Disclaimer: this is work of fiction, anumang pangyayari at mga pangalan ang nabanggit sa kabanatang ito ay gawa lang ng aking imahinasyon.
Thank you..
Chapter 2: Register
Jose's Point of View
Biyernes. Ang pinaka ayaw kong araw sa lahat, pano ba naman kasi ang una naming subject ay physical education. Alam mo yung feeling na kaliligo mo palang tapos pag pasok may naka abang sayo na isang nakakapagod na gawain. Ang nakakapawis at nakakalagkit na 'physical education'. Yikes.
Andito kami ngayon sa labas. Sa court kung saan walang silong, tuwing ginagawa namin to ay naiinis kami, kulang na nga lang ay awayin namin ang professor namin kapag lumalabas kami sa initan eh.
Pero ngayon. Mapalad kami, dahil madilim ang kalangitan. Naghihintay lang kami, hinihintay namin ang isang pangyayaring sasalba sa amin sa delubyong ito. "Ambon.." masayang sambit ko.
At yun nagsimula ng pumatak ang ulan kaya ang ending. Walang physical education na magaganap.
Pero...
Hindi pa kami dapat magsaya dahil may isa pang kamalasan ang naghihintay sa amin. Isang long quiz.
"Akala ko makakaligtas na tayo..." Si Michelle, na naka akbay sa akin.
"Nagulat naman ako sayo" natatawang saad ko
"Nag review ka ba?"
Mukhang alam ko na kung anong susunod na mangyayari.
"Pa kopya nga.." ngiting sambit niya sa akin "...please"
"Ano pa bang magagawa ko?"
Si Michelle ang matalik kong kaibigan at siya lang. Wala man akong mga kaibigan dito sa school dahil anti social ako.
Simula pagkabata siya lang ang nag iisang kaibigan ko.
"Mr. Garves?" Kunot noong tingin sa akin ni prof
"Po?.." maikling tugon ko
"Lumapit ka nga dito"
Naku parang alam ko na ang dahilan kung bakit niya ako pinapalapit sa desk niya.
"Ikaw din Ms. Flores..." Mabilis namang umintig si Michelle nang tawagin siya ni prof "did you hear me?"
"Ahh... Opo sige." Tumayo siya sa kinauupuan niya at pumunta sa desk kung saan nandun din ako.
Nagtitigan lang kaming dalawa ni Michelle na animo'y nag aasaran.
"Zero kayo sa long quiz..."
"Ho? Eh bakit naman po, eh puro check nga yung papel ko oh" mabilis namang sumabat si Michelle
"Are you asking me why?..." Sabay siyang ngumisi at pinakita ang papel naming dalawa "ngayon mo sabihin kung bakit"
Nakita ko yung mga sagot ko at sagot ni Michelle ay magkakaparehas. Damn!! Hindi ko alam na naka kopya siya sa akin. Sabagay parang giraffe kasi ang ulo nito 'pag may test eh
"Wala kang masagot?" Napakamot nalang ng ulo si Michelle at tumingin sa akin na naka ngiwi
"Ahh. Mr. Reyes, pasensya na po... 'di na mauulit" pagmamaka awa ko sa kaniya
"Aba dapat lang... Kung 'di dadalhin ko kayo sa office kapag inulit niyo to" pangaral niya sa amin
"Sir bakit zero na-" tinakpan ko ang bunganga niya at pinigilan mag salita
YOU ARE READING
Neon City
AdventureIsang araw habang ako ay nananaginip nakalikha ako ng story sa aking isipan galing sa aking sariling imahinasyon. Mula sa anime na Sword Art Online at Movie na Ready Player One, may ihahalintulad ko dito. Pero originally sa akin ang ibang konsepto a...