Chapter 1

15 0 0
                                    

Chapter 1: Real world

Jose's Point of View

"Ge push!!" Sigaw ko sa mga kasamahan ko sa computer shop

"Tulungan mo naman kami. Huwag ka puro farm jan" angal ng isa

"Ito na papunta na ako sa mid"

"Dalian mo!!" Sigaw niya

Halos magsitinginan lahat ng tao sa amin. Parang kami lang lima ng magkaibigan ko ang nasa computer shop.

Nagpupustahan kami kasi ng mga tropa ko at kalaban namin ang mga dayo sa baranggay namin.

Dikit ang laban, at konting oras nalang ay may mananalo na. At makakasiguro ako na kami ang mananalo.

"Back!! Back!! May nag backdoor sa base" halos di ako maka pindot sa keyboard ng marinig ang sinabi ng tropa ko

"Jo!! Need ka namin dito!" Usal nila

Ally has been slain..

Full item na sila at kaya na nilang  mag one hit sa amin.

Enemy double kill..

"Jo!! Tumulong ka dito" nag recall na ako

"Ito na ako"

Enemy triple kill..

Kailangan kong mag defend ng tower kundi matatalo kami

Enemy quadra kill..

Ako nalang ang natitira. Kailangan ko silang matalo.

Tumigil ng ilang segundo ang aking character at parang napako ako sa pwesto ko. Wala akong nagawa Ewan ko pero Natalo kami.

"Fuck!! Jose!" Usal nila

"Ang tanga mo!!"

"Bigla akong nag lag" ang tanging lumabas sa aking bibig.

Natalo kami at inis na inis sila sa akin dahil pakiramdam nila ako ang dahilan kung bakit kami natalo. Geez ano ginawa ko?

Pauwi na ako ng bahay at mag gagabi na. Kanina pa kasi ako dapat uuwi eh pero niyaya ako ng mga tropa ko sa computer eh, ang alam ng nanay ko niyan ay may ginagawa kaming project kaya ginabi ako. Fuck nakokonsensya ako!!

Hindi ko namalayan na may sumusunod na pala sa akin. 'Di ko nalang ito pinansin at dumiretso sa eskinita para magtago dun.

"Ano pre nakita mo ba?" Sambit ng isang lalaking di ko makita ang mukha niya dahil madilim.

"Pinapagod tayo niyan ah" tugon naman ng isa na may hawak na patalim.

Shit shit!! Papatayin nila ako pag nakita nila ako.

"Hanapin mo siya dun" tinuro niya ang eskinita kung saan ako nag tatago

Dahan dahang naglalakad at naghahanap ang lalaking yun, at dahan dahan din ako tumatamlay kada lakad niya papunta sa akin.

"Jose. Yohoo nasan kana." Hiyaw niya na sabay ang sipat sa eskinita

Nang maka lapit na siya sa pwesto ko ay dali dali akong tumakbo.

"Ayun siya! Habulin niyo!!"

Mabilis lang akong tumakbo at sa sobrang bilis, parang tumitigil na ang oras pero sa oras na to ay may humahabol sa akin na mga halimaw at hindi nila ako titigilan hangga't 'di ako nahuhuli..

Neon CityWhere stories live. Discover now