Chapter 3

9 0 0
                                    

Chapter 3: Chase Romualdez

Michelle's Point of View

Andito ako ngayon sa ospital kung saan inadmit si Jose. Matinding pinsala ang natamo niya, pasalamat na nga lang sa diyos at nabuhay pa siya sa kabila ng nangyari

"Ikaw ba ang kamag anak ng pasyente?" Tanong ng doctor sa akin.

"Hindi po.. pero tatawagin ko nalang po yung nanay niya"

Sabay kong kinuha ang aking phone at sinumulang I contact ang nanay ni jose.

"Tita... Ahmm" shit paano ko to papaliwanag sa kaniya?

"Oh mich napatawag ka?" Hindi ako makapag salita at para akong napipi.

Anong gagawin ko? Pano ko ipapaliwanag sa kaniya ang nangyari sa kaniyang anak.

"Mich... May problema ba?"

Tapangan nalang ng loob ito.

"Tita.. si Jose po.." naguguluhan kong sambit.

"Anong nangyari!? Sabihin mo na!" Naghihisterical na ang kaniyang boses

--

Someone's Point of View

Pumasok ako sa ICU habang naka disguise na nurse. Nasa importanteng misyon ako.

Nagmula ako sa Neon City at kailangan kong kuhanin ang dugo ng isang importanteng tao. Sakto at walang tao sa kaniyang room.

Niready ko na ang mga gamit sa pagkuha ng dugo niya, nilabas ko ng syringe at isang cooler sa aking bag. Kasulukuyan ko siyang kinukuhan ng dugo, Nang biglang may pumihit sa door knob. Dali dali akong nagtago sa banyo at pinakikinggan ang kanilang mga pinag uusapan.

"Unconscious pa rin siya hanggang ngayon"

"Eh... Doc kailan po ba siya magigising?" Nanginginig ang tono ng kaniyang boses

"Sa ngayon po maam, ay 'di pa namin alam kung magigising pa siya... Malaki ang pinsala ang natamo niya at milagro nalang ng mabuhay pa siya"

"Doc... Gawin niyo po ang lahat para magising siya"

"Gagawin namin ang lahat maam, huwag-" bigla siyang natigilan, "ano to? May bakas siya ng syringe sa kaniyang braso?"

Fuck di ko agad natakpan yun, konti palang ang nakukuha kong dugo pero papalpak pa yata ako.

"Sandali lang po ah..." Naririnig ko ang yabag ng kaniyang paa papunta sa banyo.

Kinuha ko na ang portal maker papunta sa Neon City para maka alis na dito. Bahala na, baka mapahamak pa ako dito.

"May tao ba jan?"

Saktong pagpasok ko sa portal ay bumukas din ang pinto, pero hindi niya nakita ang portal na aking pinasukan. Sigh.

--

Michelle's Point of View

Malaking palaisipan ang nangyari kanina sa ICU, at mismong si Jose ang pakay niya.

Nandito kami ngayon sa security office para tignan kung anong nangyari kanina.

"Pumasok siya sa room ni Jose... Ayan oh" turo ng isang guard sa monitor.

Tinignan pa niya ang isang footage kung saan ay nasa loob na ang suspect. Kitang kita dun na kinuhanan niya ng ng dugo si Jose gamit ang isang syringe, di naman namin siya mamukhaan dahil may face mask ang mukha niya.

Neon CityWhere stories live. Discover now