Chapter 4

7 1 0
                                    

Chapter 4: Opposite

Michelle's Point of View

"Ano nararamdaman mo Jose?" Sa wakas ay nagising na din siya.

Dalawang buwan na siyang nakaratay sa kamang ito at sa pagkakataong ito ay makakausap na namin siya.

"Sino ka? Nasaan ako?" Nagseryoso ang tingin ko sa kaniya, "sino ako?" Dugtong niya.

Ito na siguro ang sinasabi ng doctor. Hindi na niya kami maalala.

Tinawagan ko ang doctor at si tita na din, at sinabi ko sa kanila ang mga sinabi ni Jose sa akin.

"Ito na nga, nag ka amnesia na siya" panimulang sambit ni doc.

"Doc.. ano po gagawin namin?" Nanginginig na tugon naman ni tita.

"Mahabang pasensya ang kailangan niyo... Baka matagal ang recovery ng utak niya kaya hangga't maaari ay laging anjan kayo para sa kaniya."

Nakaka lungkot lang isipin na talagang hindi niya kami ma aalala sa ngayon.

Pero hindi kami titigil, lagi naming ipapa alala na kami ang mga mahal niya sa buhay.

--

Chase's Point of View (Joseuha)

Minulat ko ang aking mata at nagulat ako sa aking nakita, namangha at napasaya ng mata ko ang mga Neon lights sa paligid.

"Woah!" Amaze na ikot ng paningin ko sa paligid.

Lumakad ako at puro mga estudyante ang nakikita ko hawak hawak ang mga bag, tapos ang mga relo nilang may naka lagay na mga number. Lahat sila ay may ganung relo, parang mga hologram ang buong paligid.

Napatingin ako sa kamay ko at nakita ko ang isang relo na may number na 30, anong meron sa mga numbers dito?.

At nakakapagtaka kung nasaan ako? Sino ako? At anong ginagawa ko dito?

Naglakad lakad lang ako sa sidewalk at linga linga din sa paligid. Hanggang sa makabangga ko ang isang lalaki, naka suot ng uniporme, may hawak na libro at naka salamin.

"I'm sorry, ok kalang" sabay pulot sa librong nahulog

Biglang naningkit ang mata niya at inawang ang bibig.

"Anong lugar to?" Sabay tanong ko sa kaniya.

"Ikaw? Nagtanong at humingi ng sorry sa akin?" Kumunot ang noo ko, "Chase Romualdez. Ang anak ng mayor at Rank 2 sa lahat, anong masamang hangin ang nagpapunta sayo dito sa E.G"

"E.G? Chase? Teka teka, anong pinagsasabi mo?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya.

"Psh. What a great pretend-" bigla siyang natigilan nang makita ang relo ko, "teka. 30?" Bigla siyang tumawa ng malakas habang ako naman takang taka sa mga pinagsasabi niya. "Halika sumama ka sa akin"

Hinila niya ako at hindi ko alam kung saan kami pupunta Basta ang alam ko lang ay sinusundan lang siya ng mga paa ko.

Hanggang sa mamalayan ko na nasa isang building at puro mga Neon lights ang nakikita ko. Ano ba meron puro mga Neon ang nakikita ko dito? Di ba sumasakit ang mata nila sa mga ilaw dito?

"Tara pasok ka dito." Binuksan niya ang isang pintuan ng condo.

"Teka teka, ano bang ginagawa ko dito?"

Neon CityWhere stories live. Discover now