LET GO 27

57 10 42
                                    

A/N: THANK YOU SO MUCH FOR SUPPORTING AND READING MY STORY GUYS! THIS IS THE END— CHAROT HAHAHAHAHAHAHA. Enjoy reading! ~

--

My work started and it went well. Agad ay naging busy ako dahil ang nagretirong Corporate Accountant bago ako ay may naiwan pang mga trabaho na kinailangan kong tapusin. It was tiring but satisfying since I'm doing what I want. I'm passionate about it.

At sa mga sumunod na buwan ay halos lahat ng empleyado ay ka-close ko na. Hindi tulad sa dati kong trabaho ay mas marami akong nakakasalamuha dito, mas friendly at mas maingay, at hindi na nakakapagtaka dahil ang boss namin ay mapaglaro rin.

Most of CEO's are that serious and proper but Sir Timothy is one of a kind. He's really that playful. No wonder, he's really loved by his employees.

Sa tuwing papasok ako sa office niya ay hindi ko na nararamdaman ang pagka-tensed na naramdaman ko noong una dahil laging sumasalubong saakin ang mapaglarong ngiti ng CEO. Minsan ay nagapatugtog pa ito ng kung ano sa office niya. Wala namang maso 'yon dahil sound proof naman ang opisina niya.

I could say that we've been close— but not to the extent of being a close friend or something. Siguro ay close lang dahil sa trabaho, and ofcourse, we act professionally and casually.

"We're going to Boracay," anunsyo niya nang ipatawag niya ako sa office niya.

Napatango ako. This will be the third time already na aalis kami ng manila for a business matter, ofcourse. Kung tutuusin ay pwede namang sekretarya niya ang sumama sakaniya, pero dahil ako ang may hawak ng records at mas kailangan daw ako do'n ay ako ang isinasama.

"We will stay there for 3 days," aniya pa. Tumango ulit ako.

"Yes Sir," magalang na sagot ko.

"That's all," aniya. Napatango naman ako. Saglit pa akong yumuko bilang paalam bago tumalikod.

"Eat, missy. Namamayat ka na," he uttered, making me stopped for a second. Saglit ko siyang nilingon at pinagkunutan ng noo pero tinawanan niya lang ako.

Nagtuloy tuloy na ako sa paglabas ng office niya at inabala na ang sarili sa pagtatrabaho. Naging mabilis ang panahon, hindi ko man lang namalayan na isang taon na akong nagtatrabaho sa Abexon Corp. Nagkakausap kami ni Matt pero hindi na naging madalas 'yon. Sa sobrang busy ko ngayon ay wala na akong oras para tawagan pa siya.

Kapag naman tatawag siya ay saktong matutulog na ako o di kaya ay tulog na rin ako kaya hindi ko na nasasagot.

Hindi ko namalayan ang panahon, dalawang taon na siyang nasa Canada at nagi-guilty ako dahil iilang beses ko lang natanong ang kalagayan niya. I hope he's okay. I hope he's getting better.

"This is my Corporate Accountant, Miss Kiara Selene Bellamonte," pagpapakilala ni Sir Timothy sa'kin sa mga ka-business meeting niya.

Ngayon ay nasa boracay kami para makipag-meeting sa iba't ibang kliyente ng corporation at para mai-check din ang kompanya nila dito. Ilang oras din ang tinagal ng pag-uusap no'n bago kami natapos at pinuntahan ang kompanyang nandito sa boracay. Lumibot lang kami saglit para magmonitor at para rin makuha niya ang financial records na malamang ay ako ang hahawak.

Pagkatapos no'n ay kinatuwa ko dahil pwede na kaming magpahinga. Sir Timothy really paid for two hotel suites na pinagpasalamat ko. Nang makapagbihis ako ay sakto namang tumawag siya para yayain ako sa dalampasigan. I refused at first pero namilit siya kaya wala na akong nagawa.

When we reached the seashore ay pinasaya ko ang sarili habang dinadama ang hampas ng hangin kasabay ng paghampas ng mga alon sa dagat. Relaxing...

LET GO (BTS SONG SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon