A/N: Di ko alam kung aabot 'to ng 30 chapters--- but TYSM guys for supporting and reading it! HUHU ❤ BORAHAEYO! ENJOY READING!
-
"Hey," rinig kong pagtawag ni Matt sa atensyon ko pero hindi ko siya magawang tignan. My eyes loitered somewhere, glaring so bad.
Tanginang Miguel 'yon!
"Miguel planned it all." Lalong sumama ang tingin ko nang sabihin ko 'yon. Alam na alam ko na kung anong nangyari, hindi ko na kailangan ng kahit ano pang paliwanag dahil malinaw na malinaw na.
Si Miguel mismo ang tumawag sa kapatid niya para hindi umuwi sa bahay at hindi makita ang surprise na hinanda ko. Kaya naman pala malakas ang loob niyang sabihin sa'kin 'yon dahil sa kagaguhan niya. He really wants to ruin us!
"Alam mo..." nanggigigil na wika ko at tinignan si Matt. "Hindi ko alam kung anong klaseng demonyo ang nasa loob niyang kapatid mo at ginagago tayo." Marahas akong bumuga ng hangin pagkatapos sabihin 'yon. Nameywang ako at marahas na bumuntong hininga.
"Gago siya," inis na wika ko. Ngayon pa lang ay gusto ko ng sugurin ang pesteng kapatid ni Matt at tadyakan siya. Akala ko ay sinayang mismo ni Matt ang surprise ko, at akala ni Matt ay binalewala ko ang birthday niya. Yun pala ay kagagawan lang ng kapatid niyang pinaglihi sa demonyo.
"Hey, hey, Kiara." Nag-angat ulit ako ng tingin kay Matt sa pagtawag niya sa'kin sa malumanay na paraan. I didn't have time to speak when he held my hand and pulled it for a hug. Niyakap niya ako ng buo, he even caressed my back, like atleast to make me calm. Malalim ang naging buntong hininga ko.
Bahagyang humarap sa gawi ko ang ulo ni Matt at hinalikan ang sintido ko, wala pa ring patid ang paghaplos niya sa likod ko. "He's an asshole," Matt stated. Tumango-tango naman ako habang masama pa rin ang tingin sa kung saan.
"Yes he is."
Hindi mapigilang kumabog ng puso ko nang ilang beses na hinalikan ni Matt ang sintido ko. "Don't waste your energy for my dickhead brother," baritono ang boses na aniya. Huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili.
Kakalbuhin ko talaga 'yon kapag nakita ko siya. Tangina niya!
"Let's just talk about what really happened. I still need an explanation," aniya. Saglit akong napakurap, narealize na hindi pa gano'n kalinaw sakaniya ang nangyari. "Babe." Halos makagat ko na ang ibabang labi ko sa lambing ng boses ni Matt while calling me that. Sa paraan niya ay para siyang naglalambing.
Ang landi mo!
"Come on, let's talk," aniya at pinakawalan ako. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at marahan akong hinila papunta sa sala, dahilan para hindi na ako makasagot pa.
Nang makarating kami sa sala ay nakabusangot na mukha ni Ella ang sumalubong saamin, diring-diri sa nakikita niya. "Nag-away lang pala kayo para maglandian pagkatapos. Hindi nalang kayo nag-motel!" singhal niya, lalo pa siyang bumusangot na animong nasusuya na talaga. Napangiwi ako. Bastos re.
"Manahimik ka," nakangiwing sagot ko sakaniya. Hinarap ko si Matt at sinenyasan na maupo. Nasa iisang sofa lang kaming tatlo, iyon nga lang, nasa magkabilang dulo na para bang magkagalit kami sa isa't isa.
"Explain." Napatingin ako kay Matt nang magsalita siya, seryoso ang tono ng boses. Bumuntong hininga ako at hinanda ang sarili na magsalita.
"I was there. Pumunta ako-"
"Pumunta 'yan sa bahay n'yo para i-surprise ka."
Awtomatiko kong nilingon si Ella nang siya ang magsalita, pinuputol ang sinasabi ko. Inis ko siyang sinamaan ng tingin pero nginiwian niya lang ako at humarap na ulit siya sa TV. Sinimangutan ko muna siya bago ko binalik ang tingin ko kay Matt.
BINABASA MO ANG
LET GO (BTS SONG SERIES #1)
Romance[ COMPLETED :: EDITING ] This is a BTS inspired series. I called it as a series because I will be using BTS' tracks' title for this series. Kiara Selene, whose optimistically looking forward to her future is also wishing to have someone to be with...