Chapter 6

8 1 2
                                    

Chapter 6: bank heist

Michelle's Point of View

Nakahinga na ako ng maluwag ng malamang nagka ayos na sina tita at Jose. Akala ko ay habambuhay na siyang magiging masungit, buti na nga lang hindi nangyari yun.

Pero kahit na hindi siya nagsusungit sa amin ay hindi naman niya kami tinatapunan ng pansin, lagi siyang nalilipasan ng gutom at ang lagi niya lang kasama ay ang computer set sa kaniyang kuwarto. Lagi ngang lock ang pinto eh, ba baba lang siya kapag kukuha siya ng pagkain sa ref.

"Di na nga siya masungit, pero parang wala naman siya" Singhal ni tita kaya napatawa ako ng mahina.

"Hayaan mo nalang tita, pwede na yan kesa naman yung binabastos ka niya"

Napaintig ako sa aking kinauupuan ng may tumawag sa phone. Kinuha ko ito at nakita kung sino ang tumatawag si mama.

"Po?" Maikling sagot ko

"Kailangan mong pumunta sa ospital, na aksidente ang tatay mo"

Napako naman ang labi ko sa mga narinig ko na salita kay mama.

"Dalian mo Mich, pumunta ka na agad sa ospital"

Wala na akong nagawa kundi ang tumayo sa sofa at kunin ang sling bag ko.

"San ka pupunta?" Bigla akong natigilan ng marinig kong magsalita si Jose.

"Si papa-"

Hindi pa ako tapos magsalita ng kunin niya ang susi ng kotse nila at hinila ako palabas.

"Teka anak marunong ka magmaneho?"

Ganun ang gusto kong tanongin pero naunahan ako ni tita, isang tango lang ang sinagot ni Jose at agad na siyang lumabas para pumunta sa kotse.

As usual hindi niya ako pinagbuksan ng pinto. Pero hindi ko nalang papansinin yun dahil nagmamadali ako, kailangan kong makita si papa, ano kayang nangyari? Bat siya na aksidente.

"Mag ingat kayo ha" pagpapaalam ni tita pero hindi naman ito pinansin ni Jose. Rude.

Binarurot niya ng mabilis ang kotse at kulang nalang ay lumipad ako sa upuan sa sobrang bilis.

"Ano ba!! Ayusin mo nga pagmamaneho mo!!" Sermon ko kaya tinigil niya ang kotse sa isang gilid at tumingin ng seryoso sa akin.

"Ba't.. tayo. Tumigil" naiilang kong sambit sa kaniya.

"Diba nagmamadali ka?" Seryoso pa din ang tingin niya sa akin.

"Oo.. kailangan kong pumunta sa ospital, pero huwag naman sanang ganung kabilis. Baka mahuli ka pa niyan lalo na't menor de edad ka palang.. ako menor de edad.. oo" naiilang pa rin ako sa kaniya, shit bakit ganito bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Pake ko kung mahuli ako" seryoso pa rin siya.

"Jose wala kang lisensya!! And besides 16 years old ka palang"

Pero hindi naman halata sa kaniya na ganun ang edad niya. Mula sa kilos at aura niya ay mukhang nasa 20's na siya. Hindi katulad dati na tahimik lang siya at hindi masyadong matured ang isip niya. Pero ngayon, damn mas gusto ko ang version niyang ganito.

"Ano pang hinihintay mo? Alis na tayo.. b-baka naghihintay sina mama dun sa ospital" hindi ko maiwasang ma utal dahil naka titig pa rin siya sa akin.

"Tsk tsk" may pa iling iling pa siya, "nakikita mo yun?" Tinuro niya ang traffic light na naka 'Red'.

Tang ina? Di ko napansin yun ha. Kaya pala siya tumigil, feeling ko tuloy napahiya ako sa kaniya. Aghh.

Neon CityWhere stories live. Discover now