sa kwentong Snow White at iyon ang naging dahilan kung bakit siya natutuwa sa snow na kahit sa mga letrato lang niya nakikita ay labis na tuwa ang ibinibigay nito sa kanya.

Oh andito na pala kayo Minda, halina kayo at ihahatid ko kayo sa magiging kwarto niyo. saad ng isang babae na medyo may katandaan na

Ay oo Rita, ito pala ang anak kong si Justine, ang prensesa namin ng aking yumaong asawa. saad ni nanay

Napakagandang bata naman iri, lalaki ba talaga iho? tanong ni nanay rita

ay opo, pero babae po ang puso ko hehe. ang sagot ko dito na may malawak na ngiti sa labi

Ang bibo naman ng anak mo minda, oh sya halina kayo, para makapag pahinga at mamayang hapon ko nalang kayo sasamahan para malibot ang masion. saad ni nanay rita

Maraming salamat rita.
Thank you po nanay rita. saad namin ni nanay, at ngumiti lang ito bilang tugon

Inihatid kami ni Nanay Rita sa kwartong aming tutuluyan, may isang higaan at may kalakihan ang kwarto, may malambot na kama at sa unang pag kakataon ay makakatulog ako sa isang magandang kwarto, para sa mga katulong ay maganda at maginhawa ang silid na aming magiging kwarto.

May sariling bahay ang mga naninilbihan sa mansion ng mga Montenegro, nalaman kung isa sila sa mayayaman na tao sa buong pilipinas at kilala sila bilang mababait at makatao, marami silang mga charity works at projects para tulungan ang mga mahihirap, laking pasasalamat ko na sila ang magiging amo namin ni nanay.

Nakapag pahinga na kami ni nanay at saktong pag sapit ng hapon ay siya namang pag katok ni nanay rita para ipakita saamin ang buong mansion. Napaka laki ng bahay at maraming mga mamahaling gamit, matapos kaming maglibot sa mansion ay ipinakilala kami sa ibang mga kasambahay, maging ang aming magiging amo.

Good afternoon po mam, sir kami po ang bago niyong kasambahay.
ako po si Minda at ito naman po ang anak kung si justine. ang saad ni nanay

Magandang hapon rin minda, natutuwa ako at nakarating na pala kayo, wag na kayong mahiya at sana maging maginhawa ang inyong paninirahan dito, siya nga pala ang ganda ng anak mo minda.

Salamat po mam. tugon ni nanay

Thank you po, pero bakla po ako. sagot ko naman

Natawa ang mag asawa sa aking sinabi

Pero napakaganda mo parin iho, may makakalaro na ang ating anak. saad naman ng amo naming lalaki

Ako pala ang inyong Mam Marisel at ito naman ang aking asawa na si Sir Alfonso, wag kayong mag aalangang mag sabi kung may problema kayo at kailangan, dahil ngayon ay isa na taong pamilya. saad ni Mam marisel

Opo mam, salamat po.

Siya nga pala, minda nag aaral ba si justine? tanong ni sir alfonso

Ay opo, babalik na po siya ngayon sa pag aaral, bukas po ay e eenrol ko po siya sa malapit na public school. saad naman ni nanay

Kami na ang bahala sa pag aaral ni justine pero sa isang private school siya mag aaral kasama ng aming anak, ayos lang ba yon minda? tanong pa ni sir alfonso

Talaga po? ang di makapaniwala kung saad

Oo iho, ayos lang ba yon sa iyo? tanong ni sir

Opo. sagot ko naman

Sana ay tulungan mo rin ang aming anak, ikaw ang bahala sa kanya ha? saad naman ni mam Marisel

opo. sagot ko

Marami pong salamat mam at sir. saad ni nanay

anong grade kana ba ngayong pasukan justine at ilang taon kana? tanong ni mam marisel

4th year highschool napo at 15 palang po ako. sagot ko naman

ganun ba, e ang bata mo pa naman pala bakit 4th year kana? takang tanong ni mam

kasi po na accelerate ako nung second year ako at huminto po ako sa pag aaral dahil wala po kaming pantostos sa aking pag aaral. sagot ko naman

Ayos yan marisel, para may kasama si Miguel tutal ay 4th year narin naman siya. saad pa ni sir alfonso

Asan naba si Miguel? takang saad ni mam marisel

Tinawag ni mam marisel ang anak niya, at may bumaba sa hangdan na binata, ngayon lang ako naka kita ng isang gwapong lalaki , matangkad, matangos ang ilong, mapupungay ang mata, maputi at sobrang gwapo.

Matalim ang titig nito sa akin kaya tumungo ako dahil nakaka takot ang kanyang mga tingin.

What? ang saad nito napa ka ganda ng boses nito, lalaking lalaki at magaspang, halatang nag bibinata.

Manners Miguel, this is our new maid, si Nanay Minda at ang anak niya si justine. saad ni sir alfonso

Napa taas naman ako ng mukha ng ipakilala kami ni sir Alfonso, matalas ang tingin nito sa akin na para bang may malaki akong nagawang kasalanan na sakanya.

Bukas samahan mo si Justine na mag enroll sa school, niyo mag same year level lang kayo and I want you to help him adapt sa school niyo.

What? bakit ako? ang pasigaw na sagot nito

Miguel! ang ma awtoridad na saad ni Sir Alfonso

wala ng nagawa si sir miguel at agad na umakya sa kanyang kwarto. Napa buntong hiniga nalang ang kanyang mga magulang.

Pasensya na kayo sa aming anak, bugnutin kasi. ang saad ni sir alfonso

Okay lang po sir, marami pong salamat ulit sa pag papaaral kay justine. saad ni nanay

walang anuman yun minda, bukas justine ha? sasamahan ka ni miguel. saad naman ni mam marisel

okay po thank you po. sabi ko naman

Hala sige, mag pa hinga na kayo at bukas mahaba haba pa ang araw. saad ni sir alfonso.

Matapos ang pag papakilala namin sa aming mababait na amo ay nakapag pahinga na kami nanay.

Tomorrow is another day, nakaka kaba ang mangyayari bukas, lalo nat bago ang paaralan, private school at mayayaman ang mga estudyante at isa pa ang among kung masungit na si sir miguel, sana naman maganda ang gising niya bukas.

His PossessionWhere stories live. Discover now