LET GO 13

155 56 61
                                    

A/N: Nakakataba ng puso yung mga messages n'yo. Borahaeyo!

--

Nagsimula ang bagong taon ko sa kolehiyo at masasabi kong mas naging busy nga ako ngayon kaysa nung first year college. Pero kahit ganoon ay natutuwa ako. I was so happy because what I'm taking is what I really want. I always start new day with a bright smile that I think, the best asset for me as a student.

Hindi man tulad ng dati ay nakakalabas pa rin naman kami ni Matt, madalas ay weekend pa. Bukod sa busy ako ay alam kong mas busy siya since he's already in third year, ang sabi nga nila sa'kin ay medyo hassle nga raw kapag third year college na tapos ay BSA pa ang kurso. At hindi ko maiwasang maexcite para do'n, I don't know why but there's something about me that I'm looking forward to it. Siguro ay ganoon talaga kapag gusto mo ang tinatahak mo.

"Isang ngiti lang ni Kiara, pasado na!"

Nagtawanan ang mga kaklase ko sa sinigaw na 'yon ni Karl. Kakatapos lang din kasi ng exam namin at ako ang napagtitripan nila dahil ako raw ang bukod-tanging nakangiti habang nagsasagot. Napailing ako at natawa na lang din. Hindi ko rin maintindihan kung bakit mas naging ganado ako ngayong second year, kaysa nung first year. Mas lalo akong na-eexcite, at tama nga sila, lahat ay nginingitian ko.

Well, I got it from my papa.

"You really like this course," nakangiting wika ni Faith nang lingunin ko siya. Sinagot ko siya ng mas malawak na ngiti.

"I'm rooting for it," I stated and smiled.

"Free ka ba mamaya?" tanong niya habang nag-aayos ng gamit sa bag.

Ngumuso ako. "May lakad kami ni Matt eh." At na-eexcite ako do'n.

Halos dalawang linggo na rin na hindi kita nagkikita ni Matt dahil busy siya, kali-kaliwa kasi ang mga pinapasa nila at exams ayon sakaniya.

"Aw, date with your boyfriend huh? Tagal n'yo na."

Napakurap ako sa sinabing 'yon ni Faith. Ilang segundo pa 'kong hindi nakasagot bago tumawa at inilingan siya.

"Hindi naman kami," kontra ko sa statement niya, at kahit gusto kong iwasan ay alam kong may bahid ng pait ang tono ng boses ko nang sabihin ko 'yon.

Nang tignan ko si Faith ay nawala na ang ngiti sa labi niya, nakaawang na ngayon ang labi niya at bahagyang nakakunot ang noo.

"Seryoso ka ba?" paniniguro niya.

Bumuntong-hininga ako at tumango, pinilit kong bigyan siya ng masayang ngiti na parang wala lang sa'kin 'yon.

"Grabe! I thought, you're already in a relationship," hindi makapaniwalang aniya, umiling-iling pa siya.

"Baliw. We're best of friends," natatawang sabi ko at umiling din sakaniya. Faith looked at me with amusement in her eyes, pero hindi 'yon amusement na parang natutuwa, kundi ay pagkalito.

"Nagde-date pero walang label? Ayos ah," natatawang aniya pagkatapos ay kinamot pa ang noo, pinapahiwatig na naguguluhan talaga siya.

Instead of answering her, I just smiled and refused to talk. Kahit sino ay inaakalang kami when actually, we're not. Hindi ko maiwasang isipin na sana nga tama na lang yung iniisip nila, kaso ay hindi. We're not together. And I guess, we can't be. I think, what we have is just a one-sided love, ako lang ay may gusto habang siya ay kaibigan lang ang turing sa'kin.

Pinilit kong alisin ang isiping 'yon at naghanda na lang para sa magiging lakad namin ni Matt. Ayokong ipakita sakaniya na naaapektuhan ako over something that he didn't even know.

LET GO (BTS SONG SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon