Chapter 5

5 1 0
                                    

Chapter 5: Codename

Third Person Point of View

Dahil sa pagkahilo kanina ni Kelly ay nakatulog siya at hanggang ngayon ay 'di pa din gumigising.

"Ano bang nangyayari? Ok lang ba siya?" Alalang tanong ni Chase kay Guthz

"Huwag kang mag alala magiging ok din siya. Hintayin nalang natin siyang gumising at ilahad ang kaniyang mga panaginip sa atin" paliwanag naman ni Guthz.

--

Kelly's Point of View

Marahil ay nasa real world na ako at kailangan kong hanapin ang isang impormasyong magbibigay sagot sa mga tanong ni Chase.

Ang hinala ko ay nag soul switch silang dalawa dahil nakita ko sa ala-ala niya ang dugo ng isang tao. Nilagay niya ito sa katawan niya.

Pero ang nakakapagtaka bakit ibinaba siya binaba ng tatay niya sa Rank 11, nakita ko din sa Ala-ala niya yun. Clueless ako sa mga nangyayari ngayon, ang buong Akala ko ay malalaman ko lahat ng nasa isip niya pero parang may nag ba-block sa isipan ko..

Nakapunta na ako sa isang malaking bahay at as usual di nila ako nakikita. Parang isa lang ako multo na lumilibot sa isang bahay hanggang sa makapunta ako sa taas at nakita ang isang taong masusing nag t-type ng keyboard parang may hinahanap siya.

"Sino ka? Alam ko galing ka sa Neon City. Anong hinahanap mo dito!?" Shit nakikita niya ako. Fuck nakilala ko ang mukha niya dahil ito ang taong kinuhanan ng dugo ni Chase.

"Sino ka!!" Biglang sigaw niya.

"Anak anong nangyayari jan?" Isang boses ang narinig ko sa labas na agad ko namang nakita na pinipihit niya ang doorknob.

"Sumagot ka!!"

Wala na akong nagawa kundi ang maglaho...

At nagising na ako, nakita ko si Guthz naka titig sa akin. Habang si Chase naman ay natutulog na.

"Ano kamusta? Anong nakita mo?" Agad na tanong ni Guthz pero pabulong lang.

"Huwag kang masyadong maingay. Halika samahan mo ako sa kuwarto, may importante akong sasabihin sayo"

"Huy grabe ka naman kakatapos palang natin kanina gusto mo pa ulit" pabirong sambit niya na agad ko naman siyang tinaasan ng kilay.

"Gago ang dumi ng utak mo" sabay batok sa kaniya at bigla naman siyang natawa.

"Hahaha kala ko kasi gusto mo pa ulit eh"

"Shhh huwag kang maingay sabi eh" sabay batok ulit sa kaniya

"Aray putang'na sobra na yan ha" inis niyang sambit pero pabulong.

--

Joseuha's Point of View (Chase)

Walang kwenta ang internet dito sa mundo ng mga tao. Ano ba klasing lugar to at hindi makapag update ang utak nila.

"Anak?" Ang mama ni Jose na naka tayo sa labas ng pinto ng kuwarto ko, "di ka pa kakain?"

"Alis!" Isang pambabastos na naman ang inasal ko sa kaniya.

"Sige, anak kain ka ah titira ka nalang namin ng pagkain" aalis na sana siya ng bigla akong mag salita.

"Sandali... P-pasensya na sa mga inaasal ko, sadyang di ko lang talaga kayo matandaan."

Bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Ngayon lang ako nakaramdam ng isang mahigpit na yakap mula sa isang nanay. Parang ayaw ko ng kumawala sa kaniya, pero gusto kong bumalik sa mundong kung saan ako nararapat.

"Sige na, kain na kayo" inalis ko ang kamay niya at lumabas na siya.

Nga pala ang registration form. Kailangan kong fill up-an ito para maka gawa ng isang account papunta sa Neon City.

Dahil alam ko na ang mga pasikot sikot ng larong ito madali nalang ako nakapag register, pero hindi ko tiyak kung bakit ang hirap maglagay ng pangalan.

Chase Romualdez...

Error..

"Fuck ano ba ang problema nito?"

Kailangan kong maka isip ng pangalan para maka pasok ako sa larong ito. Hmmm ano kaya magandang ipangalan.

Yeuhan Santos...

Verified..

"Pwede na to taena!!" Singhal ko sabay sumbit sa pangalan ko. At sign up na para maka pasok na.

Kala ko mo dad ma ba-block mo na yung mga nalalaman ko sa Neon City, huh! No way, alam ko pa din ang hidden secret mo. Maghanda ka siguradong babagsak ka sa pagdating ko.

--

Chase's Point of View

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Napansin ko ang pinto ng kuwarto ay naka bukas kaya pumasok ako dito.

"Sige na isa lang" dinig ko na sa pagkaka alam ko ay si Guthz yun.

"Tsee!! Tulungan mo muna ako ipaliwanag kay Chase lahat"

"Anong ipapaliwanag?" Nakita mo ang mata nilang nanlaki ng makita ako.

Biglang lumapit sa akin si Guthz at tinapik ang balikat ko.

"Goodluck bro.."

"San ka pupunta?" Kunot noong tanong ni Kelly kay Guthz na akmang aalis na.

"Gago. May pasok pa ako, Ikaw na magpaliwanag jan" nagbabye siya at lumabas ng kuwarto.

"Gabi na ah, papasok siya?" Takang tanong ko.

Gabi na tapos may pasok daw siya, ahhh night shift siguro.

"Talagang wala kang nalalaman sa siyudad na to?" Biglang lingon ko kay Kelly kaya napataas ang kilay ko.

"Pwede bang ipaliwanag mo lahat?" Pagsusumamo ko sa kaniya.

"Ganito lang ang siste, isipin mo lahat ng dito ay totoo. Roleplay, and you'll live. Understand?"

Halos mapanganga ako sa mga pinagsasabi niya. Nasisiraan na ba siya ng ulo? Anong isipin ko na totoo ito? Bakit hindi ba ito totoo? Isa lang ba tong laro, na kailangan mong laruin para mabuhay. Shit. Parang nag sisink in na sa akin ang lahat. This is not a city. This is a fucking game, a fucking roleplaying game!! Pero sino ba talaga ako? Sino ako?

"Ikaw si Chase Aguirre, mark your name" napatango nalang ako sa kaniyang mga sinabi "nga pala sumama ka sa akin bukas ng umaga may raket tayo" dugtong nito.

"Bukas? Anong raket yan?"

"Magnanakaw tayo ng bangko"

What the hell? Bangko? Tapang ng loob nito.

"Maaga kang gumising bukas, samahan mo ako magplano."

Wala na akong nagawa kundi ang tumango.

Saktong papasok na ako sa isang kuwarto para matulog ng bigla siyang magbitaw ng salita.

"Huwag mong sasabihin sa mga pulis ang buo mong pangalan. Iisipan kita ng code name" humawak pa ito sa baba niya na Tila nag iisip, "aha! How about Dice"

Wala na akong naging reaksyon sa sinabi niya. Dice, my codename is Dice and fuck it sounds like damn. Pero isang tanong nalang ang di ko pa nasasagot sa sarili ko. Sino ako? Alam kong hindi Chase ang pangalan ko. Pakiramdam ko wala ang sarili ko dito sa siyudad na to.

Neon CityWhere stories live. Discover now