LET GO 1

861 212 408
                                    


"Kiara! Ano ba!? Di ka pa ba papasok!?"

Napasimangot ako sa sigaw ni Ella at pilit na pinikit ang mata ko. Yumakap ako sa unan at hinihintay na makatulog na ulit.

"Kiara! Isusumbong kita sa mommy mo!" napabalikwas kaagad ako sa higaan at masamang tumingin sa pintuan na akala mo ay nandoon ang pesteng gumigising sa'kin.

Ang aga aga pa eh!

As if on cue, the door of my room opened and Ella entered with a bad aura plastered in her face. Masamang masama ang tingin niya sa'kin kaya naman napanguso nalang ako at kinusot ang mata ko. Inaantok pa 'ko.

"Gaga ka ba? Kanina pa kita ginigising," inis na aniya, may hawak pang sandok. "Malelate na naman tayo pareho at malalagot ka na naman sa Professor mo," dagdag niya pa at lalo akong pinanlakihan ng mata.

Napairap ako. Tama siya, lagot na naman ako sa terror naming professor na ako lagi ang trip pagalitan. Napakabait kong estudyante para ganitohin niya 'ko. Tsk, dahil lang late? Hindi ba pwedeng traffic or something? That terror professor is getting on my nerves! Pasalamat siya at may pangarap ako sa buhay.

"Alam na ba ni tita na trip ka niyang Prof n'yo?" natatawang tanong ni Ella habang nakatayo kami sa waiting shed, naghihintay ng jeep na masasakyan papasok. Bumaling ako sakaniya at umirap. Kanina lang ay inis na inis siya sa'kin, ngayon ay nagagawa na akong asarin.

I sighed. "Hindi syempre. Edi patay ako d'on," sagot ko sakaniya at inayos ang strap ng bag ko nang maramdaman kong hindi pantay 'yon.

"Sabagay, patay kang talaga 'pag nalaman niyang nagdiditch ka ng classes—"

Nanlaki ang mata ko. "Anong ditch classes!? Bobo ka ba? Nale-late lang!" galit na wika ko, pinutol ang sasabihin n'ya.

She laughed so hard pagkatapos kong sabihin 'yon. Ito talagang si Ella, ang lakas ng tama.

"Ah late lang ba?" tanong niya, nang aasar ang tono pagkatapos ay tumawa siya ulit. Siniringan ko nalang siya at hindi na sumagot nang makita ang jeep na papalapit na. Tinignan ko agad ang placards at natuwa nang makita ang lugar na madadaanan.

"Ayos, isang sakayan," wika ko habang hinihintay na makalapit ang jeep. Nang huminto ang jeep ay iniwan ko agad si Ella doon na tumatawa pa at natigil lang nang makitang umalis ako at papasok na ng jeep.

"Hoy bastos ka," aniya nang makasakay na kami ng jeep at makaupo. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. She just raised her right eyebrow on me, naghahamon.

"Bayaran mo pamasahe natin," sagot ko, malayong malayo sa sinabi niya. Nangunot agad ang noo niya, nagsisimula nang mainis.

"Bakit ako!?" Napakurap ako sa lakas ng boses niya at nahihiyang sinilip ang mga kasama namin sa jeep na napatingin sa gawi namin. Hinampas ko ang kamay ni Ella sa hiya. Jusko, napakaingay!

"Kanina mo pa ko binabadtrip, ikaw magbayad," mahinang wika ko pero may diin. Napasimangot siya sa inis habang nakatingin sa'kin. Maya maya pa ay huminga siya ng malalim at nakangusong kinuha ang wallet niya sa bag. Ngumisi ako.

Ella is my cousin and also a friend. But I'm not her bestfriend kasi she got a squad of her own. We are just that close at ayos saakin 'yon. Sinilip ko ang wallet niya habang naghahanap siya doon ng barya. Para tuloy kaming tanga na sinisilip ang kung ano. Nang makakuha siya ng pamasahe ay masama akong loob niyang inabot sa'kin 'yon habang ako naman ay nakangisi.

Pinaabot ko agad sa malapit sa driver yung bayad. "Sa Brent University po, dalawang estudyante," malakas na wika ko para marinig ng driver. Gusto ko ng mahiya nang balingan kami ng mga tao at ang iba pang nasa jeep na estudyante din ay pinasadahan kami ng tingin at halata sakanila ang pagtataka.

LET GO (BTS SONG SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon